Pano Nga Bang Mag Move-On?


Naranasan na natin minsan sa buhay natin yung tayo ang nang-iwan, at minsan naman, tayo ‘yung iniwan. Hindi naman masaya yung ikaw yung nang-iwan dahil siguradong kasunod ng break-up yung anxiety, awkwardness at emotional conflict. Kung sa isang seryosong relasyon ay ikaw ang nang-iwan, hindi naman ibig sabihin nun na wala ka ng puso: Masakit siyempre na makitang nasasaktan ang taong mahal mo kahit naniniwala ka na tapos na ang relasyon ninyo. Pero kapag yung ikaw ang iniwan – naku, ibang level ng sakit na yan. Karamihan sa atin ay naranasan na yung “pleasure” ng ultimate heartbreak, yung iniwan ka bigla ng taong mahal na mahal mo na halos ibigay mo na lahat sa kanya. At kapag nangyari na yun, anong gagawin mo? Oo naman, pwede ka namang magpakalango sa alak o mag-Tv marathon habang kumakain ng ice cream at umiiyak, pero alalahanin mo na sa umpisa mo lang magagawa yun.
Naka-depende din naman kasi sa sitwasyon kung paano magiging mahirap ang pag-hihiwalay ninyo. Kung galing ka sa isang romantic relationship, mararamdaman mo siyempre yung pagkawala ng tiwala mo sa kanya. Nandiyan din yung makakaramdam ka ng kahihiyan at galit. Siguro naniwala ka na, na kayo na talaga ang para sa isa’t isa pero hindi naman pala. Naiisip mo tuloy minsan na baka may mali sa’yo kaya naghanap siya ng iba.
Pero once na matapos na yung sakit, galit at kabiguang naramdaman mo, maaari mo ng tingnan ang sitwasyon sa mas reasonable na paraan. Kung maswerte ka, pwede mong tingnan ito bilang isang pagkakataon kung saan matututo kang makapagisip ng paraang pwedeng makatulong sa’yo sa susunod. Pero kung close relationship lang ang meron kayo, mas madali mong matatanggap yung katotohanan na tapos na talaga kayo, mas madali mong malalaman kung may mga pagkakamali ba sa relasyon ninyo na hindi mo napansin, at pwede din na makapag-decide ka kaagad na mas mabuti kung mag-isa ka lang.
Kung gusto mo talagang makalimot at makapag-move on mula sa heartbreak mo, narito ang ilang paraan kung paano mo ito sisimulan.

j

“Kung ayaw na talaga ng mahal mo na magkaroon kaya ng relasyon, then be done with it.”

Ibig sabihin, dapat wala ng komunikasyon. Wala ng puyatan gabi-gabi dahil sa pagtitext, wala ng tawagan para marinig ang boses niya – wala ng kahit na ano. Ito yung pinakamahirap na part para sa iba. Iniisip nating lahat kung posible pa bang maging ”friends” pagkatapos ng isang break-up, pero ang pagkakaibigan ay kailangang give-and-take, at bihira ng magkabalikan ang mga nagiging magkaibigan ulit pagkatapos ng pagmamahalan. Kung tapos na kayo, dapat tapos na talaga. Hayaan mo na sa ganun, huwag mo ng ipagpilitan pa.

“Magdahan-dahan ka lang.”

“Huwag kang magmadaling makahanap ng bagong mamahalin. Hayaan mong mag-reset ang puso mo at maghilom ang mga sugat mo. Kung sasabak ka kaagad sa panibagong relasyon, baka maulit lang yung nangyari noon. Maaaring nalulungkot ka ngayon – madali naman maintindihan yun. Pero ang pagbibigay ng oras sa sarili mo para makapag-isip at magbago ay isang paraan ng self-love at napakahalaga nito para sa mga magiging relationship mo sa hinaharap.”

k

“Suriin kung sino ka sa isang relasyon.”

“Ikaw ba yung tipong passive lang at hindi man lang tumututol? Lagi mo bang ginugusto kung anuman ang gustohin ng partner mo? O pantay lang ang kung magbigayan kayo? Ikaw ba ‘yung alpha na mas marami pang hinihingi kaysa sa binibigay? O baka naman masyado ka ng nabaliw sa relasyon ninyo kaya hindi mo na kayang tumayo sa sarili mong mga paa. Ang pag-unawa sa papel mo sa isang relasyon ay pwedeng makatulong sa’yo para magbago.”

“Alamin mo kung alin ang nakabuti sa relasyon mo. ”

“Paano ba kayo nakapagsama ng maayos ng partner mo? Aling side ba ng relasyon ninyo ang na-enjoy mo at nagustuhan? Ang mga kadahilanang ito ay maaaring magbigay sa’yo ng palatandaan kung alin ang pwede mong tularan sa susunod mong relasyon.”

l

“Huwag mong i-define ang sarili base sa relasyon mo.”

“Ikaw ay higit pa sa pagiging partner ng kung sino. Mayroon kang natatanging katangian na nagiging dahilan para maging mahalaga ka sa mundo ng hindi nakadepende sa mga relationships mo. Alamin mo kung paano ka naging espesyal at kakaiba and soak yourself in those good parts. Lahat tayo ay higit pa kaysa sa papel na ginagampanan natin sa isang relasyon; tayo din ay magkakapatid, magkakapitbahay, magkakatrabaho, at magkakaibigan. Kung nahihirapan ka sa step na ito, humingi ka ng tulong sa mga taong sumusuporta sa’yo sa paghahanap ng mga good qualities mo. Maaaring makapaglista ng mas maraming bagay na hindi mo alam sa sarili mo, ang mga taong iniingatan at pinagkakatiwalaan mo.”

“Alamin mo rin kung alin ang nakasama.”

“Paano ba nag-umpisa yung pagiging malabo ng relasyon ninyo ng partner mo? Napakalaking bagay ba nito o ilan lamang malilit na problema? Ang pagpansin sa mga “red flags” at ang reaksyon mo dito ay magiging isang malaking tulong para makagalaw ka ulit pasulong. Nakakapag-usap ba kayo ng malaya, o mayroong pumipigil sa isa? Naging totoo ka ba sa sarili mo nung kayo pa, o lagi kang pinipilit para magbago ka?”

“Sumandal ka sa mga taong alam mong susuportahan ka.:”

“Tawagan mo ang nanay mo, tatay, bestfriend, at humingi ka ng tulong sa kanila. Lahat naman tayo ay gustong makatulong sa iba. Hindi naman nakakahiya kung nangangailangan ka ng tulong; napakahirap, emotionally, para sa isang tao ang breakup.”

 

Ang pagtatapos ng isang napakahalang relasyon ay pwedeng maging isang makabuluhang pangyayari na maaaring makapagpabago sa takbo ng buhay mo. Ang breakup ninyo ay nangangahulugan ng bagong simula sa iyong buhay – chance mo na ito para pagalingin ang sugat ng nakaraan mo at maging masaya na. kung ito ang paraang nakikita mo, nasa tamang daan ka na papunta sa pagmomove-on.