“10 Dahilan Kung Bakit Naghihiwalay ang mga nasa LDR” (Long Distance Relationship)


 

LDR o Long Distance Relationship,Isang uri ng relasyon na kinakailangan ng malawak na pag-uunawa, matagal na pasensya at mahabang-mahabang pasensya. Isa sa mga pinakamahirap at kadalasang nararansan ng mga taong may iniirog o sa tawag ngayon ay jowa. Isang pagsubok na tila ba sa simula ay iisipin mong hindi mo kaya dahil maraming balakid na maaring makasira sa inyong relasyon.  Ito ang 10 dahilan kung bakit naghihiwalay ang mga nasa LDR.

 

malungkot.com-title:featured image

 

  1. Hindi mo siya nakikita, nahahawakan at nakakausap ng personal.

– Marahil ay isa na ito sa mga ayaw maranasan ng may kasintahan dahil sino ba naman ang gugustuhin na dumaan ang isang araw na hindi mo man lang sya Makita kung okay lang ba sya, kung bagay ba yung damitna suot niya, kung nababastos ba siya dahil nakashorts siya kapag lalabas. Hindi mo sya makausap ng maayos dahil hindi mo makikita kung ano ang magigig reaksyon niya sa mga corny mong jokes. Hindi mo alam kung matatawa sya o hindi, kung galit sya o Masaya. At minsan pa matagal ang reply ng kausap mo kaya hindi mo namamalayan na minsan may pinuntahan na pala siya o di kaya ay tulog na.

2. Hindi mo na kilala kung sino-sino mga nakakasama niya.

– Minsan nagtataka ka kung ayos lang ba siya sa mga kaibigan niyang nakakasama sa araw-araw.Kasi hindi mo alam kung ano ang ugali nila, bad influence ba sila sa kanila o hindi. Bagamat nagkikwento siya sayo tungkol sa mga kaibigan na nakakasalamuha niya ay alam mo naman sa sarili mo na kulang pa rin yun kasi baka mamaya yung isa sa kanila may gusto na pala sa kanya na hindi mo alam at hindi niya alam.

 

3. Madalas na kayong nag-aaway sa mga maliliit na bagay .

–  Sa isang relasyon hindi talaga natin maiiwasan ang magtampuhan at mag-awayan pero sa kaso ng LDR minsan kahit late lang siya magreply ay nagagawa ninyo pang pag-awayan dahil hindi natin maiwasan na isipin na baka may kausap na pala siyang iba o ginugugol na niya yung oras niya sa ibang tao o bagay. Nagiging dahilan din sa pag-aaway ang paglalaro lalong lalo na sa mga kalalakihan lalo na at usong uso na ngayon ang mga mobile apps. Madalas kasing pinagsasabay ng ibang tao ang paglalaro at pakikipag usap sa mga kasintahan nila kaya naman humahantong sa pag-aaway.

 

malungkot.com- title: featured image

 

4.Hindi mo siya mayayayang kumain sa labas o makipag-date.

– Minsan kailangan niyo rin ng quality time na kayong dalawa lang, na hindi nyo kasama ang mga kaibigan niyo kaya minsan naiisipan ninyong lumabas para kumain lang ng fishball o di naman ay sa isang mamahalin na restaurant  para pag-usapan ang mga bagay-bagay tungkol sa pamilya niyo, sa relasyon niyo at sa iba pa. Pero noon yun, noong magkasama  pa kayo.

 

5.Digital ,mental at spiritual support na lang ang kaya mong ibigay kapag may nilalabanan siyang patimpalak o paligsahan.

– Alam naman nating lahat na kapag may lalabanan ka ay gusto mo na nakasuporta sayo lahat ng kakilala  o kamag-anak mo lalong lalo na yung suporta ng  tinatawag mong “mahal”, “baby”, “beb” kung ano man ang tawag mo sa kanya. Hindi naman maaalis sa atin na hanapin yung presensya nya habang lumalahok ka sa isang patimpalak. Pero dahil may distansya na naghihiwalay sa inyo ay hindi niya magawang mapuntahan ka kahit gustong gusto  niya na ikaw ay mapanood at masuportahan at ganun din naman sayo.

 

6.Hindi mo Makita kung ano na ang nangyayare sa kanya ,physically .

