Sad Hugot Qoutes 2018: Part 3


Sad Hugot Qoutes 2018 Part 3 -3 minsan

  1. ” Minsan kahit may libo libo tayong dahilan para maging  masaya, mas pinipili nating maging malungkot dahil sa isa.  “

Yung ang dame namang choices para maging masaya ka. Pero nagpapakatanga ka sa isang taong di naman nakikita ang halaga mo. Gumising ka sa katotohanang hindi lahat ng gugustuhin mo. Makukuha mo. Ganun din sa pag-ibig. Hindi lahat ng mamahalin mo, Mamahalin ka rin pabalik. Hindi lahat ng taong gusto mong mapasayo. Mapupunta sayo. Maraming tao sa mundo. Hindi lang sya. Wag na wag kang mag-e-stay sa isang relasyon na sa una palang alam mo nang talo ka.

2.  ” Bakit ka ba naman kase maglilihim kung pwede mo namang sabihin? Hindi yung kung kelan huli na ang lahat staka mo aaminin.”

Torpe kung baga. Pag may gusto ka sa isang tao. Sabihin mo na agad bago ka pa maunahan ng iba, kelan ka pa kikilos kapag nakuha na sya ng iba? Hindi naman masama na umamin ka e, nagpakatotoo kalang. Pag umamin ka. Wag kang mag-eexpect na ganon din sya sayo. Kase baka pag sinabe mo, aasa ka na bibigyan ka din nya ng halaga. Wag kang mag e’expect nang maganda mula sa kanya. Aasa kana, masasaktan ka pa.

3. “Di naman siguro masama kung mamahalin kita ng palihim.”

Yung tipong palihim kang nagmamahal kaya palihim ka ring nasasaktan. May mga tao talagang mas pinipiling itago nalang yung nararamdaman nila sa taong mahal/gusto nila. Mas pinipili nilang manahimik nalang kesa umamin. Yung tipong nagmamahal ka ng palihim, yung nagmamahal ka pero dimo masabe sa taong mahal mo, yung mas pipiliin mo nalang itago ang nararamdaman mo. Siguro natatakot silang masaktan. Pero wala namang mawawala kung aaminin mo.

Sad Hugot Qoutes 2018 Part 3 -2

4. “Ang promise ay hindi tulad ng candy na ipapangako mo sa bata pero hindi ka naman bibili.”

Promise? Masarap marinig lalo na kung galing sa taong mahal mo, pero masakit din kapag nauwi sa wala lahat ng sinabe nya sayo. Wag na wag kang magbibitaw ng isang pangako kung hindi ka sigurado kung matutupad mo oh hindi. Pwede mo namang tuparin yun ng hindi nya alam. Para kung sakaling hindi mo magawa. Hindi sya masasaktan. Unexpected kung baga. May mapapasaya ka kahit hindi nya inaasahan. Pangako? Pitong letra, Salitang madaling sabihin. Pero mahirap tuparin.

5. “. Ako yung nanjan pero ako yung hindi kailangan.”

Yung feeling na ikaw yung kasama nya sa lahat? Ikaw yung nasasandalan nya sa tuwing nasasaktan sya. Ikaw yung anjan, para sa kanya, sa kabila ng lahat. Ikaw yung mas pinili syang makasama kesa sa kanilang lahat. Ikaw yung kahit nakita mo ng lahat ng mali sa kanya, para sayo tama pa rin sya. Ikaw yung kasama nya sa lahat pero bakit, Ikaw yung nanatili pero iba yung pinili. May mga tao talagang hindi nakikita ang halaga mo hanggat hindi ka nawawala.

6. “. Selos ka ng selos kaibigan lang pala, selos ka ng selos kaibigan ka lang pala.”

Bago ka magselos. Alamin mo muna kung ano ka ba sa kanya. Kung may may karapatan ka, pero hindi naman masamang magselos kahit walang kayo. Nagseselos ka kase mahal mo nga diba. Masakit man pakinggan na kaibigan lang ang turing saten ng taong pinili nateng mahalin. Kailangan nalang nateng tanggapin na hanggang dun lang tayo na hanggang kaibigan lang tayo. Masakit pero yun ang totoo.

Sad Hugot Qoutes 2018 Part 3 -3

7.”Nagmahal tayo ng taong di tayo mahal. Minahal naman tayo ng taong di natin mahal.”

Sa pag-ibig, hindi natin mapipilit ang isang tao na mahalin tayo ng taong may mahal ng iba. Kahit anong sabihin mo sa kanya, kung hindi ikaw yung gusto nya, kung hindi ikaw yung mahal nya. Walang patutunguhan yun. Isipin mo nalang na hindi sya inilaan para sayo. Na may mas better pa maliban sa kanya. Sa pag-ibig hindi puro saya. Hindi mo matatawag na LOVE kung hindi ka masasaktan. Wag nateng gawing mundo yung dapat tao lang.

8.” Sabihin muna kung babalik kapa para hindi na ako maghintay.”

Sabihin mo kung ano pa ba sya sayo. Mahirap pag isa nalang ang nakakapit sa relasyon nyong dalawa. Yung mundo mong umiikot date sa kanya, ngayon umiikot na din sa iba. Kung pagod kana sa kakaintindi sa kanya. Sabihin mo nalang ang totoo para wala ng taong masaktan. Para wala nang taong aasa sayo.10. Sabihin muna kung babalik kapa para hindi na ako maghintay.

9.”Ang hirap magmahal ng taong manhid, pero teka manhid ba talaga sya, o iba lang talaga ang mahal nya?

Tama nga naman. Mahirap talaga magmahal ng taong manhid. Kahit anong pagpapapansin ang gawin mo, hinding hindi ka nya mapapansin. Kahit anong effort ang gawin mo. Para sa kanya, Baliwala lang yun. Dahil hindi ikaw yung taong gusto/mahal nya. Kung ako sayo, yung oras na nilalaan mo sa kanya, gagawin ko nalang sa taong mas deserving. Dun sa taong maappreciate, lahat ng ginagawa mo sa taong di ka naman gusto.

10. “Ang hirap bitawan nung taong kahit hindi kayo, sya yung nagpapasaya sayo at kumukumpleto ng araw mo.”
Yung araw araw kayong magkasama, magkausap pero hindi naman pala kayo. Yung feeling na ipaparamdam nya sayo na mahalaga ka, na ikaw lang mahal nya. Yung kayo yung magkasama sa lahat, nagpapalitan ng mga sweet messages sa isa’t isa, Ganyan kayo pero wala kayong matatawag na “tayo”. May karapatan ka pero hindi mo pwedeng ipaglaban dahil hindi naman siya sayo at wala naman kayong label na matatawag na “tayo”. Walang label. Walang commitment. Walang karapatan. WALANG KAYO!