“Ang Mundo ng Isang Introvert”
Sa panahon ngayon, para bang may malaking problema sa ‘yo kapag nag-iisa ka. Hinahangaan natin ang mga extroverts – yung mga taong alam kung paano i-handle ang sarili nila sa gitna ng maraming tao, yung mga taong sobrang lawak ng network ng mga kaibigan. Iniisip natin na ang pagtatrabaho ng magkakasama o ng may team ang tanging paraan para mahanap ang sagot sa mga problema. Na mas mabuti ang dalawang utak na gumagana kaysa sa isa lang. Na ang pagtutulungan ang tanging paraan para sa hinaharap.
Pero ang totoo, halos kalahati ng mundo ang hindi sumasang-ayon dito. Hindi ganoon ang nararamdaman ko. Minsan, the rhetoric gets so loud na hindi ko na alam kung anong mali sa akin kapag ayaw kong magpunta sa mga kasiyahan, o magtrabaho sa malalaking mga grupo, o maging sentro ng atensyon.
Nakikita kong lumalabas ang mga kaibigan ko at naiisip ko kung ano bang problema ko dahil ayoko kong sumama sa kanila at magtigil na lang sa loob ng bahay. Nakikita ko silang nagtutulungan sa mga business projects, at naiisip ko kung mayroon bang mali sa akin dahil mas pinipili kong magtrabaho ng mag-isa.
Pero walang mali sa akin, introvert lang talaga ako. At ayon sa mga statistics, mayroong 50% chance na introvert ka rin.
Kung introvert ka, welcome to the club. Wala nga lang mga meeting dahil mas gusto nating mapag-isa, pero kahit papaano, matuwa ka na alam mong hindi ka nag-iisa sa nararamdaman mo.
Para sa akin, ang pagiging introvert ay hindi nangangahulugan na hindi ako nag-eenjoy lumabas kasama ang mga kaibigan o maging sentro ng atensyon kung minsan. Ibig lang sabihin nito ay hindi ko doon nakikita yung kahulugan ng buhay ko.
Kapag kasama ako sa isang team, huwag mo kong aasahan na sumama sa pagbi-brainstorm – hindi ako makakaisip ng bagay na magagamit natin. Pero kung hahayaan mo akong mag-isip ng mag-isa, baka magulat ka sa kung anong kaya kong gawin.
Kung gusto mo akong lumabas kasama ka at ang mga kaibigan mo, imbitahan mo ako sa isang lugar na tahimik kung saan makakapag-usap tayo. Mas nagkakaroon ng kahulugan ang pakikipag-ugnayan ko kung mas makikilala kita kaysa kung nakakasama lang kita.
Kung extrovert ka, wag mong isipin na wala kang makukuha dito. Katulad ng pag-eenjoy ko kasama ang isang malaking grupo, maaari mo ding ma-enjoy ang sarili mo… kahit nag-iisa ka. Napakalaki ng makukuha mo sa pag-iisa. At ang pag-handle ng maayos dito ay isang napaka-gandang bagay.
Isa itong napaka-useful na kaalaman. Hindi mo kasi laging makokontrol kung kailan may tao na laging nandyan para sa’yo, kaya naman ang pagiging masaya kahit na mag-isa ka ay napaka-importanteng bahagi ng buhay.
“13 Patakaran sa Pag-iisa at Pagiging Masaya Dito”
“Kailangan mong maunawaan na sapat ka na kahit mag-isa ka”
Napakahalaga mo bilang isang tao, at hindi mo na kailangan ang pagsang-ayon ng ibang tao paralang mapatunayan yun. Kapag nag-iisa ka, paalalahanan mo ang sarili mo na pinili mong mapag-isa. Choice na kasi talaga yun e.
Napakadaling maghanap ng isang taong makakasama, pero kung masyadong mataas ang standards mo para sa mga taong gusto mong makasama, parang sinabi mo na rin sa sarili mo na mas mabuti pang nag-iisa ka kaysa makasama ang isang taong hindi naman nababagay sa iyo.
“Gumawa ka ng isang bagay na imposibleng gawin”
Kapag may mga katulong ka sa pag-gawa ng isang bagay, napakalaki ng pressure na kailangan mong sumunod sa mga ginagawa nila. Kailangan mong isipin lagi ang mga kasama mo at gumawa ng kompromiso para maging katanggap tanggap sa iba ang kalalabasan ng ginawa ninyo.
