Babalik Ka Pa Ba?
Siguro nga tama ka,
Siguro nga tama na.
Nakakapagod na rin ang umasa,
Umasa na babalik ka pa,
Na babalikan mo ‘ko,
Na magiging okay pa tayo.
Nasan ka na ba?
Ni-hi o hello wala akong natatanggap mula sayo.
Buhay ka pa ba?
O sadyang kinalimutan mo na ‘ko,
Ako na pinangakuan mong babalikan mo…
May mali ba ‘ko, may pagkukulang ba ‘ko?
Sabihin mo sakin, bakit ginaganito mo ‘ko.
Dati malambing ka makisama,
Kahit malayo ka pakiramdam ko nasa tabi lang kita.
Tuwing magkausap tayo, nag-aaway man o nagbibiruan,
Kahit sa chat lang, wala akong ibang naiisip kundi
Ako’y sayo at ika’y akin lamang.
Pero bakit ngayon?
Nasaan ka na?
Naaalala mo pa ba ‘ko?
Kilala mo pa ba ‘ko?
Siguro’y napagdesisyonan mo ng balewalain ako,
Kalimutan ang meron satin.
Ngnit hayaan mo ‘ko sa huling pagkakataong ito,
Muling sabihin kung gaano ka kahalaga sa akin.
Magbago man ang ikot ng mundo,
Paglayuin man tayo ng lahat ng tao,
Lokohin ko man ang aking isipan,
Alam kong sa puso ko di ka mapapalitan.
Ikaw na sa aki’y bumuo,
Ikaw na nagbigay ng kulay sa madilim kong mundo,
Ikaw na gumising sa natutulog kong puso.
Nagsimula tayo sa ikaw at nagkagulo.
Subalit umaasa pa rin ako na ang “ikaw at ako”
Ay masayang magtatapos sa “tayo”.
– Leonabeth De Villa
Thank you for reading. For more spoken poetries you can visit our site.
Please also read “Pagsintang Makaluma”.