Break up Tagalog Quotes


break up quotes tagalog

Break Up Quotes

Break up Tagalog Quotes

Ang pag ibig mapanlinlang yan…..akala mo meron pero guni -guni lang pala…..
minsan akala mo kausap mo
Minsan akala mo malapit sayo
Parang kanta
U seem so near pero pantasya lang pala…..

Kung ang pag-ibig ay mapanglinlang at ang tao nalilinlang;

bakit patuloy pa rin nagpapalinlang ang tao sa pag-ibig???

nagpapatunay ba ito sa kasabihang : “sa ngalan ng pag ibig ang tao ay nagiging bulag, pipi at bingi

sa maikling salita ito ay isang dakila….

dakilang TANGA!

mahirap maitali sa isang taong
di ka sigurado sa kanyang nararamdaman. . .

dahil anong silbi ng pangako
kung walang pagmamahal. . .

at anong silbi ng pagmamahal
kung AWA lang ang NANGINGIBABAW?!

tao ka lang
na pwede magmahal…

tao ka lang
na pwede masaktan…

tao lang tayo na
marunong magmahal at masaktan…

pero wag niya
idadahilang tao lang siya na

pwede kang saktan
at paglaruan…

Nakakaloko pag
Crush mo friend mo..
di mo malaman
kung pano itatago
deadma pag nangungulit
wala lang pag lumalapit
pero minsan pag naglalambing
gusto mo ng sabihin.

tama na! Pwede bah?

“naiinlove na ako!”

Lagi ka nalang bang ganyan?
Pag mahal na kita,
dun ka nawawala

pag bibitaw na ako,
tsaka ka bumabalik

tapos sasabihin mo

kaw lagi yung nasasaktan

isipin mo naman

ako lagi yung naiiwan!

Gusto kong mapalapit sayo kasi mahal kita baka kasi sakaling mahalin mo rin ako pero nung malapit na ko sayo mas masakit pala. Dahil sa sobrang lapit ko sayo, mas nakikita kong mahal mo ay iba.

Kung mahal mo ang isang tao ipadama mo ang pagmamahal mo sa kanya! Pero wag by quotes dahil masasaktan ka lang! why? Dahil yung quotes na pinasa mo sa kanya, ipapasa niya sa taong mas mahal niya

Masarap magmahal ng taong importante sayo, masarap ipaglaban ang pagmamahal na pinahahalagahan mo pero masakit isipin na ang pusong minahal at ipinaglaban mo, ay sadya palang hindi para sayo.

Masarap titigan ang taong mahal mo at isiping magkasama kayo. Masaya managinip masaya mangarap pero mahirap umasa kung habang tinititigan mo siya. Nakatingin rin siya sa iba.

Mahirap iwanan ang taong naging bahagi na ng buhay natin, pero minsan kailangan nating umalis sa buhay nila para hindi tayo lalong masaktan. Pero pano ba magpapaalam sa taong ayaw mo ng iwanan?

Kadalasan nakakatakot magmahal kasi nakakatakot umasa. Pero hindi ba mas nakakatakot pag nalaman mo na wala kang pagasa sa taong mahal mo? Pero pinapakita niya sayong mahalaga ka!

I let go hindi dahil ayoko na, hindi rin dahil my iba na, hindi dahil sumuko ako, hindi rin dahil pagod na ako, gusto ko lang hanapin mo ang puso ko kasi pag nasa iyo, tinatapon mo!

Tama na yung minsan mo kong paasahin minsang paluhain, minsang saktan at gaguhin minsan mo lang naman din akong minahal.. hindi tulad ko, minahal kita ng walang katapusang.. “MINSAN”

Hindi mo ba alam na Dalawa ang puso mo?! Kinuha mo kasi yung sa akin if ever ayaw mo na niyan tapon mo na lang ha?! Kasi, pagbinalik mo pa balewala, hindi na rin titibok sa iba yan, sa iyo lang..

The best Magmahal, hindi ba? Naiiyak ka na, nakatawa ka pa; masakit na nga masaya ka pa. Niloloko ka na naniniwala ka pa at higit sa lahat Pilit kang nabubuhay, kahit unti unti kang pinapatay..

What if your bf ask you this “kung iwan kita ngayon, makakaya mo ba?” Hindi ka nakapagsalita sabay tulo ng luha, niyakap ka na lang niya at sinabi “God knows how much I tried, sorry I failed! Mahal ko na sya eh!”

Gaano ka imposibleng magmahal ng isang tao na may mahal ng iba? ganito. parang kang nasa istasyon ng LRT nagaantay at nagaabang sa paparahin mong jeep.

minsan masarap maging isip bata..

yung tipong konting iyak, ayos na..

kaya pag iniwan mo ko..

alam mo gagawin ko??

iiyak saglit, iisipin kong kalaro
lang kita..

bukas babalik ka naman diba?

masakit sumuko sa bagay na matagal nating pinaglaban
sa isang iglap parang isang bulang mawawala

pero sa sarili mo alam mong kayang mong lumaban..

ang masakit laban ka ng laban..

sinuko ka na pala.