Top Banat Quotes Of The Year


Top Banat Quotes Of The Year

Lahat tayo ay nilikhang may damdamin, pwedeng magmahal, pwedeng masaktan, pwede ring maging masaya at pwede rin namang hindi. May mga taong hindi makaramdam, sasabihin “manhid daw yung crush niya” or yung gusto niya, pero ang totoo niyan alam niya naman na gusto mo siya ei maari lang na, hindi kalang talaga niya gusto or nahihiya siya kasi gusto karin niya kaso “hindi na pwede kasi taken na siya or hindi pa pwede kasi ayaw pa ng parents niya”. Siguro naman hindi mahirap intinhin ang mga ganung bagay diba? Nagkacrush kalang “hindi mo agad kayang mabuhay na wala siya” anu yung joke? At tsaka ang pagjojowa hindi minamadali yan, iniisip din yung wastong edad ng pagjojowa “kung kaya mo na ba buhayin magiging jowa mo” bobo lang magiisip na ang pagjojowa ay malayo sa pagaasawa, Bakit? aba nagtanung kapa! char syempre ganito yun… Bakit mo pa jinowa kung wala kang balak asawahin yan? ano balak mo palipas oras lang? trip lang? Gago kaba? Kakasabi ko lang  diba? “TAYO AY NILIKHA NG DIYOS NA MAY DAMDAMIN” kaya kung  yun lang ang intensyon mo wala kang damdaming hayop ka! oppps (nadala lang nang damdamin sorry na).

Patama lines - Banat na banat na mga hugot - Hugot ni Ate Girl - Top Banat Quotes Of the Year - Banat Lines 2019
Hindi lahat ng nahuhulog sinasalo

– Kapag ba nahulog ang durian sasaluhin mo? char lang, Pero me mga taong ganun, yung madaling mafall, tas pagkatapos mong saluhin lilipat na sa iba nafall na kasi sa iba.. ingat kayo sa mga ganyan.. kayo din masasaktan. mabilis mafall mabilis din maout of love buset! Dapat naiibalik yung death penalty ei… tapos ang pinakapriority na maguguilty sa kasong madedeath penalty ay yung mga taong manloloko.

Kapag umiksi na ang reply nya sa’yo, humahaba na sa iba ‘yan.

– Ahem ahem biktima din ba kayo ng ganito? Ako lagi ei, yung tipong bigla nalang siya mawawala yun pala nagmomoba na, hindi man lang nanginvite ei. Magpaalam naman sana! ay ano na yun! ginagawa akong Madam Auring ei… Hoy Boypren, isipin mo naman muna ako bago gumawa ng kung ano dyan nagaalala kaya ako sayo, baka kung napano kana wala pa ko alam. Baka aksidendeng mafall ka sa iba hindi ko pa alam, pwede ka naman magpaalam, hindi naman ako ganun kaestriktang jowa para hindi ka payagan.

Patama lines - Banat na banat na mga hugot - Hugot ni Ate Girl - Top Banat Quotes Of the Year - Banat Lines 2019
Oo marupok ako pero never kong jinowa ex ng tropa ko

– Yes naman, ex na ng tropa ko yun ei, sinaktan na tropa ko dadamay ko pa ba sarili ko, ayokong masaktan nuh.. isa pa ayokong maging sanhi pa nang pagkasira ng pagkakaibigan namin ang pagpatol ko sa ex niya (what if isipin niyang ako pa nagging reason kung bakit sila naghiwala) ei di nagaway pa kami. Never in my life. Hinding hindi ako papatol sa nagging ex at nagugustuhan ng friends ko, ganun ako kabuting kaibigan. Iniisip ko din kasi yung damdamin ng mga kaibigan ko, tsaka mataas yung expectations ko sa magiging jowa ko hindi ako basta pumapasok sa isang relasyon, hindi lang puso pinapagana ko kasi me utak din ako.

Dito sa Pilipinas kapag katabi mo crush mo inuubo lahat ng kaibigan mo.

– Ahm kaya pala yung mga friends ng classmates ko ei naoobo, may crush pala sakin un si anu… aist ang hirap kasi maging maganda…. paranas naman kahit isang araw lang, ang hirapp kasi kapag araw-araw nakakastress din kung alam niyo lang. Pinoproblema ko nga yung mga damit na binibili sakin dati ni mama sa UK-UK nung nagaaral pako grabe nakakastress talaga lahat ng isuot ko bagay sakin.

Patama lines - Banat na banat na mga hugot - Hugot ni Ate Girl - Top Banat Quotes Of the Year - Banat Lines 2019

Biggest regret? Pinakilala ko sa magulang ko yung maling tao.

– Wala ei tao lang nagkakamali, sabi nga sa pagkakamali dun tayo natututo. Natuto kana gumanda kapa lalo san kapa. Wala ei hindi naman natin naexpect na bobo pala yung pinakilala natin, hindi niya kasi alam na ganun natin sila kamahal, na nakaipon tayo ng lakas ng loob para ipakilala siya sa magulang natin. Nasa second stage na nga siya ng relationship na pinakamalupit, malapit na sa last stage sumuko pa kasalan na sunod nun ei. Wala sorry siya nawalan siya ng pinakaworth it na tao sa earth.

