Ang Moving on ay napakahirap gawin, may ten signs para malaman mo na mahal mo pa rin sya, at kailangan pang ipush ang pagmo-move on sa nangyare sa inyo.
1.Inaraw-araw mo na ang pag-visit sa wall niya
aminin mo man at hindi, kapag nag sa-sign in ka sa facebook, wall agad niya ang bibisitahin mo, titingnan mo kung ano ba mga update sa buhay niya ngayon at mostly ang gusto mo talaga malaman kung “MAY BAGO NA BA SYA” *with matching kindat* At aminin mo rin at hindi, madalas mong tinititigan mga ina-upload niyang pictures. Stalker ka bes! At kapag may kasama syang iba sa picture, dyan na umaatake ang pagkabitter mo. Ttsskk! At eto pa, hindi mo pinupusuan mga picture niya baka kase mahalata na ini-stalk mo sya
2. Kapag nababanggit ang pangalan niya, nagiging aggressive ka!
– kung minsan hindi maiwasan ng barkada mo na banggitin ang pangalan ng ex mo, siguro dahil naging part na rin sya ng barkada nung mga panahong kayo pa. Kaya sa tuwing nababanggit ng prends mo ang pangalan niya para kang aso na magaling makatunog. Yung feeling na hindi ka nagiging bingi pagdating sa name niya. Yung tipong kunwari wala kang naririnig pero deep inside, pinapakinggan mo talaga ng mabuti, kung minsan nga magbabago ka ng position yung malapit sa kanila para lalo mong marinig. Hay nakoo! Kung isa to sa signs na nararanasan mo. Hindi ka pa nga nakakamove-on bes!
3. Nagiging bitter ka kapag nalalaman mong may bago siyang kinababaliwan
Nagiging bitter ka kapag nakikita mo syang masaya lalo na sa piling ng iba, yung tipong kung magselos ka akala mo kayo pa rin. Halos siraan mo na sya sa ibang tao, kase deep inside may kinikimkim kang selos. Halos magalit ka rin sa taong kinababaliwan niya kahit wala naman talaga siyang ginagawa sayo. Yung feeling na pinipili mo nalang siyang maging single, dahil ayaw mo na may nagpapasaya sa kanyang iba, selfish mo besh! Kawawa si ex. Whaha. Mahal mo pa nga siya
4. Naco-conscious ka sa tuwing makakasalubong mo sya
Sa sign na to, dito ka talaga mahahalata ng bongga na mahal mo pa rin siya at hindi ka pa nakakamove-on Whahahah. Kung minsan talaga mapapatanong ka sa barkada mo na
“Sa dami ng makakasalubong ko, bakit siya pa”
at sasagutin ka naman ng prangka mong barkada…
“ee ano naman sayo kung makasalubong mo siya”.
Simple lang “HINDI KA PA NGA NAKAKAMOVE-ON BES!”. Yung moment na pinagpawisan ka ng bongga, hindi mo rin alam kung san ka ba dadaan. Hahaha. Tropapits, confirm ulit hindi ka pa nakakamove-on.
5. Delete old pictures
Ewan ko nga ba kung bakit madalas na ayaw ng taong hindi pa nakakamove-on ang makita ang pictures nila ng ex niya. Dito lumalabas ang pagka-bitter mo sa relasyon niyo dati, bakit?? Kase nga affected ka pa tropapits! Yung tipong makita mo lang ang pictures niyo dati, bumabalik lahat ng nangyare sa isipan mo. At madalas nasasaktan ka pa rin, kase fresh pa sayo lahat ng nangyare….
6. Block pa more!
– Madalas ayaw na ayaw ng taong di pa nakakamove-on ang makita ang pagmumuka ng ex niya. Pero, hindi naman makakaila na inlove na inlove sya dati dun, tao nga naman tssk.. Bakit nga ba? Simple lang, kapag nakikita niya ang profile at upload photos ng ex niya, nagfa-flashback lahat ng mga bad memories niyang naranasan sa ex niya. That’s why, affected pa siya! Hindi pa niya nale-let go lahat ng nangyare
7. Umaasa ka pa
– Paminsan sinasadya mong hindi i-block si ex, na mostly ginagawa ng mga hindi pa nakakamove-on. Bakit? Kasssssiiiiii nagpaparinig ka sa mga post mo (huli ka!) Whahaha. Yung mga post mong “I still love you”, “Still waiting”, etc. Then, may kasama pang pray na “Lord, sana mabasa niya”. Para-paraan ka bes, way mo lang yan para maiparating na mahal mo pa sya at deep inside umaasa ka pa rin na maibabalik muli ang relasyong niyong nasira. Kung minsan, kung talagang nasa ugali mo ang magparinig gamit ang social media, mag se-search ka ng mga page na about love then share pa more. Then, aasa ka na lalabas sa news feed niya at mapapagtanto niya na dapat ka ngang balikan. Asa pa bes.
8. Madalas kang naiinis kapag nababanggit ang pangalan niya
– Dito lumalabas ang evil side mo, madalas ka nagagalit at nababadtrip kapag nababanggit ang pangalan niya, kaya pati barkada mo nadadamay sa init ng ulo mo kasi sa hindi sinasadyang pagbanggit ng name ng ex mo, napakababaw! Ttssk. In other words, galit ka pa rin sa kanya hanggang ngayon
9. Yung tipong napapa-smile ka kapag naririnig mo ang theme song niyo dati
– Isa ito sa nagpapatibay ng katagang “HINDI KA PA NGA NAKAKAMOVE-ON”. Nakoo. Yung tipong sumakay ka sa taxi then saktong nagpi-play sa radio yung theme song niyo, hindi mo maiwasan ang kiligin. Nagfa-flash back lahat sa isip mo yung memories niyo. Kaya pati si manong driver nagtataka kung bakit ka nagba-blash. Whaha, mapapangiti ka kapag naaalala mo kung san kayo madalas kumakain, yung mga memories niyo nung first anniversary niyo at naaalala mo pa yung unang beses na pumunta ka sa bahay nila para ipakilala ka sa parents niya. Confirmed! Hindi ka pa nga nakakamove on.
10. Kapag nakikita mo syang “Active now” aasa ka na kakamustahin ka niya
– Umaasa ka pa rin na kakamustahin ka niya kapag nakita mo syang online, aasa ka na magpa-pop up yung messenger mo, then sya yung lalabas.Tsk!! Asa pa. Pero madalas napapaasa ka lang ng mga gantong pagkakataon. Nage-expect ka na kakamustahin ka matapos ang break-up niyo. Then, hahaba ang usapan hangga’t makahanap ka ng timing para sabihing mahal mo pa siya. Tsk!