10 Signs Na Meron Na Siyang Iba


Meron talagang mga taong hindi makuntento sa isa. Ito ang mga signs na may iba nang karelasyon ang kasintahan o kasama mo sa buhay.

 

malungkot.com - featured image

 

  1. Busy Siya Palagi

– Ito yung minsan na ginagawa nilang dahilan para lang matakasan  niya na ikaw ay makasama o makausap. Kunwari may ginagawa pero wala naman talaga. Nagbibisi- bisihan siya para lang iwasan ka.

 

  1. Less Time, Less Communication

– Nararamdaman mo na sa tuwing kayo ay magkasama na parang binabawasan pa niya yung oras na para sa inyong dalawa. Minsan kinakausap mo siya pero hindi ka niya nadidinig o iba ang kanyang iniisip. Pagkatapos, yung oras na dapat ay para sa inyo lang ay ginagamit pa niya para sa ibang bagay.

 

  1. Palagi na lang Siyang Nagrereklamo sa Mga Ginagawa mo Para sa Kanya

– Yung kahit bilhan mo lang siya ng pagkain ay nagrereklamo pa siya, kasi nga yung gusto niya na hindi mo nabigay ay parang nahanap na nya pala sa iba.

 

malungkot.com - featured image

 

  1. Hindi Siya Nagrereply o Hindi  Sumasagot sa Mga Tawag  Mo

– Once na magreply ka siyempre mag-eexpect ka na magrereply agad siya kasi yun ang nakasanayan mo sa kanya pero ngayon kahit na ilang text mo na hindi pa rin siya nagrereply sayo. Tapos kapag nagkita kayo ang sasabihin niya ay nakapatay ang cellphone niya na kahit ang mga tawag mo ay hindi niya magawang sagutin.

 

  1. Wala na Siyang Pakialam Sa mga Ginagawa Mo

–  Hindi ka man lang  niya kinakamusta kung kumain ka na ba, Kung nakaligo ka na ba, o Kung Okay ka lang ba.  Yung tipong dumadaan yung araw na kapag titingin ka sa cellphone mo ay wala man lang siyang text o tawag sayo.

 

  1. Matagal Magreply

– Ginagawa niyang dahilan yung mabagal ang signal kahit na alam mo naman na sobrang lakas ng signal sa kanila.  Dati naman sobrang bilis niya magreply kasi alam niya na kapag  na-late ka lang ng reply ay magtatampo ka agad, pero ngayon kahit na hintayin mo siya magreply buong araw ay wala na siyang pakialam .

 

malungkot.com - featured image

 

  1. Madalas na kayong Nag-aaway ng Walang Dahilan

– Sa isang araw  ay  ilang beses ka niyang  inaaway na hindi mo naman alam kung ano ang dahilan. Hindi mo alam kung totoo ba siyang galit sayo o gumagawa lang siya ng paraan para lumayo ang  loob mo sa kanya.

 

  1. May Mga Kinakausap Siya na Hindi mo Kilala

– Tuwing magkasama kayo ay hindi mo maiiwasan na magtanong sa kanya kung sino yung biglaang tumatawag sa kanya tapos ang sinasabi niya lang sayo ay sa trabaho yun o sa school project lang tapos minsan hindi pa niya sinasabi sayo kung sino yun. Yun pala tinatawagan na siya ng  third party sa relasyon ninyo.

 

malungkot.com - featured image

 

  1. Marami na Siyang Nilihim Sayo

– Kapag binubuksan mo yung cellphone nya, napapansin mo na burado lahat ng messages pagkatpos minsan hindi mo mabuksan yung social media account nya na pinagkatiwala naman niya sayo kung ano yung password at email niya.  Tapos minsan kapag hinahanap mo siya, sinasabi niya na nasa kaibigan niya lang daw siya para gumawa ng school project o di kaya ay nasa work siya pero nung tinawagan mo yung office o yung mga kaibigan niya, malalaman mo na lang na nagsisinungaling na pala siy sayo.

 

  1. Hindi na Siya Ganun Ka-Intimate Sayo

– Ito yung mga bagay na lagi niyang ginagawa sayo noon pero ngayon ay madalas na niya lang gawin sayo tapos minsan nakakalimutan  pa niya. Dati naman palagi siyang nagsasabi ng mga corny jokes sayo pero ngayon hanggang tingin na lang kapag  magksama kayo. Dati rati palagi naman kayong magka-holding hands, pero ngayon parang nahihiya pa siya na ikaw yung kasama niya.

 

 

Maraming salamat po sa pagbisita sa website na ito. For more sad quotes just visit malungkot.com.