Tagalog Patama Hugot Lines


Tagalog Patama Hugot Lines

Tagalog Patama Hugot Lines:  A very timely Tagalog Sad Love Quotes especially for your friends, special someone and loved ones, Check out this collection of Tagalog Sad Love Quotes on the web.                                                                If you have your own favorite Tagalog Sad Love Quotes we would love to hear it, simply add a comment below or just visit our FB page. Hope you’ll like it!

Tagalog Patama Hugot Lines

“Minsan kailangan muna nating masaktan bago tayo matauhan.”

May mga bagay na saka lang natin narereliaze kapag huli na, kapag sobrang wasak na tayo, kapag nakaranas na ng sobrang kapaitan sa buhay pagkatapos noon dun palang tayo bibitaw, dun palang tayo maatatauhan. Bakit nga ba? kasi Mahal mo? kasi di mo matiis? kasi umaasa ka pa rin magiging maayos ulit yung hindi na healthy ninyong relationship? oo hindi masama pero pipiliin mo pa bang masaktan ka ng sobra bago mo marealize na mali na?

Tagalog Patama Hugot Lines

“Balang araw maalala mo rin ako at sa panahong yun, nakalimutan na kita.”

OO. Siguro ngayon baliw pa ako, nagpapakabaliw sayo at patuloy pa ring umaasa sayo… pero isa lang masasabi ko, balang araw ako naman yung kababaliwan mo, ako yung maalala mo, ako yung palaging hahanap-hanapin mo, at yung laging laman ng isip mo pero kapag dumating yung panahong yun, umasa kang nakalimutan na kita. At ngingiti habang iniisip na “Eto yung kinabaliwan ko pero binalewala ako.”

Tagalog Patama Hugot Lines

“Kapag dumating yung araw na nagmahal ka ng iba sana wag na kita makita.”

Masakit. Masakit kasi na yung taong minahal mo ng sobra ay makikita mong may mahal ng iba.  Yung mga pangarap nyo at mga pangako nya sayo ay tinupad na nya sa iba. At yung dating care at sweet talks naging cold na parang di magkakilala.  Ang sakit, ang sakit kase may bago kana samantalang ako nagluluksa pa. At higit sa lahat, ang sakit kasi ikaw nakamove on na, samantalang ako ay halos mawalan na ng pag-asa.

Tagalog Patama Hugot Lines

“Stalk here, Stalk there tapos “Ouch! ang sakit”

Hanggang ngayon ikaw pa rin, hanggang ngayon sayo pa rin, at hanggang ngayon ako’y umaasa pa rin. Ma stalk lang kita everytime sobrang saya ko na, makita ko lang yung mga recent post at mga recent pictures mo OK na. Kaso bakit yon? One time na inistalk kita may kasama kang iba. Hanggang sa marealize ko na, akala ko masaya, akala ko OK na, HINDI pala kase sobrang sakit pa…

Tagalog Patama Hugot Lines

“Gusto ko lang malaman na, bakit sa dinami-rami ng tao sa mundo why I chose YOU. Ikaw na sinasaktan lang ako?”

Marami ng nagsabi na ang martyr ko daw. Yung paulit ulit nila akong tinatanong na bakit sya? bakit sya na lagi ka nalang sinasaktan and then after that, after kong marinig ng paulit ulit ang mga tanong na iyan, naitanong ko rin sa sarili ko na bakit nga ba ikaw samantalang napakarami namang deserving jan? at naisip ko lang na… simple lang. I chose you because I love you. I love you because kahit nasasaktan mo ako, may pagkakataon na ikaw lang din yung taong nakapagpapasaya sa akin sa mga panahong hindi ko na kayang ihandle ang mga bagay bagay. I love you.

Tagalog Patama Hugot Lines

“Kapag umalis ka wag ka ng babalik ha? Mesheket ne e! Mesheket! Lammoyon?”

Mesheket! Sobra. Yung paulit ka ng iwan at paulit ulit mo na rin syang tinanggap pero di nya pinapahalagaan? this time hindi na. Nakakasawang paulit ulit nalang. Yung seryoso ka pero sa kanya e laro laro lang? Hindi mo ba naisip na lumilipas ang panahon at sa paglipas nito ay ang pagkawala ng nararamdaman ko, kaya sana naman ngayon wag ka ng bumalik…

Tagalog Patama Hugot Lines

“Kasama sa pagmamahal ang masaktan pero bakit puro sakit nalang? It is still pagmamahal?”

Sabi nga nila walang nagmamahal ng hindi nasasaktan kasi kaakibat na ng pagmamahal ang masaktan. Kaya matakot kana kapag di ka na nasasaktan. Baka hindi na yan pagmamahal!

Tagalog Patama Hugot Lines

“Yung nilambing pero hindi jinowa feeling? Sakit!”

Naranasan mo na ba yung nilambing lang pero hindi jinowa? parang pinaasa ka lang sa WALA. Sakit diba? kung oo wag mo syang sisihin kasi malay mo sweet lang talaga sya ikaw lang nagbigay ng malisya kaya ayan ka nasasaktan sa pagiging assumera.

Tagalog Patama Hugot Lines

“Kunware SWEET, iiwan ka din naman sa HULI…”

Lahat kasi pwedeng magbago pwedeng mawala sayo at iwan ka sa huli kaya dapat handa kana sa anumang pagsubok na makakasalamuha mo. Hindi porket sweet sya sayo hindi kana iiwan lagi mong tandaan na umiikot ang mundo ibig sabihin lahat ng bagay may katapusan.

If you have your own Tagalog Sad Love Quotes , feel free to share it with us and we will be delighted to have them featured here at Tagalog Sad Love Quotes Let us inspire more readers. For more updates, you can also visit and Like our Facebook Page Tagalog Sad Love Quotes .