Sa barkada may mga tao talagang hindi napapagkatiwalaan, yung tipo na akala mo mabait, pero kapag nakatalikod ka, ipagkakalat lahat ng tinatago mong sikreto. Kaya wag ka na magtaka kung one day alam na ng ibang tao ang mga sikretong sinabi mo sa kanya. PLASTIK bes!
\
1.Ang taong inggit, pilit kang sisirain, sa anumang paraang kaya niyang gawin
-Kung gusto niya ang bagay na pag-aari mo, lahat gagawin niyan makuha lang to. Isa na dun ang pakikipagplastikan ng talikuran, kapag nakaharap ka. Pakikisamahan ka niyan ng bonggang bongga, ganun talaga. Inggit sayo bes e!
2.Hindi lahat ng kaibigan mo mabait sayo, minsan kapag wala ka, no.1 topic ka nila.
-Shout out sa mga kaibigan mong magaling lang kapag nakaharap ka, pero kapag nakatalikod ka maraming sinasabi. Yung tipong kapag magkakasama kayo kung makisama akala mo napakabuti, painosente bes. Minsan sa mga kaibigan mo, nandyan ang maraming klase ng tao. Nandyan ang taong ang daming tinatagong chismis tungkol sayo. Yung tipo na lahat ng mga sama ng loob nila sayo, sa iba kinukwento, pwede namang sabihin sayo dba? Atleast maayos ang pakikisama. Dahil bilang tao, hindi ka naman perpekto. Kaya hindi maiwasan ang magkamali. Plastikan pa more bes! Dyan ka naman ata batikan e. Hahahaha.
3.Marami na talagang traydor ngayon. Yung tipong kaibigan ka sa harap niya, pero kapag nakatalikod ka, CRUSH KA PALA.
-Kung mayroong nakakakilig na pakikipagplastikan, eto na yun. Yung tipong kaibigan ka sa harap niya, pero kapag nakatalikod ka crush ka na pala. Yieeee. Sinusulit niya yung mga oras na magkasama kayo, and deep inside kilig na kilig sya. Kung papipiliin ako ng iba’t-ibang uri ng makikipagplastikan. Dito na ako. Hahahaha.
4.Ang kaibigan ay parang ibang brand ng gamot, sasabihan mo ng sikreto. Ang tanong, SAFE BA?
-Hindi maiiwasan na kapag may bagay ka talagang sinesekreto, hindi mo maiwasan ang i-share sa mga taong malapit sayo. Specially, sa bestfriend mo. Pero sabi nga nila may iba’t-ibang klase ng tao, kaya hindi ka nakakasigurado sa lahat ng mga nakakasama mo. Kaya sa lahat ng mga sinasabi mo sa kaibigan mo, hindi sure kung safe nga ba. Yung tipong kayo lang ang nakakaalam, pero nag-aalangan ka kung ang tao bang sinabihan mo ay mapagkakatiwalaan ba sa ganung bagay.
5.Mas maganda ng prangkahan kesa sa forever na plastikan
-Kung minsan mas maganda ng pinaprangka mo sya sa masakit na katotohanan, kesa ang makipagplastikan para lang humaba ang samahan, atleast totoo kang kaibigan! Minsan may mga taong nagagalit sa tuwing sinasabihan sila ng kanilang barkada ng mga ayaw nilang marinig na salita, pero mas mabuti sa kanila mo malaman kaysa maging usap-usapan. Magtatagal ang samahan kapag ganyan ang barkada, maniwala ka. Yung tipong hindi uso sa inyo ang salitang plastikan.