Top 10 Hugot Lines Ng Mga Bitter


Sa panahon ngayon dumarami na sila, sapagkat pakiramdam nila lahat nang tao ay sasaktan sila. Okay lang naman siguro maging bitter sapagkat darating din naman yung time may darating na para sayo o makakahanap ka ng para sayo. Oo masakit ang lokohin, paasahin at pagmukhaing tanga ngunit hindi sa lahat nang oras magiging tanga ka diba? May mga oras din naman na maiisip mo na kailangan mo na syang isuko dahil may mahal na siyang iba at dahil hindi kana masaya. Andito ang ilang hugot lines na tiyak na makakarelate kayo.

“Focus on you studies and change the old you be better than before that's it and you have to move on!”

“Focus on your studies and change the old you be better than before that’s it and you have to move on!”

Ituon ang atensyon sa ibang bagay sa pag-aaral malay mo maging topnotcher ka matutuwa pa sayo magulang mo tas ayusin mo sarili mo sapagkat ito naman talaga ang tamang gawin. Isaayos mo buhay mo itama mo mga pagkakamali mo, kung immature ka noon aba magmature kana kung easy to get ka noon aba matuto ka naman magpakipot(pahard to get ika nga ng iba). Magmove on sa pamamagitan ng pagpapatawad mo sa kanya sa pagfofocus mo sa ibang bagay malilimutan mo na siya ng paunti unti ng hindi mo nahahalata.

“Wala naman magbibilang kung ilang beses ka naging tanga diba?”

Masaya kaba na sinasaktan ka niya? mandid kanaba kasi sanay kana na ginaganiyan ka lang niya? Puwes huwag mong hayaang pinagmumuka ka niyang tanga tao ka rin tulad niya may damdamin, hindi lang siya ang may karapatang maging masaya kung ayaw niya na sayo sabihin niya diba? At kung alam mo namang may mahal na siyang iba sa panahon kasintahan mo pa siya aba bugbugin muna, joke eto naman makipaghiwalay kana syempre maging fair ka naman sa sarili mo. Ikaw mismo dapat mo matutunang mahalin sarili mo.

“Wag wag mong ipagsiksikan ang sarili mo sa taong ayaw naman sayo tandaan mo hindi ka sardinas.”

Bakit ba kasi kailangang ipagsiksikan sarili sa taong ayaw sayo? Sa palagay mo magugustuhan ka niya dahil nageeffort ka? Nageeffort maging tanga! Hindi to teleserye ui! Karamihan sa teleserye puro kathang isip lang in short malabong mangyari sa totoong buhay. Wag umasa sa iba kakaasa mo sa iba hindi mo napapansin mayroon palang nagmamahal sayong iba, hindi mo lang napapansin kasi nakatuon ang atensyon mo sa iba.

jpg

“Partner? yung dinuguan meron, ako wala!”

Sa totoo lang madali lang naman humanap ng partner ei, pero ang mahirap hanapin yung deserving yung hindi ka sasaktan at hindi kapapabayaan. Hindi mo naman kaagad kailangang sagutin ang nanliligaw sayo or ligawan agad ang babaeng magustuhan mo, ang mas maganda kilalanin mo muna kung ok ugali niya kasi yung iba sa simula lang ok pagtagal nanlalamig na, papabayaan kana at an pinakamasakit lolokohin kapa!

“Kung crush, crush lang. wag kang mahuhulog. Masasaktan ka lang.”

Ok lang naman magkaroon ng crush o paghanga sa iba ngunit mas makakabuti parin talgang gawin mo nalang siyang inspirasyon hindi naman dapat minamadali ang mga bagay bagay ei, malay mo iba gusto niya ei di masasaktan kalang. Mas makakabuting alamin morin muna ang nararamdaman niya hindi ung napatingin lang sayo iisipin mo type ka agad? Lol tandaan mo uso na fuckboy at fuckgirl ngayon papaasahin ka tas pagnatikman kana goodbye cruel world iiwan ka na lang magisa ikaw naman magmumukang tanga.

“Lahat tayo ay binigyang pagkakataon para maging tanga pero hindi porket libre aaraw arawin mo na”

Ok lang maging tanga minsan pero yung magbulagbulagan sa ginagawa niya sayong panloloko? Aba kalabisan na yan iwan mo na huwag magfocus sa pagiging tanga pwede ka naman magfocus sa ibang bagay. Pwede mong enjoyin ang buhay habang nagsisilbi sayong mga magulang, mas makakabuti pang sa kanila mo ituo ang pagmamahal mo kesa naman sa taong hindi ka kaya pahalagahan.

“Bakit ko iiyakan kung pwede ko namang palitan

“Bakit ko iiyakan kung pwede ko namang palitan.”

Oo kaya nga nating palitan ngunit ikaw naman ang makakasakit or maaring masaktan kalang ulit, oo madali itago ang tunay na nararamdaman ngunit ang sarili mo ay hindi mo kayang pagtaguan kailanman.

“Sa pag-ibig, walang bulag, walang bingi, walang pipi pero TANGA? madami!”

Tunay ngang walang pinipili ang pag-ibig walang pangit,walang mataba, walang payat at iba pa. ngunit bakit tanga ang dami rin? Sa palagay ko kasi sobra lang sila magmahal kaya ayon sobra din silang masasaktan, hindi naman masama magmahal ng sobra pero dapat magtira ka parin sa sarili mo diba? Love yourself sabi nga ni Justine Bieber totoo naman ei sino pa magmamahal sa sarili mo diba ikaw rin?

“Pagsasawaan ka rin niyan sa una lang yan mainit. Tignan mo pagtagal tagal, magkakalamigan din kayo parang kami.”

Kadalasan sa isang relasyon sa una lang sweet, maalaga, at may tiwala, pagtagal-tagal na ayon away dito away doon selos dito selos doon. Kung tutuusin naman wala naman talangang perpektong relasyon ei, asasayo nalang kung paano mo ihahandle, kung pano mo sya aalagaan, papahalagahan at paano mo ipapaama sakaniya na mahal mo siya.

“Hindi tanga yung taong nagmahal nang sobra, ang tanga ay yung minahal mo na ng sobra nakuha pang humanap ng iba.”

Hindi maiiwasan magmahal ng sobra lalo na kung ipinapadama niya na ikaw ay sobrang mahalaga lalo na’t madaling makuha ang tiwala mo. Ngunit ang nakakataka lang ay bakit mageeffort pa sila ng sobra kung hahanap pa din sila ng iba? Diba tanga nila? Gumastos malaki makapanloko lang, dun ba sila nagiging masaya? Hay naku nakakalungkot naman na yun ang reason nila. Sana hindi sila pafall para wala masaktan, sa bagay maykarma naman sila nalang bahala.

“Maraming maraming maraming salamat pong muli sa inyong patuloy na pagbisita sa pinakaaabangang blog site, nakarelate ba kayo sa Top 10 Hugot Lines Ng Mga Bitter? Nais ninyo pa ba ng mga quotes at saying na paniguradong makakarelate at makakakuha ng mga kaalaman kung paano magmove on, maggrow up at mas maging cute XD!”

Please like and share, don’t forget to smile 🙂 Thanks!