Ang pagmamahal ay ang salita na karaniwan na nating napapakinggan pero napakahirap naman matapuan. Madaming nasasaktan dahil may mga bagay na hindi nila naiisip na mahalaga pala para maging masaya ang isang relasyon. Ang pagmamahal ay ang nagkokonekta sa ating mga tao.
“Love is Endless”
Ang pagmamahal ay masasabing walang katapusan. Hinding hindi ito matatapos sa pagitan ng dalawang tao. Kung ang pisikal man nilang kaanyuan ang mawala naroroon pa rin ito sa kanyang puso. Dito papasok yung pagkakaroon niyo ng forever ng karelasyon mo.
“Love is Unselfish”
Ito yung ibibigay mo ang lahat maging masaya lang sya. Hindi mo sya pinagdadamutan. Kung yan man ay material na bagay ay sige lang. Willing kayong dalawa na mag share kung ano man ang meron kayong dalawa na maaring makatulong o makapagpatibay ng inyong pagsasama.
“Love is Loyal”
Ang pagiging matapat mo sa partner mo. Yung hindi kana humahanap ng iba, kahit merong lumalapit dapat ikaw na ang lumalayo para hindi na magkagulo. Mahalaga ito sa magpartner para maging matibay ang pasasamahan.
“Love Cares”
Ang pag aalaga mo sa kanya ang hindi dapat mawala. Dito mo masasibi kung gaano mo kamahal ang isang tao. Iniisip mo sya palagi kung nakakain na ba sya, nakatulog ba sya marami pang iba. Hindi sya nawawala sa iyong isipan at ang kalagayan nya ang inaalala mo.
“Love is a Companion”
Magkakaroon ka ng kasama sa hirap man o sa ginhawa, sa lungkot at saya. Parang sya na ang katuwang mo sa buhay, masasandalan sa anumang problema na dumating sa buhay mo.
“Love is Brave”
Matapang ito sa paraan na gagawin mo ang lahat para protektahan siya. Sisiguraduhin mong nasa maayos siyang kalagayan. Ipagtatanggol mo siya kung merong umaapi sa kanya at hindi hahayaang masaktan siya ng iba tao. Nandyan ka palagi sa kanyang tabi upang siguraduhin ang kanyang kalagayan.
“Love is Commitment”
Ang ilan sa mga halimbawa nito ay yung pagkakaroon ng time mo sa kanya. Kahit simpleng pagbati mo ng Good Morning o Good night ay okay na yun sapagkat nagpapakita lang ito ng pagpapahalaga.Kung LDR o Long Distance Relationships,mas lalong kailangan na hindi mawalan ng komunikasyon sa isa’t isa upang lalong tumibay ang relasyon.
“Love is Happiness”
Love na ang nararamdaman mo kapag masaya tuwing kasama mo siya. Gusto mong siya lang palagi ang kapiling. Ito yung palagi ka lang nakangiti basta masaya ka lang. hindi mo na halos maintindihan ang iyong nararamdaman. Bumibilis ang tibok ng iyong puso na para na ba itong sasabog sa saya.Kahit anong sama na ng araw mo, makita mo lang sya ay nagbabago na agad ang mood mo.
“Love is Acceptance”
Tinatanggap mo kung ano man ang meron sya. Tanggap mo kung ano man ang ugali at ang buong pagkatao nya. mararamdaman mong masaya ka kung merong pagtanggap sa inyong dalawa.
“Love is Trust”
Ang pagtitiwala ay isa sa mga pundasyon kung paano tumibay ang isang relasyon. May tiwala ka sa partner mo at hindi ka naghihinala kung meron syang pupuntahan. Ito rin yung pagkakaroon ng privacy. Kung may tiwala ka bakit ka pa maghihinala.
Maraming sa lahat sa pag bisita sa aming blog site at sana ay may napulot kayong aral mula rito. Kung gusto mo pa ng mga bagong blogs tungkol sa pag-ibig at iba pa, bisitahin mo lang ang http://malungkot.com.