10 Most Trending Patama quotes kay ex boyfriend/girlfriend


love quotes

1.Diba promise mo hindi mo ko iiwan, bakit hindi mo pinanindigan?
Isa sa pinakatangang ginawa ko ang maniwala sa mga pangako mong hindi mo ko iiwan, na kahit iwan man ako ng lahat ng tao sa mundo, ikaw lang ang mananatili sa tabi ko. Pero mukang nag-iba ang takbo ng mundo ah, yung taong nangako na hindi aalis sa piling ko, iniwan na ko. Paano pa kung talikuran na ako ng lahat ng tao sa mundo, pano na? Ako nalang bang mag-isa? Pero kagaya nga ng sinabi ko kanina na isa yan sa pinakatangang ginawa ko, ang maniwala sayo. At hindi ko na hahayaang maulit pa yun, isa na ata ako sa pinakadakilang tanga kung hahayaan ko pang mabiktima ako. Hahaha. Masakit man ang pinagdaanan ko, pero natuto na ako.

 

2.Dear ex, bakit mo naman ako pinagpalit sa mukang hipon?
Tanggap ko na sana kung mas maganda sa akin yung bago mo, pero yung makita ko na nainlove ka sa taong katawan lang ang maipagmamayabang, pero ang muka parang na-knockout. Bbbbaaaakkkkiiiittttt..??????!!! Saklap ah. Ginalingan mo sana ng pagpili. Hahaha. Ok lang atleast mas maganda pa rin ako sa kanya. Enjoy nalang kayo ng bago mo!

3.Kung gusto mo mag-move on, putulin mo lahat ng connections.
Tama naman diba?! Hindi mo tuluyang makakalimutan ang ex mo kung lagi rin naman kayong magkatext, kung lagi mo nalang tinititigan ang profile niya at lalo na kung bawat post mo pinapatamaan mo sya. Magiging imposible talaga yun kung hindi ka matututong humakbang palayo sa kanya. Kung gusto mo talagang kalimutan sya,wag mo sya itext at wag ka magpost ng laging patungkol sa kanya. In short, burahin mo ang phone number at i-unfriend mo sa facebook, tapos. Dba?? Madali lang kung susundin mo, wag mo kaseng pahirapan ang isang bagay lalo na kung pwede namang padaliin. Gamitin din ang utak bes! Kung gusto may paraan, kung ayaw may dahilan. Kaya simulan mo ng mag-move on kung ayaw mong patuloy kang masasaktan. Napakasimpleng bagay!

4.Dear ex, balita ko wala na kayo ng bago mo. Ang bilis talaga ng karma!
Napakabilis nga ng karma, biruin mo nakarating na agad sya sayo. Hahaha. Wala na kayo nung bago mo na pinagpalit mo sakin, tskk. Ipagpapalit mo rin lang ako hindi mo pa ginalingan! Kaawa ka tuloy ngayon hahaha. Kung nakontento ka sana sa relasyon natin edi sana hindi ka umiiyak ngayon. Edi sana nagde-date tayo ngayon kaysa nakamukmok ka sa kwarto. Tanggapin mo nalang na hindi sa lahat ng pagkakataon tama ang mga choices na pinipili mo, dahil ang pakawalan ako ang isa sa mga choices na di karapat-dapat piliin.

love quotes

5. Lord, Thank you I finally found someone na kaya akong pahalagahan, hindi tulad ni ex.

Isa sa pinakamasarap na pakiramdam ay ang mabigyan ka ng halaga ng present mo, hindi tulad ni ex na hindi manlang ata pumasok sa vocabulary niya na pahalagahan ka. Hindi ka na nagdadalwang isip na mag-effort kahit sa napakasimpleng bagay kase alam mong naa-appreciate niya lahat. Lord, thank you kasi hindi mo hinayaang manatili ako sa taong hindi marunong magpahalaga at binigay mo naman ako sa taong kahit napakaliit na bagay, naa-appreciate niya.

