“TOP 10 best tagalog love quotes 2017”


“TOP 10 best tagalog love quotes 2017”

“Ang Love Quotes ay patungkol sa mga realtalks na patok na patok sa mga millenials ngayon, ito ay naglalaman ng mga katotohanan tungkol sa mga naging karanasan sa pag-ibig. Dito  mo mababasa ang mga inaasahan mong paliwanag sa mga kasagutan sa iyong isip patungkol sa mga problema mo sa lovelife”

“Mahirap ang maiwan ng walang dahilan, pero mas mahirap ang thesis”
– Nakakatawa isipin na marami tayo dinanas na sakit sa pag-ibig, pero marerealize mo na mas mahirap ang gumawa ng thesis, nandyan yun pagkakataon na hindi ka matutulog ng magdamag dahil may kailangan kang ipasa sa kinabukasan, mararanasan mo rin ang ma-reject dahil sa ginawa mong title na pinaghirapan mo sa buong araw. Sa sobrang hirap niya, kung minsan hindi mo na kinakaya, hindi katulad sa pag-ibig na iiyak mo lang mamaya okay na, kaya kung minsan hindi porket nahihirapan na hindi tungkol sa isang tao na iniwan ka nalang sa isang malabong dahilan, minsan dahil rin sa thesis.

malungkot.com

“Mahirap ang maiwan ng walang dahilan, pero mas mahirap ang thesis”
– Nakakatawa isipin na marami tayo dinanas na sakit sa pag-ibig, pero marerealize mo na mas mahirap ang gumawa ng thesis, nandyan yun pagkakataon na hindi ka matutulog ng magdamag dahil may kailangan kang ipasa sa kinabukasan, mararanasan mo rin ang ma-reject dahil sa ginawa mong title na pinaghirapan mo sa buong araw. Sa sobrang hirap niya, kung minsan hindi mo na kinakaya, hindi katulad sa pag-ibig na iiyak mo lang mamaya okay na, kaya kung minsan hindi porket nahihirapan na hindi tungkol sa isang tao na iniwan ka nalang sa isang malabong dahilan, minsan dahil rin sa thesis.

“Hindi siya bitter, natural na reaksiyon lang yan ng mga taong nasasaktan”
– Madalas tayong nagagalit sa taong laging negatibo ang paniniwala sa isang bagay. Yung tipong lahat nalang kinokontra niya, pero hindi natin sila pwedeng husgahan kung ano man ang paniniwala nila, kung minsan nagiging reaksyon lang nila yun dahil minsan dumaan na rin sila sa ganoong pangyayari. Kaya kung minsan may mga babaeng hindi na naniniwala sa mga pangakong binibitawan ng kanilang boyfriend. Dahil minsan na rin silang umasa, kaya hindi madali sa kanila ang maniwala nalang ulit.

“Minsan may binibigay si Lord, para makilala at hindi para makasama”
– May mga pagkakataon na may nakikilala tayong isang tao na minamahal natin ng sobra. Inaakala natin minsan na siya na talaga. Wala tayo ideya na ipinakilala lang pala siya satin ni Lord at hindi para makasama sa habambuhay. Masakit diba? Umasa ka sa bagay na walang kasiguraduhan. Pero bilang tao lang, kailangan nating tanggapin na hanggang dun lang ang gusto ni Lord dahil hindi sya ang para sayo at pwede namang wala pa sa tamang pagkakataon. Malay natin, ipinakilala lang siya, para maging kadamay mo sa ups and down ng buhay mo, isang kaibigan lang. Sabi nga nila, “pinagtagpo pero hindi itinadhana”. Masakit man pero tanggapin dahil may dabest pang plano sayo ang panginoon.
malungkot.com

“Mahal kita, mahal mo siya edi magsama kayo, mag-aaral nalang ako”
– Masarap sa pakiramdam na mahal ka din ng taong mahal mo, pero ang masakit kapag napaglaruan ka ng tadhana at minahal mo yung taong may mahal ng iba. Saklap diba? Yung tipong ikaw ng ikaw ang nagbibigay pero wala ka namang natatanggap. Kaya madalas nasasayang ang mga panahong na ginugugol natin sa mga bagay na alam nating wala namang pag-asa. Kung minsan dumarating tayo sa punto na nagtatanong tayo kung ano ba mali at ano ba ang kulang, pero kahit bali-baligtarin ang mundo, wala din namang mangyayari. Kaya sa halip na maglungkot-lungkutan ka, at magalit sa madayang tadhana, ipokus mo ang sarili mo sa makabuluhang bagay. Try mo na mag- aral nalang ng mabuti malay mo maging valedictorian ka, kaysa naman hindi ka manlang nagint top 1 sa puso niya

