Quotes para sa mga Manlolokong Lalaki


Naloko kana ba ng mga lalaki? Maging mapanuri sa pagkilatis ng iyong mamahalin mahirap na baka sakali  baka isa ka sa mga mabiktima ng mga manloloko laganap pa rin naman ito ngayon. Magaling kasing magsinungaling ang mga lalaki ee dami ring mga palusot kahit nahuli mo na tanggi pa rin. Kaya kung ikaw ay babae maging mapanuri ng di ka madagdag sa mga babaeng umiyak ng dahil sa mga lalaki.

Quotes para sa mga Manlolokong Lalaki

1.) Magagawa mo lang pahabain ang isang RELASYON kung hindi ka na magbabalak magkaroon ng IBA pang KARELASYON.

Isa sa pinakamabisang sangkap upang hindi maputol ang isang relasyon ay huwag kang humanap pa ng iba matuto kang makuntento sa isa kasi kung talagang mahal mo yan, hindi mo ito hahayaang mawala ng dahil sa isang pagkakamali. Hindi mo kailangang maghanap ng iba upang mapunan ang pagkukulang ng isa kasi kung tutuusin kaya niyo mapagusapan at maayos ang inyong relasyon.

2.)Hindi ko hiniling na dumating ‘yung matalinong tao sa buhay ko. Ang tanging gusto ko lang ay ‘yung taong BOBO pagdating sa panloloko.

Hindi ko kailangan ng matalinong tao para sumaya ang buhay pag-ibig ko. Okay na ako na bobo pagdating sa panloloko. Aanhin ko naman ang matalino, matalino nga sa panloloko naman di hindi rin ako sasaya at puro hinanakit lang ang mararamdaman ko.

3.)Earthworm has 5 hearts. Octopus has 3. A human has only 1. Kaya pagnagmahal ka ng higit sa isa, i-Wikipedia mo na kung anong hayop ka!

Ang tao isa lang ang puso kaya naman magmahal ka ng isa lang at wag mo ng dagdagan. Kapag nagmahal ka ng sobra isearch mo nalang kung anung hayop ka. Kasi ang alam ko hayop lang ang maraming puso at hindi ang tao.

Quotes para sa mga Manlolokong Lalaki

4.) Hindi lahat ng RELATIONSHIP totoo. Yung iba, relationTRIP lang.

May mga relasyon naman talaga na hindi totoo ee. Minsan trip trip lang may masabi lang ba. Kaya minsan hindi mo alam kung maniniwala ka sa lahat ng nakikita mo ee hindi mo na kasi alam ang totoo.

5.)Ang tunay na seryoso hindi agad susuko sa isang relasyon, hahanap muna yan ng solusyon para maayos ulit ang Sitwasyon.

May mga taong hindi madaling sumuko sa taong mahal nila gagawa at gagawa yan ng paraan upang masolusyunan ang isang bagay. Ayaw kasi nila mawala at magsisi sa mga maling desisyon nila.

6.) Ang mga Manloloko parang Lamok Kung Kani kanino dumadapo Nananakit na nga  Nagiiwan pa ng Marka

Alam natin ang mga lamok kung kani kanino dumadapo at masakit mangagat minsan nga nagiiwan pa ito ng marka minsan pantal minsan naman sakit. Bakit kaya ganito rin ang technique ng mga manloloko, masakit isipin na ganito ginagawa nila sa iba. Hindi sila naniniwala sa salitang KARMA sana matauhan sila at magising sa katotohanan.

Quotes para sa mga Manlolokong Lalaki

7.) Being Babaero Doesn’t Make you Gwapo. It makes you Gago!

Bakit nga daming babaero hindi naman ito nakakadagdag ng kagwapuhan nila nagiging gago lang lalo sila ee. Lalo dumadami ang populasyon nila kaya maraming nasasaktang mga babae ee.

8.)Madaming Manloloko sa Mundo kaya konting ingat sa pagmamahal. Dapat kilatisin mo muna ang taong paglalaanan mo ng buhay mo at wag basta basta magtitiwala. Mahirap Maloko kasi masakit sa puso. Pag niloko ka, banatan mo.

Minsan pa nga hindi mo na alam ang gagawin mo ee hindi mo na alam kung naloloko ka lang o sadyang nagsasabi ng katotohanan. Sana kung makikipagkilala ka kilatisin mo ng matagal ng mabalatan mo ng husto ang kanyang ugali para di mo pagsisihan ang magiging desisyon mo at para di ka na masaktan ng wagas.

9.) Kung sino pa yung inaakala mong Matino  Sya pa yung Manloloko Sa mundo kay hirap sumuri kung alin ang totoo Huwag kang basta basta Magpapauto.

Meron talagang mga taong magaling magsalita yung di mo napapansin naloloko ka na. Mahirap manuri ng tao ee. Mahirap magbaka sakali sa taong hindi mo pa nakikilatis ng husto. Magaling kasi sila magpaikot ng ulo ng isang tao kaya ingat baka isa ka na sa mga naloloko.

10.) Panget na mga mukha,  Manloloko pa Aba Terno…..kapal ng mukha!!!!

Bakit ganun ang buhay di na nga guwapo babaero pa, ang tibay nga rin ng tao ah. Sobrang kapal na ng mga taong ganito hindi marunong magpahalaga sa mga tao. Ang karma ng buhay ay sadyang dumarating hintayin niyo lang makikita niyo.