6.Yung akala mo na nalimutan mo na sya, tapos biglang nagparamdam at buuuin ang araw mo
Kapag may time na magkakasalubong kayo, nag-iiba ka ng daan. Blinock mo na rin siya sa facebook para hindi mo makita pagmumuka niya sa news feed mo. Yung mga binigay niyang gift nung monthsary and anniversary niyo, tinapon mo na rin. Halos lahat na ginawa mo para tuluyan mo na syang malimutan dahil gusto mong mag-start ng new life, tapos lahat mabubura nalang ng ganun-ganun dahil nagparamdam siya. Mamamatay ka talaga sa akala na “nakalimutan mo na siya”. At ang nakakainis pa yung puso mong tumibok na naman para sa kanya. Dahil akala natin nakamove-on na tayo, pero isip lang pala ang nakalimot, hindi ang puso. Ttssssskk! Binuo niya na naman ang araw mo, paano na nga ba? simula na naman sa simula? No choice! Magmomove-on nalang ulit for the second time.

7.Yung taong nagsabi na ikakamatay niya kapag nawala ka, hanggang ngayon buhay pa rin.
May mga tao talagang trip ka lang pakiligin. Yung tipong pinakikilig ka sa mga words and promises niya, pero hindi niya naman kayang panindigan. “Mahal, ikamamatay ko ata kapag nawala ka sa piling ko”, isa yan sa mga binitawan niya, eto naman si ako kinilig ng sobra, kasi napakasarap nga naman sa pakiramdam na may taong hindi kayang mawala ka, tapos sa hindi inaasahang dahilan nag-break kayo. Yung tipong iniintay mong habulin ka niya, pero ni isang anino niya hindi mo makita na hinahabol ka. Awwwwwwccccchhhh, isa ata sya sa dakilang sinungaling sa mundo. Hahaha. Kung hindi ako mabait, nakulam na kita kaso bad e. Pinaasa mo ako! Pero I deserve better, kaya I let you go liar.

8.Hindi ka na girlfriend e, ex ka na. Tumigil ka na.
Paminsan matuto ka ring lumugar, makiramdam ka rin kung ano ka nga ba sa kanya… kung ex ka na, tumigil ka na. Tama na yung ilusyong pwede pang ibalik lahat. Ultimong oras hindi pwedeng maibalik eee kaya move on na bes. Wala ka rin namang mapapala. Huwag ka ng makikisawsaw sa storya ng buhay niya ngayon, hindi na kayo tulad ng dati na inaakala mo. wag ka ng umasta na ikaw pa rin ang gf/bf niya.

love quotes

9.“Bigyan mo muna ako ng space” is another word for “May mahal na kong iba” 

Kapag ang jowa mo ay humingi ng space sayo, magtaka ka na. Lalo na kung wala namang dahilan para humingi sya ng ganun kabigat na hiling. Hindi mo alam na synonyms na ng “bigyan mo muna ako ng space” ang “May mahal na akong iba”, nakoo bes! Ganyan ang palusot ng mga yan. Kaya kung minsan, tapatin mo na kung may iba na nga ba sya, hindi mo alam ginagawa ka ng tanga sa kaiintay kung kelan nga ba sya babalik. Minsan kasi may mga taong paaasahin ka talaga niyan, hindi nila magawang tapatin ang taong mahal nila, yung tipong ang lakas ng loob na maghanap ng iba, pero duwag kapag aaminin ang kasalanan nila. Kaya bago ka pa mabiktima, matuto ka ng maghinala. Mas mabuti ng masaktan sa katotohanan kaysa sumaya sa masakit na kasinungalingan.

10.Ganun nalang ba ako kadaling palitan?
Alam mo yung lyrics na “natatawa ako ng marinig ko ang balitang may mahal ka ng iba, halos kahapon lang sinabi mo sa akin na tayo ay tapos na, oh kay bilis naman sino ba yang nakuha mo? Mukang hindi ka kilala, ilang mga babae ang paluluhain mo pa”? Sakit diba? Yung tipong ginawa mo ang lahat para sa kanya, nagpakatanga ka. Alam kong mali, pero ganun pala talaga pag nagmamahal, pero sa lahat ng ginawa mo, sa lahat ng binigay mo at sa likod ng pagpapakatanga mo, pinaltan ka ng ganun kadali. Oo, alam ko na wala na, pero yung feeling na inaasahan mo na it takes a long time na maakakamove-on kayo sa isa’t isa, pero sya may taglay atang powers dahil nakaya niyang kalimutan agad lahat ng ganun-ganun. Parang feeling mo tuloy na hindi ka niya mahal ng ganun katulad ng pagmamahal mo sa kanya. Hirap diba? Pero siguro nga may taglay kang kakaiba kaya ganun nalang, stay strong nalang sa inyo ng bago mo!