2018 Top 10 Sad Quotes
Ang buhay natin sa mundong ito ay panandalian lamang, kaya’t gawin natin kung ano ang makakapagpasaya sa atin. Ngunit paano kung ang taong gusto natin ay hindi tayo gusto? Paano kung saktan o lokohin lang tayo? Ganun ba talaga dapat pang masaktan bago matauhan? kailangan masaktan bago magging matatag? Hindi ba pwedeng magging matatag tayo kahit hindi masaktan diba? Bakit karamihan sa atin Tanga pag-dating sa pagmamahal? pero pagdating sa Eskwelahan top 1? May sampung Quotes akong kinalap upang alamin ang kasagutan sa aking katanungan.
Pag pinapaselos mo ang isang tao, hindi mo sya tinutungang marealize na iba na lang mahal ka nya. Kundi tinutulunga mo syang ma-realize na iba na lang mahalin niya.
Karamihan sa atin gustong malaman kung gusto din tayo ng taong mahal natin o crush natin kaya’t kung minsan tayo ay nakakagawa ng mga hakbang upang alamin ang kanilang damdamain. Isa na rito ang pagselosin sya, paano kung hindi effective? so tayo ang masasaktan?Paano nga kung humanap siya ng iba kasi baka isipin niya na hindi mo naman pala siya gusto? Kaya mas mabuti kung think before you act, if lalaki ka ligawan mo nalang hindi yung pagseselosin mo pa, if babae naman sagutin mo na if gusto mo din hindi yung pagseselosin mo pa? paano nga kung isipin niyang hindi mo naman pala siya type? at ibaling nalang niya pagmamahal niya sa iba?
Di naman 24 oras busy ang isang tao. Di naman mawawala ang oras eh! Alam mo kung ano ang nawawala? EFFORT!!!
Sa relasyon ang effort ay isang mahalagang bagay upang ipadama mo yung pagmamahal mo sa kaniya. Minsan kasi magkasama naman kayo pero parang wala lang i hindi manlang makapageffort na ilibre ka, na isurprise ka or else na make you more happier. Karamihan kasi sa babae nageexpect sila lagi na tulad parin kayong mga lalaki noong una. Noong nanliligaw palang kayo may flowers, chocolates at may mga pasabog/surprises. Pero girls alam niyo ba na ang mga lalaki sometimes they are expecting na may something din kayo for them. Syempre magjowa/magasawa naman kayo diba hindi naman siguro masama na magexpect si bf/mister na maygift kayo for them sa monthsary or anniversary niyo? Sa relasyon kasi dapat give and take hindi give and give or take lang ng take.
Hindi kita kailangan kulitin para magreply, kasi kung may halaga ako sayo, ikaw mismo ang magtetext kasi namimiss mo na ako.
Sa panahong magkalayo kayo ng Jowa/asawa mo may mga oras na hinahanap hanap talga natin sila, panahong nais natin silang makasama o makausap. Syempre kailangan pa ba nating itaas pride natin na dapat siya una magtxt kasi siya yung lalaki? Hindi kasi kung miss mo na talaga itxt mo na lalo mo lang siya mamimiss paano kung busy siya sa trabaho/pagaaral niya? kaya hindi siya makatxt? diba pagbreak time niya kung makita niya na may txt mo makakareply agad siya or magiging kalakasan ito sa kanya upang mas pagbutihin niya sa pagtatrabaho/pagaaral.
Minsan kahit ikaw ang nakaschedule, kailangan mo pa rin maghintay, kasi hindi ikaw ang priority.
Sa buhay nating mga tao may mga priorities tayo sa buhay natin, kailangan ba nating magalit sa taong pinapriority ung kanilang pagaaral para future na tatahakin nila, sa mga taong nagtatrabaho para sayo para buhayin ang kanyang pamilya? Diba hindi naman? Bakit tayo magagalit? ei para naman pala sa atin ang kanilang ginagawa? Para mabigyan ka ng magandang bukas, para may makain ka araw-araw. Minsan kasi masyado nalang tayong nagiging oa, nasa trabaho asawa natin/jowa tas iisipin mo nangbababae o nanglalalaki, ei buang ka pala ei nagpakasal ka sa kanya kung wala ka naman pala tiwala or sinagot mo siya hindi mo naman pala pinagkakatiwalaan. If mahal mo pagkatiwalaan mo kasi hindi lang sayo umiikot ang mundo, oo asawa or jowa ka pero hindi ibigsabihin nun hindi na niya pwede gawin yung ibang bagay na gusto niya or resposibility niya sa iba. Example sa parents niya at kapatid niya.
Hindi mawawala sa buhay ng tao ang masaktan. Dahil dyan nagiging matatag ka at natututo ka sa mga bagay bagay.
Ganon ba talaga sa pag-ibig dapat masasaktan muna bago magging matatag? hindi pwedeng magging matatag yung relasyon niyo ng taong pinili mo? ei kasi naman karamihan nililigawan lang kasi maganda in other side sinasagot lang kasi gwapo or mayama. Paano kung may habol lang sayo tas pagnakuha na iiwan ka na? Dapat kasi ang pipiliin nating makakarelasyon yung lalaki o babaeng gusto nating makasama habang buhay hindi ung basta na makapili, basta nalang makipagrelasyon sa kung sino.
