Spoken Poetry Tagalog ng mga Niloko


Spoken Poetry Tagalog About Love

Ang tula ay parte na ng ating kasaysayan at kultura ngunit sa panahon ngayon ay mayroon ng nauuso na tinatawag na spoken word poetry na kung saan ay binibigkas ng isang tao ang kanyang mabigat na nararamdaman upang maibahagi sa ibang tao at makapag bigay din ng inspirasyon sa nakararami. Narito ang mga halimbawa;

Spoken Poetry Tagalog 2

Sorry ha, pagod na ako. Pagod na akong mag-hintay lagi sa mga message mo kahit online ka, pagod na akong umasa, pagod na akong umiyak, pagod na akong humingi ng atensyon mo, wag ka mag alala dahil simula ngayon, wala ng mangungulit sayo.

Spoken Poetry Tagalog
Patawad, sa pagbitaw ng aking mga kamay, sa pangakong habangbuhay, sa paalam na matalimvat mapait. Ako pala ang unang sasambit.
Patawad, sa pagsukong lumangoy, sa kwento nating wala nang katuloy, sa karagatang pumapagitna sa pagmamahalang pinilit inaabot and isat-isa. Ang pangarap nating dalawa.

Spoken Poetry 3
May mga bagay na kahit gusto mo, kailangan mong bitawan. May mga tao na kahit na napapasaya ka, kailangan nating iwasan. May mga desisyon na dapat gawin kahit napipilitan. At may mga pagkakataon na kapag ginagawa mo ang tama, ikaw ang mahihirapan dahil may mga bagay na kapag pinagpilitan, sa huli ikaw rin ang masasaktan.

salamat sa pagbabasa

(Visited 32 times, 5 visits today)
loading...