Para sa mga taong patuloy umaasa sa mga taong binibigyan ng halaga, pero sa huli binabaliwala lang sila.
Kaya makakalaya kana
Mahal, noong pinapili kita babae mo o ako? Naalala mo ba na tinalikuran at iniwan mo akong mag-isa, alam mo ba na sobra akong nasaktan dun, pero inintindi kita kasi mahal pa kita. Nag pakaabala ako sa trabaho ko noon, pinabayaan sarili para sa eksena na yon, para hindi masakit kapag naaalala ko ang mga bagay na iyon, mahal alam mo ba sa tuwing kinakamusta kita kapakanan mo lang ang lagi kung inaalala, isang araw nagchat ka sa akin ang sabi mo “I love you babe, galit ka pa rin ba?” nireplayn kita ng “I love you too mahal, hindi ko magagawang magalit sayo kasi mahal kita” kahit alam kong hindi para sa akin iyon, ang sakit-sakit na tiniis ko yun ng sobra hindi ako nakinig sa iba, kahit ang kapalit nito ay unti-unting kong pagkawala, gusto ko lang naman sumaya kasama ka pero noong nakita kitang kasama sya ang saya-saya nyo pala, ako yung nagiging kontrabida sa inyong dalawa. Tinalikuran ko kayong dalawa kahit alam kong hindi mo ako nakita, kinagabihan chinat kita sinabi ko sayo na gusto kita makita mamayang gabi sa dating tagpuan may sasabihin ako sayong importante ngunit binaliwala mo iyon hinintay kita ng ilang oras pero walang dumating hanggang sa nanlabo na ang aking mata kasabay noon ang paninikip ng aking dibdib, mahal gusto ko lang naman magpaalam ng maayos dahil ito na yung huling araw na makakasama kita dahil sa mga panahon na iyon, oras na lang ang binibilang ko para makasama ka hanggang sa malagutan na ako ng hininga ngunit wala pa rin akong napala.