5 sad quotes ng hindi pa nakaka move on


Para po ito sa mga taong nag hihintay pa rin sa kanilang mga minamahal kahit na Malabo ng bumalik sa kanila dahil umaasa silang babalik pa ang dati na masaya sila at nag mamahalan sana po ay magustuhan niyo ito.

xxx1

“ kung saan saan na ako pumunta, hindi ko pa din mahanap yung dating tayo”

Everything will fade out in just one snap, no one will stay the same like how they treat you before. People change even the most person you love
Wag kang mag focus sa dating kayo, wag mo ng balikan kung anong mero kayo dati. Wag kang mag focus sa dating kayo, tanggapin at mahalin mo kung ano ang meron sa inyo ngayon dahil mas magandang bumuo kayo ng bagong simula.

“Minahal  naman kita ng totoo, pero bakit  niloko mo pa rin ako”

May mga tao talagang kahit mahal na mahal mo na ay iiwan ka parin kapag nakahanap sila ng akala nila ay mas higit sayo . Dahil nadadala sila sa mga salitang matatamis na hindi na nasasabi ng  mga partner nila sa kanila kaya naman madali silang nahulog sa iba . Pero hindi nila alam na yung mga ipinag palit nila ay katulad din naman ng mga partner nila. Ou nga sweet sila ngayon pero pag kayo tumagal mawawala na rin ang pagka sweet at romantic niyan. Ang mas maganda nalang siguro nating gawin ay tanggapin ang mga pagbabago dahil yun ang totoong siya. Madami naming way para bumalik yung pagka sweet at romantic niya hindi sagot ang pag hahanap ng iba para ma feel mo sa iba ang hindi mo nararamdaman sa kanya.

xxx3

“ Ang hirap masanay sa isang bagay na alam mong pwedeng mawala sayo anytime”

Mahirap kapag nasanay ka na lagi siyang nandyan sa tabi mo dahil oras  na mawala siya at iwan ka na ay hindi mo alam kung paano babangon at gigising sa umaga na wala na ang tao na dati ay nagpapasaya sayo. Sa una talaga ay mahirap dahil syempre nasanay kang andyan siya pero makakayanan mo rin naman sa huli ang kailangan mo lang ay tanggapin na wala na siya , di na siya babalik kasi may bago na siya. At kapag na accept mo na yun madali mo na siyang makakalimutan at unti unti ng hihilom ang sugat na naidulot niya at mapapalitan na ng saya.

“Tigil na kasi sa ilusyon na babalik pa ang kayo dahil kung mahal ka talaga niya di mawawala ang KAYO  

Ganun naman talaga kapag ikaw na lang ang nag mamahal at nasasaktan dahil sa sobra mo siyang mahal  dadating din sa punto na mapapagod  ka at iiwan siya kahit na gustong gusto mo siyang agawin ay hahayaan mo nalang dahil nga sa alam mong hindi na mababalik ang dati dahil sa umpisa lang masaya , nagkakaunawaan, at sa una ka lang din  niya minahal. Kailagan lang talaga natin tanggapin na wala na siya at hindi na babalik pa.

“Sugal naman kasi talaga ang PAG-IBIG , ang pagkakamali ko lang, Sayo ko lahat itinaya”

Ganun naman talaga kapag mahal mo isusugal mo lahat kahit alam mong matatalo ka dahil minahal  mo siya. Kahit sobrang sakit kakayanin  mong kumapit dahil mahal mo kaya hanggat kaya mo pa, hanggat tanga ka pa, hanggat may natitira ka pang feelings, hanggat kaya mo pang  masaktan ay go ka parin. Pero pag dumating yung oras na wala na talaga ikaw na mismo ang iiwas dahil nakakapagod din naman talagang mag mahal ng taong di ka pinapahalagahan. Dararating ka din talaga sa puntong mawawalan ka na ng amor sa kanya dahil hindi ka naman niya nagagawang pahalagahan.