Ang saket isipin na yung taong mahal ko noon ay hinde nako mahal ngayon. Ang sarap sigurong balikan
Balikan ang nakaraan, kung saan tayo pa’y nagmamahalan.
Nagmamahalan na halos puro kasiyahan na lang ang ating nararamdaman.
Ang sarap sigurong balikan ang mga alaala natin na puno ng saya,
Saya na halos walang katumbas sa iba
Naaalala mo ba noon? Na tayo’y nagsumpaan. Nagsumpaan na tayo’y magmamahalan, magmamahalan hanggang sa katapusan. Alalahanin mo ang lahat kung san tayo pa ay masaya. Saya na halos araw araw nating nadadama, sa tuwing tayo ay magkasama.
Ang sarap no? Ang sarap balikan ang lahat.
Pero bakit? Bakit bigla ka na lang naglaho, naglaho na parang bula
Dahil ba’y nakahanap kana ng iba?
At sa iyo’y wala nakong halaga
Ang saket, ang saket na bigla mo na lang akong pinagpalit sa iba.
Sa iba na sa akin pa’y tropa.
Nung nalaman ko yon,
Hindi ko alam ang aking magiging reaksyon.
Reaksyon na nagpalalim sa aking emosyon.
Kaya pala bigla kana lang nagdesisyon Desisyon natapusin ang ating relasyon
Dapat ba akong matuwa? O dapat ba akong magluksa?
Ang sakit, ang sakit na pinagpalit moko sa aking tropa.
Hinde ko alam kung kakayanin ko pa
Ang dami naman dyang iba
Pero bakit siya pa, siya pa na aking tropa.
Pero hanggang ngayon, ako parin ay umaasa
Umaasa na mababalik pa.
Baka pwede pa? Yan ang palagi kong nadidinig sa aking isip.
Diko mawari kung ano ba ang dapat kong gawin. Bumalik lahat ng memoryang nakapagpapasaya pa sa akin.
Yung salitang TAYO! Yung tipong lahat ng oras para lang sating dalawa. Yung mga oras na mahal pa natin yung isa’t-isa.
Napaka sakit lang isipin na wala na. Wala na yung mga ikaw at ako.
Antagal. Antagal kong humiwalay sa mga alaalang nabuo. Antagal kong umiyak at nagbakasakaling pwede pa. Nagbakasakaling magiging tayo pa
Na kung pupwede akin kana lang
Akin kana lang ulit.
Kahit masakit, pilit ko pading pinipilit
Kase nga mahal parin kita
Mahal pa rin kita kahit na
Marami ng nag-iba
Kahit na pinagmuka muna akong tanga
Heto parin ako umaasa
Umaasa na mababalik pa
Umaasa na mamahalin mo pa.
Namimiss kona kase sa’yo ang mga ngiting ‘di ako nagsasawang pagmasdan
Ang boses mo na gusto ko lang palaging pakinggan
Ang mga matang di ako napapagod titigan
At higit sa lahat ang mga kamay na kahit kelan ayoko ng bitawan.
PERO HANGGANG KELAN AKO LALABAN??? AT AASANG TAYO’Y MULI AY MAGKAKABALIKAN.
Sige…
Ibinibigay ko na sa iyo ang kalayaan,
Dahil alam kong iyon din ang iyong kagustuhan.
Masakit sa akin na kalimutan ang mga pinagsamahan,
Pero mas masakit ang pakiramdam ng hindi mo pinapahalagahan.
Mas gugustuhin ko pa ang masaktan sa pagbitaw.
Kaysa ang kumapit pa kahit ikaw na ang kusang umaayaw.
Credit by-JOMARI