Sa Wala


Sa Wala

Lahat tayo nag-iintay sa mga kung ano-ano sitwasyon. Naranasan mo na bang magmahal? Hintayin ang mahal mo dahil siya lang ang gusto mo at wala ng iba, pero hindi ba’t nakakapagod kung nag-intay ka, umasa ka pero lahat yun nauwi sa wala. 


 

51

Sabi ko sayo hihintayin kita 

Hindi ako mapakali kung ikaw ay hindi makita 

Araw araw kitang kina-kamusta 

Kahit na alam kong magsasawa ka

Wala ka nang oras para sa ating dalawa

Naiintindihan ko naman kasi para yan sa atin at sa iyong pamilya

Paulit ulit at paulit ulit na lang kitang kinukulit

Hindi ko alam kung minsan ikaw ay naririndi o kung ikaw ay nagagalit 

Pasensya na, Hindi ko kasi kaya 

Ngayon ko lang kasi to nadarama

Araw , gabi , segundo, minuto , oras, buwan at taon na ang lumipas 

Pero ako nandito pa rin hinihintay kung anong araw ka babalik sa pilipinas

Hindi alam ng mga tao kung gaano kasakit

Kung gaano ka hirap maghintay sa isang taong matagal pa bago bumalik

“Tama na hindi ko na kaya, nahihirapan na tayong dalawa ” 

Mga salitang sinaksak ang puso ko nang pa-ulit ulit, na ako narin mismo ang hindi nakaunawa, na ang relasyong pinaghirapan ko nang maigi ay mawawala na

Sana sinabi mo noon pa

Sana ako ay nakapag limot na

Bakit mo pa ko pinahirapan? 

Anong masasagot mo sa tanong na yan?

52

Pinaramdam mo sa akin na hindi lahat nang taong hinihintay mo

Ay mapupunta sayo 

Minsan pinaglalaruan lang tayo ng tadhana 

Pero wala na tayong magagawa

Dinidibdib ko pa rin kung paano mo sinabi ang lahat sa akin sa telepono

Habang nakatingin ka nang mabuti sa mga mata ko

Ngunit bakit wala akong makitang emosyon sa iyong mukha 

Na parang parang bakit lahat ng paghihintay na aking ginawa ay napunta sa wala

Bakit parang ang dali dali lang sayong gawin yon ha? 

Bakit parang ang dali dali lang sayong ibasura ang relasyon nating dalawa?

Nakakasawa na ba ako? 

Ayaw mo na siguro no? 

Bakit? Wala na ba akong halaga diyan sa buhay mo? 

Mga tanong na hindi umaalis sa isipan ko

53

Masakit kasi hindi naman ako tumigil sa paghihintay sayo 

Pero ikaw ang nang iwan sa babaeng naghintay ng buong puso.

Wala na akong lakas na sabihan ka nang mga ano ano sa telepono 

Wala na akong lakas magmahal nang ibang tao..

Wala na, 

hindi ko na kaya.

Mas mabuti na lang siguro ay mapag isa muna ako

Para mapag-isipan ko nang maigi kong bakit iniwan mo ko.

________________________________________________________________________

I hope you enjoy reading my short story!

If you want more visit our other stories and quotes to get inspire and related.

(Visited 588 times, 4 visits today)
loading...