Top 20 Sad Hugot Quotes 2018 Part 1


Top 20 Sad Hugot Quotes 2018 Part 1

Likas na sa taong nasaktan ang magging bitter, masisisi ba natin sila? masisisi mo ba sya? masisisi mo ba ako ei nasasaktan ako? Narito ang part 1 ng hugot quotes kung saan makakarelate ang katulad kong bigo sa pagibig. Mas mabuti pang idaan sa hugot kesa umasa sa wala sabi nga nila. Pero nakakainis lang talaga nuh yung tipong ikaw nagdurusa tapos siya nageenjoy kasama ang iba. bakit kasi dumating pa sila sa buhay natin kung sasaktan lang nila tayo. Nakakainis lang talaga naku, naku! BTW narito ang top 20 sad hugot quotes na nagmula sa aking duguang puso sana ay magustuhan niyo at patuloy kayong sumubaybay sa mga darating pang next part.

Top 20 Sad Hugot Quotes 2018 Part 1
1. Minahal mo na ng sobra, binigay mo na ang lahat bakit parang di parin sapat?

2. Nasayo nga lahat… Ang tanong, Masaya kaba?

3. Paano ko ipaglalaban pagmamahal ko sayo kung iba naman ang mahal mo.

4. Bakit kaya nalalaman lang natin na mahalaga satin ang isang tao kapag wala na ito?

Top 20 Sad Hugot Quotes 2018 Part 1
5. Buti pa ang cellphone at laptop, namamatay kapag nagloloko. Ei siya hindi lang panloloko ginawa ginagago kana buhay pa rin!

6. Bakit nga ba may mga taong hindi makontento? gayong hindi naman sila maganda at gwapo.

7. Ang masakit na Goodbye ay yung hindi pa naririnig nang tenga mo pero damang-dama na nang puso mo.

8. Minsan hindi ka naman talaga nakakamove-on talagang nasanay ka nalang sa sakit nang pakiramdam na iwan ng taong mahal mo.

9. Yung feeling na you did your Best para mapansin ka niya, pero siya he did his best para saktan ka.

Top 20 Sad Hugot Quotes 2018 Part 1
10. Ang bilis talaga ng panahon nuh kanina lang mahal na mahal ka niya, ngayon may kalandian ng iba.

11. Balang araw maaalala mo ako sa araw na nakalimutan na kita.

12. Hindi na baleng siyang ang bumitaw ang mahalaga wala kang pagkukulang.

13. Ang love parang sigarilyo, bakit pa inembento kung sakit lang ang dulot nito?!

14. Pasukan na pero wala paring papel, Papel sa buhay mo.

Top 20 Sad Hugot Quotes 2018 Part 1
15. Kaya ko panindigan ang salitang IKAW LANG, basta huwag mo lang ako tratuhing WALA LANG.

16. Matuto kang sumuko kapag nasasaktan kana, hindi yung ginagago kana kinikilig kapa.

17. Mahal kita, Mahal mo sya, Mahal ka niya ei. Ei ano ako? kontrabida? ei di kayo na.

18. Yung feeling na inamin mo sa crush mo na crush mo sya, tapos tinawanan kalang niya.

19. Bakit kailangan pa masaktan bago makita si true love?

20. Seryoso ka sa kanya, tapos para sa kanya biro lang pala.

Totoong napakasakit ang masaktan, ang umasa sa wala ang mageffort pero binabalewala, ang ibigay ang lahat pero pakiramdam mo hindi sapat, ang magmahal ng sobra at di magtira sa sarili tapos iiwan. If ako naman talaga tatanungin mas makakabuti pa ang idaan sa hugot lines ei.. kesa aasa ka, papaasahin ka, maniniwala ka, sasaktan ka, iiyak ka, mahal mo parin magmumukha kang tanga. hay naku nakakasawa yung ganon mas ok pang matawag na bitter than masabihang tanga nuh. mas feel ko maging bitter. BTW abangan niyo part 2 natin 🙂 , Pwede ring ilike ang aming FB page para sa update ng part 2. Salamat 🙂