Top 10 “Sana” Ng Mga Broken Hearted


Para sa Mga Broken Hearted Na Iba’t-Iba ang dahilan. Ito ang top 10 na mga SANA nila.

 

malungkot.com - featured image

 

  1. Sana Kami Na Lang Ulit

– Ito ang pinakaunang sana ng mga kakagaling lang sa breakup, kasi sino ba naman ang gustong magkahiwalay sila ng kaniyang mahal. Masakit sa puso na maiwan kaya “ Sana Kami na lang Ulit” para hindi  ko na madama itong kirot sa puso ko.

 

  1. Sana Pinatay Niya Na Lang Ako

– Dahil sa sobrang sakit ng nararamdaman mo minsan iniisip mo na sana ay piñatay ka na lang niya kasi siya na ang naging mundo mo at pakiramdam mo ay hindi mo kayang mabuhay ng wala siya.

 

  1. Sana Sinabi Mo Kaagad Na Wala Ka Na Palang Feelings

– Madalas itong nangyayari sa mga mag-kasintahan, yung tipong akala mo ay mahal na mahal ka pa rin niya pero ang totoo unti-unti na palang nawaala yung feelings niya sayo. Kaya darating yung araw na bigla ka na lang niyang iiwan.

 

malungkot.com- featured image

 

  1. Sana Mabalik Ko Yung Oras

– Maalala mo na lang bigla yung mga oras at panahon na nagkamali ka sa kanya at minsan hihilingin mo na sana may time machine ka para bumalik at ayusin ang lahat para hindi kayo humantong sa breakup.

 

  1. Sana Nagka-Amnesia Na Lang Ako

– Madalas itong hinihiling nga mga kakabreak-up pa lang kasi minsan hindi na nila kayang

i-handle yung sakit at gusto na lang nilang burahin sa isip nila yung nangyari para hindi na ulit siya masaktan.

 

  1. Sana Niligawan Ko Siya Agad

– Nagkakagusto ka sa isang tao pero hindi mo siya maligawan kasi nahihiya ka o natotorpe kaya kapag napunta na siya sa iba hihilingin mo na lang na sana nanligaw kaagad ako para kami na lang.

 

malungtkot.com - featured image

 

  1. Sana Kumapit Ako, Para Kami Pa Rin

– Bumibitaw ka hindi dahil ayaw mo na sa kanya pero dahil parehas na kayong nasasaktan at hindi mo kayang Makita siyang nasasaktan nang dahil sayo kaya bumitaw ka na lang para hindi mo na siya magawang masaktan ulit. Pero paglipas ng panahon, maiisip mo na sana kumapit ka na lang para kayo pa rin hanggang sa huli.

 

  1. Sana Hindi Ko Sinayang Yung Oras Na Kasama Ko Siya

– Meron tayong mga mahal na alam nating mawawala na pero hindi pa natin nilubos lubos yung oras na makasama sila dahil mas lalo kang natatakot na mawala siya. Kaya naman pagdaan ng panahon hindi mamamalayan mo na lang na sana ginamit mo yung oras para nakapagpaalam ka man lang sa kanya .

 

malungkotcom- featured image

 

 

  1. Sana Hindi Na Lang Naging Kami

–  Meron tayong mga nakakatuluyan na sa sobrang lala ng ginawa sa atin ay masasabi mo na lang na sana hindi naging kayo para hindi siya naging parte ng masama mong nakaraaan.

 

  1. Sana Hinintay Ko Siya

– Para sa mga taong naghihinta na nagsawa na. Makikita mo na lang yung hinintay mo dati na ibang-iba na at minsan gugustuhin mo na hinintay mo na lang siya kahit na gaano katagal para naging kayo na lang.

 

 

Salamat po sa pagbasa at pagbisita sa aming website. Kung gusto mo pa ng maraming quotes just visit malungkot.com.