Sa palagay ko, napakasamang paraan nito para gawin ang isang napakaimportante at napakahalagang bagay sa iyo.
Kapag nag-iisa ka, may kalayaan kang pumili ng bagay na gusto mong gawin sa buhay mo. May karapatan ka na maging selfish at hindi makipagkompromiso sa iba sa kung anong gagawin mo at kung paano mo ito gagawin.
Samantalahin mo ang kalayaang ito! Isang mahalagang bahagi ng buhay ang paggawa ng mga bagay na kung titingnan mo ay imposible at impraktikal. Gumawa ka ng isang bagay na hindi mo pa nagagawa. Simulan mo ang isang bagay na hindi mo alam kung paano tatapusin.
Isipin mo yung pinakamahirap na bagay na gusto mong gawin noon pa, at gumawa ng maliit na hakbang para tuparin ito.
Kung natatakot ka, intindihin mo na hindi naman kailangang ilaan mo ang buong buhay mo para dito. Maglaan ka lang ng maliit na parte para dito. Sa sa maliit na parte na yun, huwag na huwag mong hahayaang ang opinyon at payo ng ibang tao ang magdikta kung paano mo gawin ang isang bagay.
Ito ay isang bagay na gagawin mo ng mag-isa, at gagawin mo ito ng para lang sa sarili mo.
“Ipikit mo mo ang mga mata mo sa isang madilim na kuwarto at pahalagahan mo ang katahimikan”
Ang mundo ay isang lugar na nakapabusy, kung hindi ka maglalaan ng oras para layuan ito paminsan-minsan, napakadaling malimutan kung gaano kasaya yung mauupo ka lang mag-isa habang nag-eenjoy ka kasama ang sarili mo.
Maglaan ka ng oras para umupo ng tahimik sa isang kwarto. Pakinggan mo ang lahat ng nangyayari sa paligid mo. Marami kang matututonan tungkol sa sarili mo kapag hindi ka masyading abala – yung mga oras na walang kahit na anong pwedeng gumulo sa mga iniisip at nararamdaman mo na tinatanggihan mo sa mga pagkakataon na busy ka.
“Pag-aralan mong kausapin ang sarili mo”
Napakanormal lang daw na makipag usap sa sarili natin, ang sabi ng ibang tao; masasabi lang na baliw ka kung sasagotin mo pabalik.
Bawat tao ay mayroong “inner voice” na maririnig nating nakikipag-usap sa atin sa lahat ng oras, at ang pagkilala sa inner voice na yun at malaman kung paano makipagusap dito ang isa sa mga pinaka-importanteng bagay na magagawa mo para sa sarili mo.
Kung makikipag-usap ka sa ibang tao, napakadaling hindi pansinin ang boses na ‘to, pero kapag nag-iisa ka na, ito lang ang magiging kasama mo. This voice rubs off on you. Ikaw yun eh. Ang paraan ng pakikipag-usap mo sa sarili mo kapag walang ibang tao sa paligid mo ang maghuhugis sa kung ano ka sa mundong ito, more than anything else.
Katulad ng paglayo mo sa mga negatibong kaibigan mo na pwedeng magpabagsak sa’yo, ganun din kaimportante na layuan mo ang mga negatibong bagay na sinasabi ng inner voice mo.
Kapag nag-iisa ka, napakahirap na magkaroon ng positive outlook kung minsan, pero dapat maging mabuti ka sa sarili mo.
“Pahalagahan mo ang opinyon ng iba, pero mas pahalagahan mo ang sarili mong opinyon”
Huwag kang mang-hingi ng advice unless kailangan mo talaga nito. Sa halip, humingi ka ng payo sa sarili. Kung alam mo ang sagot sa problema mo, ano ang magiging sagot mo?
That’s your answer. Kung mas marami kang oras na nagugol sa paghingi ng advice sa sarili, mas kaunting oras ang kakailanganin mo para humingi ng opinyon mula sa iba. Kapag nagtiwala ka sa sarili mo para lutasin ang mga problema mo, nagiging mas malakas at confident ka, at makakaya mong harapin ang mga problema na inakala mong hindi mo kayang ayusin dati.
“I-volunteer mo ang oras mo”
Kung nagiging ermitanyo ka nasa tuwing nag-iisa ka, maghanap ka ng ibang tao na kahit kasama mo sila ay pwede ka pa ring mapag-isa. Isang paraan para magawa ito – at para na din makapag-ambag ka ng mabuti sa mundo – ay ang paglalaan ng oras mo sa isang dahilan (cause) na pinaniniwalaan mo.
