TAGALOG BROKEN QUOTES


TAGALOG BROKEN QUOTES

Lahat naman ng tao ay nag mamahal at nasasaktan dahil sa salitang PAG-IBIG pitong letra pero maraming tao ang nasasaktan ng salitang ito. Ang nilalaman nito ay para sa mga taong iniwan ng mga minamahal nila ngunit umaasang isang araw ay babalik parin ito sa kanila.

Broken Quotes

“kapag nakita mong masaya na siya sa iba, palayain mo na “

Wag mong sayangin ang oras at panahon mo para sa taong matagal ka ng kinalimutan. Dahil kung hindi mo siya palalayain , ikaw lang din ang mahihirapan. Alam kong hindi madali ang mag move on pero kailangan mong tanggapin ang katotohanan na hindi ka na niya mahal at masaya na siya sa piling ng iba at tandaan mon a mahirap umasa sa mga bagay na imposible na mangyari.

“Sana pag mahal mo ang isang tao, automatic na mahalin ka din niya”

Halos lahat naman ng tao ay marunong mag  mahal pero madami din sa kanila ang nasasaktan dahil sa pag mamahal , nasasaktan sila dahil minamahal nila ang mga maling tao na ang alam lang ay ang paiyakin at saktan ang mga damdamin nila  pero dahil  nga mahal nila ay tinatanggap na lamang ang mga kamalian nito kahit natatapakan na ang pagkatao nila para lang sa ikatatagal ng relasyon nila.

Broken Quotes

“Ang hirap magmahal ng isang tao , kapag alam mong may mahal siyang iba”

Maraming tao ang nagpapaka tanga para sa pag ibig . Sobrang hirap ng sitwasyon na ang taong mahal mo ay hindi ka mahal kahit ibinibigay mo na ang  lahat para lang siya ay sumaya wala paring kwenta sa kanya dahil nga hindi ka niya mahal at iba ang mahal niya pero kahit alam mong di ka niya mahal ay nagpapaka tanga ka parin umaasang isang araw ay mamahalin ka din niya ng buo.

“Bakit nga ba Mahal parin kita”

Nakakatawang isipin  noh?  Kahit na nasasaktan mo na ako ng sobra hindi pa rin kita makalimutan. Ginawa ko na lahat makalimutan lang kita pero pumapasok ka pa rin sa isipan ko at mahal parin kita – Bakit may mga taong kahit iniwan ka na at sinaktan ng sobra ay nandyan ka pa rin at minamahal sila kahit alam mong masasaktan at masasaktan ka lang ng paulit ulit ay handa ka paring sumugal at umaasang isang araw ay mamahalin ka pa rin niya.

 “Kung iiwan mo ako totohanin mo na hindi yung babalik ka parin dahil alam mong tatanggapin pa rin kita ”

Bago ka gumawa ng isang desisyon pag isipan mo munang mabuti kung maaari ay paulit ulit dahil once na gumawa ka na ng desisyon hindi mo na mababago at maiibalik ang nangyari dahil hindi na mabubura sa isipan ng tao ang nagawa mo.

Maraming salamat po sa pagbabasa ng sulat na ito sana ay nagustuhan niyo THANKS AND GODBLESS .