– Kahit na nakikita mo yung kasintahan mo sa larawan o picture, ibang-iba pa rin talaga yung nakikita mo sya ng harap-harapan kasi hindi mo alam kung meron ba siyang sugat, nagkakatagiyahawat ba siya, malaki na ba eyebags niya, mahaba o maikli pa rin ba buhok niya. Mga simpleng bagay na napapansin mo sa kanya noong magkasama pa kayo na ngayon ay sa larawan mo na lang nasusulyapan.

 

malungkot.com - title: featured image

 

7.Kinukulang na kayo sa oras para sa isa’t -isa.

– “Busy ako”, “Marami akong ginagawa”, “Mamaya na lang, pagod ako”, Ito yung mga linyang madaling sabihin o itext pero and dating sa iba ay “ Wala na ba siyang time para sakin?”,“ Priority pa ba niya ako?”, “ Busy na ata siya sa iba”. Madalas itong mangyare sa mga may ganitong relasyon dahil alam naman nating lahat na hindi mo hawak ang oras. Minsan talaga darating kayo sa point na sa isang isang oras o ilang minute lang kayo magkaka-usap kasi nga ay may kanya-kanya na kayong trabaho o pinag-aabalahan sa buhay. Pero sana huwag natin hayaan na oras ang magdikta sa inyong relasyon bagkus lagi niny ong isipin na kahit na anong mangyare basta’t mahal mo ang isang tao, kahit kinukulang pa kayo sa oras ang mahalaga ay mahal niyo pa rin ang isa’t isa.

8.  May nagkakagusto sa kanya na iba at hindi mo pa kilala.

–  Dito kadalasan nag-uugat ang mga pagseselos, tampuhan at awayan. Dahil sa mga taong hindi mo naman kilala tapos nagkakagusto pa sa taong nag-iisa mong mahal. At dahil alam ng taong yun na magkalayo kayo syempre magte-take advantage siya kasi magkalayo kayo at madalas niyang lalapitan yung jowa mo tapos matatakot ka na baka ma-fall siya sa kanya. Kaya kapag nag-usap kayo wala kang bukambibig kundi yung taong nagkakagusto sa kanya kaya naman humahantong ang isang relasyon sa hindi pagkakaunawaan at hindi pagpapansinan o pagkausap.

 

malungkot.com-featured image

 

9.  Palagi na lang kayong nag-aaway.

– Sa isang relasyon, hindi maiiwasan ang pag-aawayan pero paano kaya kung wala na kayong oras para mapag-usapan pa yung problema? Dahil naubos na yung oras ninyo sa pag-aawayan, hanggang sa lumaki ng lumaki yung problema at wala na kayong magawa kundi saktan ang isa’t-isa. Kung dumating man kayo sa ganitong punto, sana alalahanin ninyo kung saan kayo nagsimula, kung bakit mo siya niligawan o kung paano naging kayo at lagi ninyong itatanim sa isip ninyo na mahal na mahal mo yung tao tapos sinasaktan mo lang. Matuto sana kayong magpatawad, umintindi , at lalong lalo na ang magtiwala.

10.May mga bagay na hindi ninyo na pinapag-usapan.

– Importante sa isang relasyon ang pag-usapan ang bawat problema na dumadaan sa kanila para sila ay magka-ayos. Ngunit sa ganitong klase ng relasyon na kung saan ang tanging paraan lang para makapag usap kayo ay sa tawag at text lang, madalas may mga bagay na hindi ninyo na napapag-usapan dahil kulang sa oras o di kaya ay nakakalimutan at dahil na rin mas pinipili niyo na lang hindi pag-usapan para hindi na lang lumaki yung problema. Pero kadalasan ang nangyayari, dito humuhugot ng sakit na nagiging dahilan kung bakit kayo nag-aaway ulit.Nararapat lamang na pag-usapan niyo lahat ng bagay, para sa susunod matuto na kayo sa mga pagkakamali na nagawa ninyo.

 

 

Mahirap pumasok  sa isang relasyon katulad ng LDR o Long Distance Relationship dahil maraming bagay ang hindi mo magagawang kontrolin,  isa na dito ang oras. Ika nga nila, LOVE Conquers All, kaya lagi mong tatandaan, ang relasyon ay wala sa distansya dahil kung mahal mo talaga ang isang tao gagawin at kakayanin  mo ang lahat para lang mapanatili mo siya sa piling mo.

 

Maraming pong salamat sa pagbabasa at pagbisita dito sa blog site. Para sa marami pang facts at opinions tungkol sa pag-ibig bisitahin lang ang site http://malungkot.com/.