Hugot ng Nasaktan


Hugot ng Nasaktan

  1. “Asahan mo sasali ako sa larong ikaw lang naman ang mananalo”

Yung kahit walang kasiguraduhan kung mamahalin mo din ba ko pero tataya pa rin kasi mahal kita kasi mahalaga ka. Yung kahit masaktan mo ko o gamitin mo lang ako okay lang. Nandyan pa rin ako kahit sa huli alam kong iiwan mo din ako . Ako yung nagmamahal na hindi humihingi ng kahit anong kapalit. Sapat na sakin na mahalin ka lang . Kahit ako yung talo basta ikaw yung panalo okay lang lahat.

Hugot ng Nasaktan

  1. “Ilang taon na ang nagdaan meron pa ring mga gasgas. Na para bang gabi-gabi naglalaslas”

Isang taon na nakalipas hindi mo pa rin sya makalimutan. Lahat ng saya, kilig, lungkot at sakit ay nanatili sa isip at puso mo . Pati na rin ang taong nagdulot lahat nang ito. At ang mga alaala na ito ay patuloy kang sinaksak at dinudurog. At wala kang magagawa kundi ang tiisin at hintayin ang araw na muli ka nang magmamahal

Hugot ng Nasaktan

  1. “Ikaw pa rin, ang dati, ngayon at ang bukas”

Kahit gumuho na ang mundo at magbago na lahat ng bagay wala ng papalit sayo. Ikaw at ikaw lang ang pipiliin ko kahit sa anong bagay dito sa mundo. Sana alam mo na ganito kita kamahal. Dahil kulang ang salita para sabihin kung gaano kita kamahal

Hugot ng Nasaktan

  1. “Dumaan man ang Iba’t ibang bagyo at delubyo . Umasa ka , ikaw at ako, magiging matatag tayo ” Kahit anong problema ang dumating masosolusyunan natin. Kahit anong pagsubok at sakit ang dumating basta kasama ka magiging okay ang lahat. Kapit lang mahal walang bibitiw. Dahil mas malakas tayo kesa sa problema o kahit sa anong bagay. Dahil pagibig natin ang ating lakas kaya makakaya natin ang lahat

Hugot ng Nasaktan

  1. “Kahit ako’y pinagpalit mo na, unti unti pa ring tatanggapin na hindi na talaga tayo itinadhana “

Kahit hindi tayo sa huli , kahit hindi ikaw yung lalaki/babaeng panghabang buhay tatanggapin ko na lang. Kakalimutan ko na lahat ng sa atin dahil alam kong masaya ka na. Masaya na rin ako para sayo kahit na hindi ako ang dahilan ng saya mo.