“Wag sana dumating sa point na di na ako na eexcite sa reply mo.”
– Kawalan ng time? kadalasang nagiging dahilan ng hiwalayan. Kaya’t kung gusto mong naeexcite ako sa every chats mo ipadama mo namang mahalaga ako. Hindi yung ako ng ako, nakakapagod din minsan na laging ako yung umuuawa, jinowa mo pa ako babalewalain mo lang pala ako. Wag ganun! kung may gagawin magpaalam hindi ako manghuhula para malaman kung ano ginagawa mo. Matutong pahalagahan ang isang tulad ko, baka ako’y biglang mawala sayo nako magsisisi ka, sabi nga “Nasa huli ang pagsisisi” at syempre ikaw un, kasi “sinayang mo ang isang tulad ko”.

Patama lines - Banat na banat na mga hugot - Hugot ni Ate Girl - Top Banat Quotes Of the Year - Banat Lines 2019

Isang chat lang niya, marupok ka agad. Sarap mong sapakin!
– Yung tipong sinaktan at binalewala kana niya tapos iniwan kana, Nagchat lang asadong asado kana naman? Papaloko ulet? Nagenjoy sa pagiging tanga? (wala ei ganun naman talaga diba? kapag mahal mo? ay mali.. “kapag mahal na mahal mo pala” sige sige.. papalitan na nga.. Ganun talaga kapag mahal na mahal mo, kahit nagmumukang tanga kana sige lang, kahit na binabalewala kana sige lang, kahit niloloko kana sige lang wala ei mahal mo ei.) Ganun talaga nagiging tanga tayo pagdating sa pagmamahal kahit ang talitalino mo na. Wala sa IQ yan, kadami kong kakilalang matalino na pagdating sa jowa or napili nilang parner lugi sila ei. Bakit ko nasabing lugi? ganto lang kasimple, (may trabaho ka, partner mo wala, tambay siya ikaw nagpapakahirap pero wala tayo magagawa kasi mahal natin diba girls? kala naman ng mga boys sila tinutukoy ko, responsibilidad niyo talagang buhayin kami! oo sa panahon ngayon pwede na rin kaming magtrabaho mga babae pero tama ba yun?). Isipin niyo hah, nagtatrabaho kami tapos yung kinikita namin ipapangbabae niyo lang! mga hayop na ito!( ay sorry nadala lang).

Pwede mapagod, pero bawal bumitaw. Ganun dapat.

– Syempre naman nuh! jinowa mo tas igigive up mo lang agad agad? Kapag mahal mo ipaglalaban mo! Pero syempre hindi naman sa lahat ng oras ikaw lang yung lalaban, syempre need mo din siya, kung may problema pagusapan niyo, kung may pagkukulang man siya, sabihin mo sa malambing na pamamaraan syempre kung pagalit baka magsanhi pa lalo ng away. Oo maraming pagsubok na dadaan tulad ni Tukso andyan lang yan laging nakabantay kaya as partner dapat matatag ka dapat FAITHFUL KA din hindi yung nakakita lang ng mas maganda kay jowaers niya palit jowa agad. Yung totoo anong dahilan nang pagkainlove mo kay jowa mo? (dahil maganda at sexy? dahil mukhang masarap?)

Patama lines - Banat na banat na mga hugot - Hugot ni Ate Girl - Top Banat Quotes Of the Year - Banat Lines 2019
Malapit na eleksyon, wag ka mag-alala boto sayo mama ko.

– So ngayon alam mo na kaya wag ka magalala hinding hindi kita kayang sasaktan, ei di nakatusan ako ng mama ko. Ei yung mga iba ngang nagsasabi sa mama kong liligawan daw ako, nabasted na ng mama ko hahaha taken na daw kasi ako, dapat faithful lang daw ako sayo. kasi ikaw daw gusto niya para sakin bukod sa mabait ka DAW, pogi ka DAW, tapos mature kana DAW magisip mukhang kaya mo DAW ako ipaglaban, at parang hindi mo DAW ako sasaktan kaya gusto ka niya para sakin. Kaya bago mo sirain yung tiwala ko make sure na HINDING HINDI MO MASISIRA EXPECTATIONS sayo ng mama ko! Sige ka ipapatugis ka nun sa mga pinsan ko.

Nanghihinayang ako para sayo kasi sinayang moko.

– Sayang kasi eii pinakawalan mo ako una malinisin ako sa bahay, ikalawa me magandang trabaho at may ipon na ako, ikatlo maganda ako, ikaapat sexy din ako at syempre masarap  ako magluto masarap pa ako magmahal. Wala ei nasa huli talaga pagsisisi kaya sorry ka pinakawalan mo ang pinakaworth it na tao sa earth. Sinayang mo ang taong magmamahal sana sayo hanggang sa huling hininga mo, yung taong aalagaan ka SANA kapag me sakit ka, yung taong magbibigay SANA ng sigla sa malungkot mong mundo at syempre yung taong magcocomport at magpapahid SANA nang luha mo kung may problema ka. Diba sayang ako? sorry ka hanggang SANA ka nalang ngayon, mapapasabi ka nalang na “SANA di mo ko inwan”.

“Agawan base” di mo yan alam kase pang aagaw lang ng jowa alam mo.

– Nakakahiya, imbis na ung mga single ang ligawan ang pipiliing landiin yung mga taken na. Ganun naba talaga kakapal ang mukha? Isa tong mga hayp na mga pak ganern nato kaya madaming relasyon nasisira ei, oo ok lang na magcomfort ng mga magjowang may tampuhan. Oo pwede mo syang bigyan ng advice pero ung yayakapin mo kasi umiiyak wag ganun hayaan mong pagusapan nilang magjowa ang problema nila.