Hugot lines Patama: Friendship and Love ones


Hugot lines Patama: Friendship and Love ones

Hugot lines Patama: Friendship and Love ones: A very timely Tagalog Sad Love Quotes especially for your friends, special someone and loved ones, Check out this collection of Tagalog Sad Love Quotes on the web. If you have your own favorite Tagalog Sad Love Quotes we would love to hear it, simply add a comment below or just visit our FB page. Hope you’ll like it!

Hugot lines Patama: Friendship and Love ones

“I wish I could hurt you the way you hurt me. But I know that if I had the chance, I wouldn’t do it.”

SANA kaya ko. SANA ako din at SANA kaya kitang saktan gaya ng ginagawa mo. Kaso hindi e, hindi ko kaya. Mahal kita to the point na ayos lang na saktan mo ako kesa ikaw yung masaktan. Martyr ba ko o sadyang ayoko lang mapalayo sayo? Martyr ba ako o nagpapakatotoo lang ako sa nararamdaman ko? I love you. I love you hanggang sa mawala nalang itong nararamdaman ko.

2

“Frinemies? Kaibigan sa harap mo. TOXIC at ANAY pag talikod mo?”

TOXIC? ANAY? Nowadays marami ng ganyan, marami ng back stabber, yung mabait sa harap mo pag talikod sinisiraan kana pala.  Sad diba? Sabi nga nila may tatlong klase ka ng tao na makikilala sa mundo, yung tunay na kaibigan, yung taong ayaw sa’yo, at yung nagpapanggap na totoo. So depende nalang sayo kung pano ka magtitiwala or kung kaya mo bang magtiwala ng buo. Hindi kase natin maiiwasan yan, hindi pweedeng lahat ng tao ay gusto tayo. So Ingat Ingat nalang. Don’t TRUST too much.

Hugot lines Patama: Friendship and Love ones

“I lost you but I found me, So. I win!”

May reason kung bakit may umaalis maaring umalis dahil may darating, umalis dahil babalik someday para muling buuin at tuparin ang mga panagarap nyong binuo nung magkasama pa kayo at umalis para muli mong hanapin at ibalik kung sino at ano ka ba before, umalis kase it’s time para sa sarili mo naman, para maexperience yung mga bagay na wala sya, magliwaliw kasama ang tropa, mag travel, adventure at kung anu-ano pa. Pwede rin umalis para ibalik mo yung dating ikaw na nawala nung dumating sya. Karamihan kase sa mga teenagers na tulad natin ngayon ay nagbabago once na nag boyfriend/girlfriend so bakit di mo ibalik yung dating ikiaw na  laging present sa mga gala at nigh outs ng tropa? Nakakachallenged diba. G.? Then masasabi mo nalang na “I lost you but I found myself again with them, I lost you but I found me. So I win!”

Hugot lines Patama: Friendship and Love ones

“I look good in black, it matches my heart.”

BLACK is my favorite color. Sa black I feel cool. Pero di ko akalaing darating yung time na pati yung nararamdaman ko ay babagay sa black na favorite ko. Yung pakiramdam na parang walang nakakakita ng existence ko, yung pakiramdam na parang walang gustong alamin kung ano ba nararamdaman ko, at yung pakiramdam na down na down na ako pero naisip ko na siguro dun muna ako sa light one, siguro kailangan kong magsikap para sa sarili ko na solusyunan tong nararamdaman ko. Magbalik loob at bumalik sa liwanag dala dala ang mga karanasang nagbigay aral sa buhay ko.

Hugot lines Patama: Friendship and Love ones

“There is a song out there to describe just about any of your situation.”

Yung feeling na nalulungkot na nga e mga sad songs pa rin gusto mong pakinggan? kasi sa pakikinig ng ganung klaseng kanta pakiramdam ko gumagaan pakiramdam ko kahit na lalong nakakalungkot din at the same time. Ang sarap kasi sa feeling, parang yun nalang yung masarap gawin every time na nalulungkot ako… yung sinasabayan nalang ang bawat himno ng kanta, dahil don nailalabas ko ang tunay kong nadarama.

Tagalog Hugot Quotes: 10 Tagalog Hugot Quotes

“Minsan kumakapit ka pa rin kahit alam mong wala ka ng kakapitan.”

Alam ko, alam ko na wala na akong kakapitan pero sa kabilang part ng puso at isip ko ay umaasa pa rin ako na darating yung time na yung dating pinanghahawakan ko na unti unting naging imposible ay magiging posible ulit at darating muli yung taong aking ninanais. Mahirap pero hindi naman maling umasa diba? What if babalik naman talaga? What if nag hinihintay lang din sya? What if?

Hugot lines Patama: Friendship and Love ones

“Hayaan mo na, ayaw nya talaga sayo.”

Siguro nga ayaw na nya, Siguro nga suko na sya. Pero sana inisip rin nya na nung mga panahong kami pa ba ay naisip kong sumuko kahit sobrang sakit na? Paano ko hahayaan yun kung hanggang ngayon hindi ko matanggap na sumuko agad sya at iniwan akong nag-isa.

If you have your own Tagalog Sad Love Quotes , feel free to share it with us and we will be delighted to have them featured here at Tagalog Sad Love Quotes Let us inspire more readers. For more updates, you can also visit and Like our Facebook Page Tagalog Sad Love Quotes.