Top 10 Tagalog Sad Qoutes 2018


di kayang mahalin.

1.”Kayang pakiligin pero hindi kayang mahalin.”

Minsan kailangan mo ring tanggapin yung mga taong papakiligin kalang. Pero pag nafall kana hindi nila kayang panindigan. Yung mga taong nagpapakita ng motibo na gusto ka nya, na mahal ka nya, papakiligin ka, pagbabawalan ka na parang may relasyon kayo. Pero pag umamin ka, sasabihin sayo wala lang yun. Na hanggang dun lang yun para sa kanya. Hindi naman porket pinapasaya ka, may ibig sabihin na, kahit di naman ikaw ang gusto, kahit di naman interesado sayo, ipapakita nilang importante ka.

2.”Pagod na ako, pero mas pinipili kong lumaban para sayo.”‘

Minsan kahit alam mo namang wala na, malabo na, kahit alam mo namang ikaw nalang yung masaya, ikaw nalang yung nakakapit at yung isa nakabitaw na mas pinipili mo paring manatili kesa maglet go. Umayaw kana. Tao kalang din. Napapagod, nasasaktan, nagsasawa. Tama na! Umayaw kana. Huwag kang magpaloko sa katotohanang nasa harapan mo na. Wag mong pilitin ang taong ayaw sayo!

3.”Nakakapagod ng magpretend.”

Sobra. Magpretend na palage kang masaya? Na Okey kalang? Yung tipong kapag nasa labas ka, sobrang saya mo. Yun yung nakikita ng taong nakapaligid sayo, na hindi nila alam sobrang bigat na nang pinagdadaanan mo. Na kailangan mong maging malakas sa paningin ng ibang tao. Na kahit gustong gusto mo ng umiyak, isigaw at ilabas ang nararamdaman mo, Tatawa at ngingiti ka pa rin. Yung kapag kasama ka nila parang sobrang ok mo. Pero hindi
nila alam na sa likod nang mga ngiti at tawa na yun, lungkot at luha ang kapalit. Pero wag kang mawalan ng pag-asa. Tuloy ang buhay! Malalampasan mo din yan.

Kasalanan

4.”Kapag nalaman mong may iba na, kasalanan mo na kung mamahalin mo pa.”

Tama naman talaga. Pag alam mo nang may mahal nang iba. Move on na agad. Kase habang minamahal mo sya may minamahal na din syang iba. Sinasaktan mo na yung sarili mo, nagmumuka ka pang tanga sa paningin nang ibang tao. Binitawan ka na ng taong minamahal mo, tanggapin mo nalang na yung dating sayo, nasa iba na. May iba na.

5.”Balikan mo ako dahil mahal mo ako, hindi yung babalikan mo ako dahil yun ang gusto mo.”

Huwag na huwag kang babalik sa isang tao kung awa nalang ang nararamdaman mo para sa kanya. Iwanan mo nalang nang tuluyan kesa ipamuka sa kanya na babalik ka kase mahal mo sya, pero ang totoo hindi naman talaga. Saktan mo nalang sya sa katotohanan, Kesa saktan mo sya sa kasinungalingan. Maging totoo ka sa kanya!

6.”Wag kang masyadong umasa, para hindi ka masaktan nang sobra.”

Umasa? Umasa sa wala? Sa totoo lang hindi naman tayo minsan pinapaasa e, ikaw yung nagpapaasa sa sarili mo, ikaw yung nag-eexpect sa mga bagay na nakakasakit sayo. Hindi ka pinapaasa nang isang tao. Hindi ka ginustong saktan nung tao. Ikaw ang nananakit sa sarili mo!

busy

7.”Busy? Hindi lang talaga ikaw ang priority.”

Kung mahal ka talaga ng taong mahal mo, gagawa sya nang paraan para magkaroon ngĀ  Oras at panahon para sayo. Pero kung yung taong minamahal mo ni hindi makapaglaan ng oras para sayo. Baka mali ka ng taong minahal. Kase sa totoo lang sa isang relasyon kahit wala yung mga bulaklak, teddy bear at mga kung ano mang bagay na binibigay mararamdaman mo pa rin na mahalaga ka. Di naman yan ang batayan para masabe mo na mahal ka nang isang tao. Oo. Sabihin nateng nabibigay nya lahat ng mga yan. Pero wala naman siyang oras sayo, Sa tingin mo totoong mahal ka ng taong minahal mo? Diba hindi. Sa relasyon mas importante ang oras nyo sa isa’t isa.

8.”Minsan para sumaya ka, kailangan mong tanggapin ang mga bagay na wala na at hindi na babalik pa.”

Ou naman. Kailangan mo lang ang acceptance para maging okay ka na ulit. Kailangan mo nang tanggapin na wala na. Na hindi na muling maibabalik pa ang mga bagay na tapos na. Mga bagay na nakalipas na. Maging isang aral sayo ang lahat ng pagsubok na nalampasan mo.

9.”Kakayanin ko kahit wala ka.”

Sana lahat ganto. Una sa lahat kaya mo naman talaga e, ayaw mo lang gawin yung tama at nararapat. Huwag mong pilitin na bumalik ang mga taong pinili ng umalis sa buhay mo, kung mas pinili nilang talikuran ka. mas piliin mong mabuhay ng wala sila.

namimiss

10.”Namimiss ko na ang mga dating araw na takot kang mawala ako.”

Kahit sobrang saya at sobrang mahal nyo ang isa’t isa, darating talaga sa puntong mag-aaway kayo, hindi nagkakaintindihan, nagpapataasan nang pride. Yung dapat na tampuhan nyong dalawa e, Mabilis na matapos at masolusyunan, mas pinipili nyo nalang na mapatunayan na tama ka o kaya tama sya kesa mapatunayan nyong mahal ka at mahal ka nya. Yung tampuhan na naging away na hanggang sa magsawa na kayong dalwa. Na yung dateng halos lage mong pinaparamdan na Sya lang na Ikaw lang na KAYONG DALAWA lang ngayon, unti unti mo nang binibitawan. Unti unti mo ng kinakalimutan.