Sweet Love Quotes


Ang sarap talaga sa pakiramdam kapag may minamahal ka. Feeling mo, ikaw ang pinaka perfect na tao sa mundo dahil ikaw ang pinili ng taong mahal mo. Pakiramdam mo ikaw na ang pinakamayamang tao dahil nakuha mo na ang pinaka mahalagang kayamanan sa mundo. Hindi ba’t napakasaya sa pakiramdam na sa dami ng ka – agaw mo sa kanya, ikaw pa rin ang pinili niya?

Ganun talaga pag nagmamahal e, feeling natin, kaya na nating gawin ang lahat. Susungkitin ang mga bituin, sabi nga ng mga matatanda, at iaalay natin lahat ng kaya natin para lang sa mahal natin. Pero, gaano nga kalaki ang kaya nating ibigay para sa kanila? Kaya ba nating ibigay kahit buhay natin mapasaya lang sila?

Kung ako sayo, padalhan mo na lang sya ng message, pwede kang kumuha sa inernet, at pwedeng pwede na ikaw mismo ang gumawa. Ito nga pala, bigyan kita ng konting halimbawa

Sad Love Quotes

kahit hindi man tayo magkasama lagi mong tatandaan na ikaw pa rin ang laging dinadama ng puso kong sayo ay nakatadhana na.

Magkalayo man tayo ng dahil sa kung anong dahilan, pangako kong magiging tapat ako sayo araw – araw, oras – oras. Ikaw lang ang nasa puso ko at kung sakali man na hindi tayo ang itinakda para sa isa’t – isa, handa akong gawin ang lahat, para lang baguhin ang tadhana.

Sad Love Quotes

kung di pa para sa atin ang panahong ito maghihintay pa rin ako alang – alang lang sayo.

Kung hindi man ito ang tamang oras para makasama kita, handa akong maghintay hanggang sa dumating ang tamang panahon para makasama ka. At kung hindi man ipahintulot ng pagkakataon na dumating ang panahong iyun, lalabanan ko ang pagkakataon, para maging tama ang panahon at makasama kita ngayon.
Sad Love Quotes

Di ko naman sinasadya na mahalin ka ng sobra. Nagkataon lang talaga na SAYO ako naging MASAYA.

Hindi naman siguro masama kung mahalin kita ng sobra, ‘di rin naman siguro masama kung di ko to sinadya. Sayo ko lang kasi talaga naramdaman ang sobrang saya. Ayan tuloy, minahal na kita ng sobra sobra, at di ko na kakayanin na mawala ka pa.

Sad Love Quotes

Maaaring hindi ikaw ang unang minahal ko, pero mapapanigurado ko na ikaw na ang huling hahawak ng puso ko.

Kahit na madaming babae na ang nagdaan sa buhay ko, marami man ang minahal ko nung una, sinisigurado ko sa’yo na ikaw na anghuling mamahalin ko at hindi na ako maghahanap ng iba. Gusto kong ikaw na ang mag may – ari ng puso ko. Gusto kong ikaw na ang maging buhay ko.

Sad Love Quotes

Ang sarap mahalin ng taong kahit hindi mo kaharap, Ikaw pa din ang hinahanap – hanap.

Yung tao na kahit hindi kayo masyadong nagkikita, nagtitiwala ka pa din na hindi ka niya iiwanan kahit pa madaming nakapalibot sa kanya na pwedeng humadlang sa inyong dalawa. At naniniwala ka na kahit na anong gawin nila, ikaw at ikaw pa din ang pipiliin nya.

Sad Love Quotes

Wag magalit kapag natulugan ka.
kaya niya nagawa yun, kasi kahit na antok na antok na sya,
pinipilit nyang magising para lang makatext ka.
Wag na wag kang magagalit sa taong mahal mo kung natulugan ka nya ng hindi sinasadya habang magkatext kayo. Dapat magpasalamat ka pa nga dahil kahit na pagod na pagod sya sa maghapon, hindi ka niya nakakalimutan, naglalaan pa din sya ng oras sayo para lang maipakita kung gaano ka nya kamahal.

Sad Love Quotes

Alam ko hindi ka maniniwala kapag sinabi kong ‘miss na miss na kita’.Akala mo kasi lahat ng bagay biro lang sa’kin. Pero may isang bagay kang hindi alam tungkol sa akin, mahilig lang ako maglambing pero hindi ako sinungaling. Miss lang talaga kita.

Easy – go – lucky man ako kung ituring, tinitiyak ko sa’yo na hindi ako sinungaling. Kami yung tipo ng tao na may isang salita, at kami yung tipo ng tao na seryoso kung magmahal. Hindi ka man maniwala kung sabihin kong miss na miss na kita, tandaan mo lang palagi na ang lahat ng biro ay always half – meant.

Sad Love Quotes

Sa isang RELASYON,HiNDi MAiiWASAN ang PROBLEMA. DARATiNG at DARATiNG yan, sa AYAW at sa GUSTO mo.Pero kung PAKiRAMDAM mo, HiNDi mo na KAYA.. YAKAPiN mo ang siya ng MAHiGPiT at SABiHiNG..“NAHiHiRAPAN man tayo, HiNDiNG HiNDi kita iSUSUKO.. Nasa OO palang tayo, WALA pa tayo sa I DO.”

Normal kasi sa relasyon na magkaroon ng problema. Pwedeng dahil sa malalandi, o pwede ding maraming kumukontra sa inyo. Pero wag na wag kang susuko. Walang problema ang hindi kayang lutasin ng magkasama. Patunayan ninyo sa lahat ng tao na kayo talaga ang para sa isa’t isa.

Sad Love Quotes

Kahit ilang beses pa akong masaktan dahil sayo, di kita iiwan, di ako susuko.Dahil kung may 100 dahilan para iwan ka, hahanap pa rin ako ng isang dahilan para ipaglaban ka.

Hindi naman mahalaga kahit isang daan o isang libong dahilan pa ang ibigay nila para iwan kita. Tama na yung dahilang, ‘mahal kita’ para ipaglaban ka. Masaktan man ako at magdusa, gagawa at gagawa ako ng paraan, huwag ka lang mawala.

Sad Love Quotes

Mawala na ang lahat wag lang ang puso ko.

‘Coz in my HEART you’ll always stay.Nakahanda akong mawala sa akin ang lahat para sayo, kunin man nila lahat sa akin, wag ka lang mawala. You’ll always stay in my heart, coz you are my heart. At kung mawawala ang puso ko, para ka na ding nawala sa akin.

Alam na alam ko ang pakiramdam ng ma – inlove, sa edad ko ba namang ito e, pag sinabi kong wala pa akong karanasan d’yan, nagsisinungaling na ko nun. Alam ko na kung gaano kasarap ang magmahal, alam ko na din kung pano lumuha at masaktan. Pero higit sa lahat, alam ko na kung pano bumangon mula sa lahat ng sakit na naramdaman ko. Ang maipapayo ko lang sa inyo, kilalanin nyo munang mabuti yung taong gusto nyo, take your time, wag kayong magmadali. Wag mong daanin sa bilis ang pangliligaw o pagsagot sa manliligaw. Ikaw din, baka magsisi ka pa sa huli.