Hindi naman nangangahulugan ng pagiging mag-isa at masaya ay ilalayo mo na ang sarili mo sa mundo. Ibig sabihin nito ay ang pagiging confident na alam mong kaya mong palibutan ang sarili mo ng mga tao, pero hindi mo dinidepende sa kanila ang kasiyahan mo.
Ang isang magandang paraan para makapag-umpisa ka ay ang palibutan ang sarili mo ng mga mabubuting tao – yung mga taong makikita mo kapag binigay mo ang oras mo sa isang dahilan (cause) na importante sa’yo.
“Pahalagahan ang bawat ugnayan”
Karamihan sa mga tao ay nakararanas ng pagkabigo bagonila maintindihan na napakaiksi lang ng oras natin. Mayroon ka lang ilang maiiksing byahe around the sun, then poof; wala na, tapos na.
Napakaimportante at napakaganda na magkaroon ka ng oras para sa sarili mo. Pero ganoon din naman ang paggugol ng oras kasama ang iba.
Walang taong nakakainip. At wala ding sitwasyon na nakakainip. Kung mainip ka man, yun ay dahil wala ka sa focus at nasa ibang bagay ang atensyon mo. Nasa ‘yo na ang problema kung ganito at hindi sa paligid mo.
Bigyan mo ng interes ang bawat taong pumapasok sa buhay mo, kahit isang segundo lang. Pakinggan mong mabuti ang mga sinasabi nila. Tingnan mong mabuti ang ginagawa nila. Pilitin mong intindihin sila bilang isang tao. at siguradong mas magiging mabuti ka.
“Baguhin mo ang ayos ng mga gamit mo”
Kapag nag-iisa ka, napakadaling maging monotone ng buhay mo, mabilis kang mahuhulog sa isang pattern ng pamumuhay. Madaling titigil ang pag-ikot ng mundo mo at magkakaroon ka ng pakiramdam na wala man lang nagbabago sa buhay mo. At kapag nag-iisa ka, wala talagang magbabago sa paligid mo kung hindi ka magkukusa na baguhin ito.
Ang problema lang ay napakahirap ng pagbabagong may kabuluhan, at kung ang isang bagay ay napakahirap, napakahirap din nitong simulan. Para mapanatili mong gumagalaw ang mga bagay-bagay sa paligid mo, kailangan mo silang panatilihing bago. At para mapanatili mong bago, mabuti mong tingnan ang mga maliliit na tagumpay na pwedeng mag-lead sa malalaki.
Ang pagbabago ng ayos sa mga kagamitan mo ay walang kabuluhan kung titingnan, pero pwede itong magdala ng bagong buhay sa nakakabagot na routine, na napakadali kang mabibiktima kung lagi kang nagiisa.
“Matuto kang mag-observe”
Matagal na akong naniniwala na kung hindi ka nagkaka-interes sa isang bagay, mas marami pang ibig sabihin ito kaysa sa mga bagay na wala ka talagang interes.
Para mas ma-enjoy mo ang pag-iisa, matuto kang tumingin sa mga pangkaraniwang sitwasyon ng may mas bago at kakaibang paraan. Subukan mong magpunta sa isang parke at panoorin ang mga taong nakikipaglaro sa mga anak nila o sa mga alaga nilang aso. Magpunta ka sa mga tindahan at pagmasdan mong mabuti kung paano mamili ng grocery ang mga tao.
Kahit saan ka pa magpunta, sikapin mong intindihin ang ibang tao sa paligid mo. Ang pagkakaroon ng kaalaman kung paano gumawa ng isang bagay ang mga tao kapag inaakala nila na walang nakakakita sa kanila ay maaaring maging dahilan para maramdaman mong mas connected ka sa kanila.
“Umiwas ka sa paggamit sa utak mo sa mga walang kabuluhang bagay”
Kapag nag-iisa ka, mayroonkang pambihirang pagkakataon na pag-isipang mabuti ang mga bagay tungkol sa buhay mo at kung saang direksyon mo ito gustong dalhin. Sa isang mundo na madalas mapuno ng ingay, ay binigyan ka ng katahimikan. Ito ang oras para pagtibayin mo ulit ang landas na tinatahak ng buhay mo.
Masaya ka ba at fulfilled? Dapat mo bang ipagpatuloy ang mga ginagawa mo? O, pakiramdam mo ba ay hindi pa sapat? May mga dapat ka pa bang baguhin?
