“Sa Larangan ng Pag-Ibig Hindi Puro Kasiyahan Andyan din Si Kalungkutan”


“Sa Larangan ng Pag-Ibig Hindi Puro Kasiyahan Andyan din Si Kalungkutan”

Sabi nila “Walang nagmamahal ng Di Nasasaktan” Tama nga naman kasi hindi lahat ng relasyon ay “MASAYA” minsan “MALUNGKOT”. Huwag mag Expect na laging masaya laging may kaakibat yang kalungkutan. Nasasaktan ka dahil ikaw rin mismo ang gumagawa ng dahilan kung ba’t ka nasasaktan na nagiging sanhi ng yong kalungkutan. Pero sana sa bawat kabiguan ay matuto kang bumangon ulit kasi pagsubok lang yan sa buhay na dapat mong lampasan kasi “Pinagtagpo lang kayo Pero Di Itinadhana”

“Sa Larangan ng Pag-Ibig Hindi Puro Kasiyahan Andyan din Si Kalungkutan”“ Huwag Kang Mag-Expect Kung Ayaw mong Masaktan ”

Kaya ka nasasaktan kasi masyado kang nag-eexpect huwag dapat ganon kasi kung patuloy kang mageexpect sa kanya patuloy mo ding sinasaktan ang sarili mo. Huwag kang magExpect ng di ka masaktan, hintayin muna lng kung kelan sya gagawa ng kung anu-ano kasi wala namang mawawala kung maghihintay ka diba? Huwag kang malungkot or mag isip kung ganon sya kasi ang mahalaga sa lahat mahal ka nya at mahal nyo ang isa’t – isa.

”Yung pinagpalit ka sa mas kapalit palit sayo”

Sakit ba pinagpalit ka sa mas kapalit palit sayo? Hayaan mo bagay naman sila wag kanang magtaka kung don sya masaya ipaubaya mo nalang. Wag kang malungkot kong pinagpalit ka sa mukhang hipon. Maganda ka para sa kanya.

 

“Sa Larangan ng Pag-Ibig Hindi Puro Kasiyahan Andyan din Si Kalungkutan””Kung Naiibenta lang ang Luha Mayaman na sana ako”

Ang yaman ko na sana kung naiibinta lang ang luha e di sana binilhan ko kayo ng tig iisang         bf/gf. Di naman natin pwedeng pigilan yang luhang yan kasi kusa na lng yang tutulo pag napapagod kanang magmahal tulad lang din yan ng pawis ng tao hindi tutulo kong di ka napapagod.

“Huwag mong habulin ang mga taong siya mismo ang unang nang-iwan”

Kaya nga wag na wag nyong hahabulin ang mga taong siya mismo ang unang nang-iwan nagmumukha ka lang tanga sa paningin nya. Isipin muna lang na mukhang Unggoy yun HAHA ng mabawasan naman yang pagkabaliw mo don. Hindi lang sya ang babae/lalaki sa mundong ito kaya chill ka lang mga ate at kuya.

“Sa Larangan ng Pag-Ibig Hindi Puro Kasiyahan Andyan din Si Kalungkutan”

“Yung Feeling na Hinihintay mo sya Tapos sya Iba ang Hinihintay”

Anong feeling ng naghihintay sa wala? Yung bang naghihintay kang tumama sa lotto na wala ka namang taya parang ewan lang. Kaya wag mong hintayin yung mga taong alam mong iba naman ang hinihintay wala kang mapapala sa kanya tanging Kalungkutan lang ibibigay nya sayo. Kaya mag focus kana lang sa iba.

“Minsan may mga Bagay na kaylangang kalimutan nalang para maging Ok na ang lahat”

Kahit mahirap kaylangang mo pa ring gawin para maging Ok na sayo ang lahat para sayo        din namang yang gagawin mong yan. Dapat lang talagang kalimutan ang mga bagay na nagpapabigat sayong damdamin ng gumaan namang yang dala-dala mo. Kalimutan sya at magsimula ka ulit.

“Sa Larangan ng Pag-Ibig Hindi Puro Kasiyahan Andyan din Si Kalungkutan”
“Yung pinipilit mo nalang ngumiti at tumawa para hindi nila Makita kung gaano ka ba kalungkot talaga”

Yan ang kadalasan nating ginagawa para ipakita sa ibang tao na Okay lang tayo. Ang bawat ngiti at tawa ay may kaakibat na kalungkutan na di nakikita ng mga taong nakapaligid satin. Kasi kung ipapakita mo sa kanila iisipin nilang mahina ka kaya kahit na sobra mong lungkot magkukunwari kang masaya para di nila mapansin na may pinagdadaraanan kang kalungkutan.