Malalaman mo lang na mahalaga ang PISO kapag nagkulang ang PAMASAHE mo. Same as… Malalaman mo lang na MAHALAGA ako sayo kapag wala nako sa BUHAY MO.
Bakit nga ba? bakit kung kailang wala na ang taong mahal mo saka marerealize na sobrang mahal mo siya? na kailangan mo pala siya upang makupleto ka at upang magging masaya ka. Bakit kasi sa huli magsisisi ka na nawala siya, kung hindi mo naman ginawa yung best mo para magstay siya? Kasi kung ginawa mo naman yung best mo tapos iniwan kapa hindi ikaw yung may pagkukulang kundi siya. Kadalasan kasi tayo yung may pagkukulang time, effort like surprises, gifts and dating with her/him kahit sa simpleng pamamasyal lang sa lugar niyo effort na yun diba? yung isungkit mo siya ng buko para maibsan uhaw niya, or ibili siya ng palamig at tinapay simple man pero kapag galing sayo at mahal ka talaga niya hindi niya iyun babalewalain at ipagmamalaki niya pa. Simple lang ang dapat nating matutunan, matoto tayong pahalagahan ang asawa/jowa natin kung ayaw nating dumating yung tume na mawala siya.
Ang sakit ng feeling kapag nireject ka nya. Pero mas masakit kapag paulit-ulit na umaasa ka pa.
May kasabihan ngang “Lahat tayo ay naranasan magging tanga” pero ikaw huwag mo namang araw arawin maawa ka sa sarili mo. Kapag alam mo nang hindi ka niya gusto huwag ka ng umasa bes nagmumuka ka na ngang tanga ipagpapatuloy mo paba? Dapat sa isang pagkakamali natututo na tayo, at bumabangon agad tayo sa ating pagkakadapa. Hindi yung nadapa kana sa harap ng madaming tao magpapakasubsub kapa, diba dapat tumayo ka kaagad kasi nakakahiya? Ipakita mo nalang na deserving ka sa kanyang oo magsikap ka at magsikap ka upang makaangat ka sa buhay. At pagdating ng panahong iyon pagsisisihan niyang nireject ka niya.
Ang LOVE parang sugal. Minsan talo, minsan panalo. Minsan tiba-tiba, misan naman bawi lang. Pero alam mo kung ano ang masakit? Ang makita mong panalo ka na sana, kaso hindi ka tumaya.
Minsan talagang nakakapanghinayang nuh? Yung tipong alam mo na gusto ka niya pero hindi ka gumawa ng hakbang upang maging sayo sya, tapos dumating yung time na gusto mo narin siya, pero may nagmamayari na ng puso niya. Diba sayang yung pagkakataon, lumapit na sayo ang isda hindi mo pa dinampo, hinayaan mo pang mahuli ng iba.
Sabi nila madalas daw masaktan ang mababaet. Tanong ko lang ganun ba ako kabait para SAKTAN ng PAULI-ULIT.
Bakit nga kaya? Bakit kung sino pa yung matitino at seryoso sila yung niloloko? bakit hindi nalang silang mga kapwa manloloko ang maglokohan? Sabi nila wala daw maloloko kung walang magpapaloko, MALI kasi kung walang magloloko walang maloloko hindi ba? isipin mo lahat ng tao seryoso, kontento at matino may maloloko paba? diba wala? Oo maiksi ang buhay at sabi gawin mo na lahat ng makakapagpasaya sayo. Pero hindi naman ibigsabihin maging manloloko kana! masaya ka nga may galit naman sayo sa palagay mo nagging makabuluhan buhay mo? Oo lahat tayo may chance magbago pero hindi ibig sabihin pwede na natin gawin lahat ng masasamang bagay bago natin ihihingi tawad, paalala hindi lahat ng tao tumatanggap ng sorry. At kung sakaling magsosorry man kayo huwag niyo nang ulit pa kasi useless ang sorry kung pauli-ulit naman ang mga mali mong gawa.
Hindi lahat ng nagmomove-on kakabreak lag, Yung iba kakatanggap lang na hindi magiging sila nung taong gusto niya.
Hindi naman masama magassume at mainlove sa crush mo diba? Hindi naman mali na sumuko kung alam mong wala ka talagang chance, maybe you deserve someone na mamahalin ka rin or yung taong deserve din ang iyong pagmamahal. Marami pa namang taong darating sa buhay mo makakabuti rin kung kikilalanin mo muna ng ayos before mo magustuhan, hindi yung nagustuhan mo lang kasi pogi or maganda hindi kasi yun ang basehan ng pagmamahal.
Nagustuhan niyo ba ang 2018 Top 10 Sad Quotes? Kung oo patuloy na bisitahin ang website na ito o kaya naman ay ilike ang aming FB page Malungkot.com Salamat at sana ay patuloy kayong sumubaybay sa mga bago at mainit init pang quotes, saying at advice.