Best Sad Tagalog Spoken Words Poetry para sa mga sawi 2017


Inaalay ang Spoken Words Poetry na ito para sa mga taong pinagpalit sa iba. Yung tipong minahal mo na nga ng sobra nagawa ka pa ring palitan, at dahil sabi nga nila kapag nakikita mong masaya ang taong mahal mo, masaya ka na rin, kahit nandun ang masakit na katotohanang hindi na ikaw ang dahilan ng bawat ngiti niya. Awww!! Para sa iba pang Spoken Words na siguradong makakarelate kayo, click here lang mga tropapits “Bakit ngayon pa?

“Eto na ang huli”

Eto na ang huli
Na gagawa ako ng tula
Eto na ang huli
Na ikaw ang paksa
Eto na ang huli
Na mamahalin ka
Dahil pinipili ko ang magpaalam na
Pagod na rin akong ipilit pa,
Na baka pwedeng ito’y maayos pa
Kailangan ko na rin sigurong tanggapin
Na pinagpalit mo na’ko sa kanya
Kaya sisiguraduhin ko
Kung eto na ang huli
Di na to mauulit muli
Tatanggapin ko
Na pinili mong itapon ang tatlong taon
Para sa lalaking halos nakilala mo lang kahapon
Halos kahapon lang
Pero nagawa mo agad akong bitawan,
Tatanggapin ko
Na sya na at hindi na ako
Sya na ang magiging kahawak-kamay mo
Dahil binitawan mo na ako
Tataggapin ko na hanggang dito nalang to
Dahil nagsimula na ang istorya niyo
Pero sana sa pagtanggap ko
H’wag ka magsisi sa bago mo
Dahil balita ko
Batikang manloloko yang pinili mo
Kwento pa nga nila,
Habit niyan ang magkolekta,
Masakit man sa’kin
Na ang itinuring kong prinsesa
Ay pipiliin ang katulad niya
Ilang ulit kong tinangkang bawiin ka,
Pero tinaboy mo lang ako sa harap niya
Siguro nga, may pagkukulang lang ako
At sakanya mo yun nakita
Pero sana
Hindi ka nagkamali
Sana naging tama ka
Na pinili mo sya
Kung mangyari man yun
Mga sakit at hapdi’y titiisin ko
Dahil alam kong napunta ang prinsesa ko sa tamang tao
Tatanggapin ko na mahal
Na sa susunod na gagawin kong tula
Ay hindi na tungkol sayo
Dahil eto na ang huli
Na hahabulin ka,
Pagkat alam kong sa kanya ka pa rin sasama
Eto na ang huli
Na aalayan ka
Kaya mahal
Paalam na
Alam ko namang masaya ka na
Sinimulan ko ng tanggapin
Na wala na nga
Eto na ang huling beses na sasabihin ko ‘to
“I Love You”
Pero ngayon mas mahal mo na sya
Kaya pinipili ko nalang
Na panuorin ang inyong istorya
Kahit sobrang sakit sakin na makitang mas masaya ka sa kanya
Tataggapin ko na hindi ko na magagawang hawakan ang palad mo
At hindi ko na mahahagkan ang matamis na yakap mo
Masakit man mahal,
Pero “Mag-enjoy sana kayo ng bago mo”

 

-Anneca Mendez