“WALANG KAHIT SINO ANG NANALO SA LABAN NA PINILI NA LANG SUMUKO”
Alam ko isa ka sa nakakaranas nito. Yung tipong ang dami mong alinlangan, alalahanin at isipin yung tipong hindi mo alam kung san magsisimula at kung paano tatapusin yung battle na meron ka sa buhay!
Ako nga pala si Jasmine, 21 years old. This pandemic eto yung pinakang malala na battle sakin ng anxiety sobrang dami alinlangan, alalahanin, at isipin. Na ang daming tanong na tumatakbo sa isipan ko na kaya ko pa ba? Kasi nahihirapan na ko napapagod na ko, higit sa lahat hindi ko na kaya at gusto ko na lang sukuan ang lahat! Kasi hindi na ko tinantanan yung tipong kahit pahinga wala, ipipikit ko palang ang aking mga mata hindi ko na kinakaya maraming bakit, paano, takot at pangamba ang meron ako sa sitwasyon na yon. Yung tipong pati nga sarili ko kalaban ko na. Grabe lang kasi sa lahat ng ‘yon patuloy pa rin ako pinapatatag, patuloy na lumalaban at hindi pinilit sumuko.
LAHAT NG BATTLES MAY KATAPUSAN, HINDI MINAMADALI YAN KAILANGAN MO PARING IPROCESS ANG LAHAT. SA LAHAT NG LABAN KAILANGAN MO MUNANG PAG-ISIPAN BAGO KA SUMABAK. AND ALSO PRAY LANG SA LORD WALA NAMANG MAWAWALA KUNG IPAGKAKATIWALA MO YAN SA LORD! PWEDE MONG IIYAK YAN SA KANYA LAHAT SOLID YUN AT NAKAKAGAAN YON SA PAKIRAMDAM KESA KIMKIMIN! Enjoy Reading! Godbless J