Top 15 Pabili Po Hugot Lines Tagalog


Top 15 Pabili Po Hugot Lines Tagalog


hugot1

Pempem: Pabili po!
Tindera: Ano yon?
Pempem: Band aid po. Yung kayang takpan lahat ng sugat ng nakaraan.


hugot2

Pempem: Pabili po ng bubble gum.
Tindera: Anong klase?
Pempem: Yung hindi lang po sa una lang sweet, yung kahit matagal na ‘di parin nawawala.


hugot3

Pempem: Ate pabili nga po ng camera.
Tindera: Anong klaseng camera?
Pempem: Yung saken lang po naka focus, hindi sa iba.


hugot4

Pempem: Pabili nga po ng cellphone.
Tindera: Anong klaseng cellphone?
Pempem: Yung kusang namamatay kapag nagloloko!


hugot5

Pempem: May energy drink ba kayo?
Tindera: Meron.
Pempem: Pabili nga po, kasi pagod na pagod na ako. pagod na pagon na akong masaktan!


hugot6

Pempem: Pabili nga po ng Electric fan.
Tindera: Anong Electric fan?
Pempem: Yung steady lang at hindi lilingon sa iba.


hugot7

Pempem: Pabili nga po isang kahang yosi.
Tindera: Anong klase bang yosi?
Pempem: Hope. para kahit sa sigarilyo man lang matikman ko yung pag-asa.


hugot8

Pempem: Pabili nga po ng ilaw.
Tindera: Anong klaseng ilaw?
Pempem: Yung sobrang liwanag. Yung makikita niya ang halaga ko.


hugot9
Pempem: Pabili nga po ng jacket.
Tindera: Anong klaseng jacket?
Pempem: Yung makapal po. Para di ko maramdaman kung gaano kalamig yung trato niya sakin.


hugot10

Pempem: Pabili nga po ng kalendaryo.
Tindera: Ano ba hanap mo?
Pempem: Yung walang February 14!


hugot11

Pempem: Ate pabilinga po ng kape.
Tindera: Anong klaseng kape?
Pempem: Yung matapang, yung kaya akong ipaglaban.


hugot12

Pempem: Ate pabili pong mapa!
Tindera: Para san?
Pempem: Para alam ko kung san ako lulugar.


hugot13

Pempem: Ate pabili pong ipit
Tindera: Anong klaseng ipit?
Pempem: Yung hindi bumibitaw agad.


hugot14

Pempem: Ate pabili po ng pain reliever
Tindera: Ilan?
Pempem: Isa lang po. Ako lang naman nasasaktan sa aming dalawa e.


hugot15

Pempem: Pabili po ulit.
Tindera: Pabalik balik ka ata?
Pempem: Oho, gaya ng feelings ko sa kanya, sya lang naman tong di na bumalik!