Maaari mong masagot ang mga tanong na ito kung sasamantalahin mo ang katahimikang ito. Kung, sa halip, ay pinupuno mo ang oras mo ng mga libangan na walang kabuluhan – TV, movies, pag-iinternet ng kung anu-ano lang – magiging napakahirap sa’yo na sagutin ang mga tanong na ito. Hinding hindi ka magkakaroon ng sapat na atensyon para maghanap ng isang malinaw na sagot.
“Gumawa, gumawa, gumawa”
Ang pag-gawa ay isa sa mga napakaimportanteng bagay na pwede mong gawin sa buhay mo. Ang pag-gawa sa gitna ng mga taong (o kahit isang tao lang) na humihingi ng atensyon mo ay isa sa mga bagay na napakahirap gawin sa buhay.
Kapag nag-iisa ka, ang kaisa-isang bagay na pumipigil sa’yo sa paglikha ng isang sining, ng isang gawa, na kayang kaya mong gawin, ay ang sarili mo. Kailangan mawala lahat ng mga excuses mo. Kapag nag-iisa ka, maaari mong makalimutan ang sarili mo dahil sa ginagawa mo. At kapag nangyari ito, makakaasa ka na gumagawa ka ng isang bagay na talagang napaka-meaningful.
May choice ka naman na huwag pansinin ang tawag na ‘to, sa halip, maghanap ka ng isang panandaliang ginhawa sa mga bagay at tao na sa huli ay iiwanan kang unfulfilled. Dapat mong samantalahin mo ang kalungkutan mo.
“Gumawa ka ng plano para sa hinaharap, at pagsikapan mo kaagad na makuha ito”
Halos napaka-imposibleng makaramdam ng maganda tungkol sa buhay mo kung wala kang kahit na anong plano para dito. Kapag may nakikilala ka, napakadaling makita kung masaya ba sila at may pinanghahawakan na sa buhay, o kung nakikisabay lang ba sila sa agos ng buhay, naghahanap ng isang bagay para i-pursue.
Hindi naman kailangang kumplikado o napaka-importante ang maging layunin ng buhay mo, hindi din nito kailangang maging sobrang laki, kailangan lang ay magkaroon ka. At kapag nandoon na, napakadali ng magkaroon ng plano ng mga bagay na alam mong kaya mong gawin.
Gawin mo kaagad ang mga plano mo. Huwag mo ng ipag-paliban. Huwag ka ng maghintay ng isang perpektong pagkakataon dahil hindi ‘yun dumadating, at kung mas matagal kang maghihintay, mas mahihirapan kang magsimula.
Siguro gusto mong mag-libot sa buong mundo at maintindihan ang iba’t ibang mga kultura sa mga lugar na pupuntahan mo. Siguro gusto mong magkaroon ng isang napalaking koleksyon. Hindi na mahalaga kung anuman yun – pumili ka ng isang bagay na ikinatutuwa mo at yun ang gawin mo.
Kapag ginawa mo ito, dalawang bagay ang mangyayari. Una, magkakaroon ka ng tiwala sa sarili mo dahil nakikita mong kaya mong mabuhay sa paraan na gusto mo. At pangalawa, ang tiwala mong ito sa sarili ay maaaring maghatid ng mga bago at interesanteng tao sa buhay mo.
Napakaganda na mabuhay ng nag-iisa, pero kung gusto mo na magdagdag ng mga tao sa buhay mo, ang paghahanap ng dahilan kung bakit ka nabubuhay ang pinakamadaling paraan para gawin ito.
“Manood ka ng movie ng mag-isa”
Masanay kang gawin ng mag-isa ang mga bagay na sinasabi ng iba ay ginagawa lang ng may kasama. Manood ka ng isang movie ng nag-iisa ka at mag-enjoy ka. I-date mo ang sarili mo at tratuhin mo ng aganda ang sarili mo.
Magiging awkward ito sa umpisa. Kung nasanay ka na lumabas ng may kasama, mag-iisip kung ano ba ang dapat mong gawin ng sarili mo kapag nag-iisa ka. Huwag mong iwasan ang pagkabalisa mo.
Maraming salamat sa laging pagbisita at pagtangkilik sa aming BlogSite! Sana na gustohan nyo! Gusto nyo pa ba ng maraming Quotes and Sayings na talagang magpapangiti sa inyo? Kung ganun laging subaybayan ang aming Blogsite Dahil ngayon araw-araw na kaming magpopost! Dahil sa inyong suporta! Thanks!