Top 10 Best Long Distance Quotes and Sayings


“Top 10 Best Long Distance Quotes and Sayings”

Long distance relationship, ito na siguro ang pinakamahirap na uri ng relasyon. Hindi mo siya nakikita, hindi masyadong nakakausap, ni hindi mo alam kung ano na ang nangyayari sa kanya. Lagi kang may tanong sa isip mo, “masaya kaya siya?” o “baka meron na siyang iba”. Napakahirap kasing magtiwala kung sa chat o text lang kayo nag-uusap. Mahirap umasa lalo na kung di ka sigurado sa nararamdaman habang malayo ka.
Pero ganun talaga pag long distance e, kailangan may tiwala ka. Tiwala na kahit hindi kayo magkasama, ikaw lang ang iniisip niya. Kailangan laging nandyan ang pag-asa, pag-asa na lagi lang siyang nandyan at hinihintay ka. Yun kasi ang pinakamahalaga, lalo na’t alam natin na kulang ang komunikasyon para magtagal ang relasyon. Sino ba namang tao ang ayaw makasama ang mahal niya, hindi ba?
Here are some Long Distance Quotes na sana ay magustuhan ninyo.

Top 10 Best Long Distance Quotes and Sayings 1

1. “Kahit wala ako sa tabi molagi mong isipin na nandito ako para sayo, nandito ako na handang lumaban at maghintay sayo.”

“Kahit na malayo kayo sa isa’t isa, dapat nakahanda ka pa ring gawin ang lahat para sa kanya. Dapat nakahanda kang magsakripisyo para sa kanya. At dapat nakahanda kang gawin lahat yun hindi dahil sa kung ano pa, kung hindi dahil sa mahal mo siya.”

Here are some Long Distance Quotes na sana ay magustuhan ninyo.

Top 10 Best Long Distance Quotes and Sayings 2

2. “Ang pag-ibig, hindi lang basta isang emosyon na nararamdaman. Kundi isang desisyon na dapat panindigan.”

“Ang pagmamahal kasi, hindi lang dahil nararamdaman mo. Ginusto mong magmahal e, kaya dapat panindigan mo. Ang love kasi, hindi yan pansamantala na pwede mong ayawan ng bigla-bigla. Ang love dapat, pang habambuhay yan.”

Top 10 Best Long Distance Quotes and Sayings 3

3. “Bukod sa tiwala sa isa’t-isa mahalaga ang komunikasyon sa isang relasyon. Maliit o malaki mang guspt, kapag pinag-uusapan maiiwasan ang hiwalayan.

“Hindi naman kasi mawawala sa isang relasyon ang pagkakaroon ng konting away o tampuhan. Diyan pumapasok ang komunikasyon, dapat palagi pa din kayong nag-uusap kahit sobrang liit lang na tampuhan, para walang hiwalayan.”

4. “Sa Long Distance Relationship, may chance na ma develop ka sa iba, pero tandaan: “Di ka MA DEDEVELOP sa iba, kung pipigilan mo dahil: MAHAL MO siya.”

“Hindi kasi natin maiwasan ang mahulog sa iba habang malayo ang mahal natin, bakit nga ba hindi? E malayo naman e, wala naman sigurong magsusumbong sa kanya. Pero sana, maisip din natin, “pano yung tiwala niya?” Yung tiwalang binigay niya sa atin ng buong – buo kasi umaasa siya na tapat tayo kahit malayo siya. Paano yung pagmamahal na binigay natin sa kanya? Mawawala na ba yun basta-basta dahil lang malayo siya?”

5. “Malayo man tayo sa isa’t isa alam kong magkikita parin tayo basta’t ang pangako ko sayo na hinding hindi ako magbabago hanggang sa magkatagpo ulit tayo.”
“Malaki kasi ang nagagawa ng pagmamahal, pagiging tapat, at pagtitiwala pagdating sa long distance. Yung may tiwala kayong dalawa na kahit gaano pa kayo kalayo sa isa’t isa, magkikita pa rin ulit kayo at magkakasama. Yung pagiging tapat sa mahal mo kahit sobrang dami mang tukso sa paligid mo. At ang pagmamahalan ninyong dalawa, na handang isakripisyo ang lahat, para lang muling makasama ang isa’t isa.”

6. “Masaya ako kasi mahal kita. Miss kita, pero malayo. Kailangan kita, pero malayo ka. Inisip ko limutin ka at tumingin sa iba, hindi ko kaya! Mahal talaga kita.”
“Kahit gaano pa kalayo ang taong mahal mo, hinding hindi mo gagawing problema ang distansya sa pagitan ninyong dalawa. Hindi mo gagawing dahilan na malayo siya kaya maghahanap ka ng iba. Sapat na dapat yung mahal mo siya para maging tapat ka sa kanya.”

7. “Ang Long Distance Relationship para sa mga matitibay lang yan, para sa marunong MAKUNTENTO SA ISA at sa marunong MAGHINTAY. Pano mo masasabing MAHAL mo nga ang isang tao kung sa DISTANSYA niyo lang susuko ka na?”
“Kung papasok ka sa isang long distance na relasyon, dapat nakahanda kang maghintay, at dapat lagi kang tapat sa kanya at hindi na maghahanap pa ng iba. Hindi mo kasi gagawing dahilan na malayo siya, kung talagang nagmamahal ka.”

8. “Malayo ka man sa akin, hindi ko man maipakita kung gaano ka kahalaga. Basta magtiwala ka, kasi hindi mo man abot ang yakap ko, ang importante hawak mo ang mundo ko at nasa iyo ang puso ko.”
“Kapag magkalayo kasi kayo ng mahal mo, hindi mo talaga magagawa ang mga gusto mong gawin at iparamdam sa kanya kasi nga, hindi mo naman siya kasama. Pero basta may tiwala kayo sa isa’ isa, handa kayong tanggapin lahat ng yun, at magmamahalan parin kayo sa kabila ng distansyang nasa nakapagitan sa inyo.”

9. “Alalahanin mong mahal kita kaya maghihintay ako para naman kasi sa atin ang lahat ng ito.”
“Kapag kasi mahal mo ang isang tao, dapat nakahanda kang maghintay para sa kanya kahit gaano pa katagal ang paghihintay na gagawin mo, mapatunayan mo lang na mahal mo talaga siya. Love is patient, hindi ba? Kaya kung talagang mahal mo siya, be patient.”

10. “Di ko kayang mawala ka kahit nasa malayo ka maghihintay pa rin ako dahil mahal kita talaga”
“Ganun kasi talaga kapag nagmahal ka: kahit gaano pa siya kalayo, hihintayin mo pa din ang pagbabalik niya, dahil ayaw mo s’yang mawala. Pag mahal mo ang isang tao, hindi mo na iisipin kung nasaan siya, kasi kahit saan pa siya magpunta, alam mong sa’yo sya.”

Para sa patuloy sa pag bisita sa aming Blogs Amining hinahandog sa inyo ang Top 10  Best Long Distance Quotes and Sayings! Na kung saan makikita ninyo ang mga quotes and motivations para sa nagmamahal kahit malayo pa man ang kanilang minamahal! Please LIke US ON FACEBOOK malungkot.com and share! Thanks!