“Madali ang magpatawad pero hindi madali ang makalimot”
– Napakadali ang sabihing “oo, pinapatawad na kita” pero masakit sa puso na aminin mong hindi mo magawang kalimutan ang masakit na pagkakamali niya. Yung kahit anong pilit ng puso na kalimutan nalang ang nangyari, pero sa twing magkakamali siya ulit kusang bumabalik yung mga bagay na nagawa niya. Pero lahat ng tao deserve ang patawad, hindi nga lang ganun kadali ang limutin. Pero let it go, walang mangyayari kung patuloy mo ang babalikan, kasi mare-realize mo wala ka ring pupuntahan. Kaya bilang gf/bf mag-ingat sa bawat gagawin kasi kung minsan nakakasakit na tayo ng damdamin.

TOP 10 best tagalog love quotes 2017

“Ang lovelife hinihingi yan kay Lord, Hindi ninanakaw sa iba”
– Minsan may mga pagkakataong hindi natin masisisi ang puso na mahalin ang taong pagmamay-ari na ng iba, natural lang ang magmahal, magiging mali lang yan kung pipiliin mong nakawin nalang ang hindi sayo para masunod lang ang kasiyahan ng iyong puso. Lagi mong tatandaan na bago ka palang isinilang may tao ng nakalaan sayo kaya hindi mo dapat ituring sayo ang hindi mo pag-aari. At bago ka pa lang mamulat sa mundong ito may iba’t-iba na tayo ng storya ng pag-ibig. Kaya dapat mulat tayo sa katotohanang mali ang sundin ang puso sa maling paraan.

“Alam niya na crush mo siya, ramdam nya yun promise. Hindi ka nga lang niya gusto”
– Minsan nakakapagod din ang magpapansin kay crush, yung tipong hindi niya napapansin yung bagong tshirt mo, ginamit mo na ang magandang kulay ng lipstick mo wala pa rin. Nakakainis diba? Yung dumadaan ka sa harap niya pero hindi ka manlang niya pinapansin. Ganun nga ata kapag hindi ka gusto, kaya kung minsan sa halip na magpapansin ka, maghanap ka nalang ng iba, yung taong kaya kang i-appreciate. Diba?

“Hindi na baling siya ang bumitaw, ang importante alam mong wala kang pagkukulang”
– Kung minsan mas okay na siya nalang bumitaw, atleast alam mong wala kang pagkukulang. Sa kabilang banda, mahirap tanggapin kasi alam mo namang ginawa mo lahat para sa kanya, pero nandun rin yung kapayapaan sa puso mo, kasi alam mo rin na wala kang ginagawa na ikasasakit niya. Minsan may mga tao talagang hindi lang marunong magpahalaga, kaya kung tutuusin walang problema sa nagmamahal, kung minsan sa taong minamahal

“Mag-ingat ka, maraming traydor dyan. Hindi mo lang halata”
– Sa bawat nakakasama mo sa araw-araw hindi mo alam kung sino ang totoo, o tina-traydor ka lang, kaya mag-ingat ka. Minsan nga kung sino pa yung pinagkakatiwalaan mo, siya pa yung taong sisira ng samahan niyo. Tama nga sila, na kahit san ka man pumunta hindi mawawala ang ganyang klase ng tao. Wala namang mawawawala, kung mag-iigat ka sa lahat ng nakakasama mo. Minsan may mga inosente kung titingnan pero sa loob-loob gusto niyang agawin lahat ng pag-aari mo, magaling sila umarte. Hindi masama ang magtiwala, pero sa bawat pagtitiwala lagi mong tatandaan may mga tao talagang kahina-hinala.

Maraming salamat sa pagbabasa ng ginawa kong love quotes, umaasa ako sa muli ninyong pag-abang sa mga bago pang post.