Ano ang Pinagkaiba ng Bobo at Tanga sa Pag-ibig.


Tanga at Bobo Love Quotes Tagalog

May bumatok sa akin sabi, “Matauhan ka nga! Hindi ka niya mahal! Hindi ka niya mamahalin!” Nasabi ko na lang sa kanya, “Hindi na ako umaasa. Mahal ko lang talaga sha.”

Tanga daw ako kapag pinakawalan pa kita. Gago ako kapag sinaktan kita. Baliw daw ako kapag pinagpalit kita. E sira-ulo pala sila! Paano ko gagawin yun? Akin ka ba?

Isang araw, may magtatapat sayo. Sasabihin niya, “Alam mo, mahal kita.” At kapag dumating yung araw na yun na magtapat sha sayo, promise mo sa akin na di mo ako pagtatawanan ha?

Kung noon pa sinabi ko na, sana kasama na kita. Kung noon pa sinabi ko na, sana tayo na talaga. Ngayon alam mo gusto kita, pwede pa ba? Hindi na siguro dahil sabi mo, “Noon sana‚Ķ”

Diba ang hirap kapag nami-miss mo yung isang tao, gusto mo shang makasama pero wala kang magawa? Yung tipong gusto mong sabihin kung gaano sha kahalaga sayo pero maiisip mo na lang bigla, “Pwede pa kaya?”

Masakit masaktan at alam mo yun. Pero bakit ganon? Habang tumatagal, kapag naiisip kita, lahat nag-iiba. Ayos lang na humanap ka ng iba. Wag mo lang sasabihin sa akin na mas mahal mo sha.