Bakit Nga Ba Ayaw Niya Na?
Sa pag-ibig hindi laging masaya, tulad ng teleserye na laging happy ending mas madalas pa nga yung hiwalayan eh kesa happy ending. Puro hinanakit nalang ang laging dinaranas bago matagpuan ang tunay na pag-ibig? Ganun ba talaga kailangan maranasan munang masaktan, maiwan bago makita yung taong handang ibalik ang pagmamahal na binibigay mo?
1 Kasi wala kang oras sa kanya
-Sino nga ba naman ang tatagal sa taong wala namang panahon para sayo? Paano niya mapapatunayang mahal ka niya kung lalapit lang siya tuwing may kailangan siya? Eh anu tawag dun, pagmamahal ba yun, o kelangan kalang niya dahil kaya mo ibigay mga pangangailangan niya? Sino ba naman ang gugustuhing manatili sa ganitong sitwasyon? Diba wala, opps meron pala yung mga taong sobrang nabulag na ng pagmamahal nila. Hindi nila nakikitang pineperahan lang sila, ginagawa lang silang palipas oras at madami pang ibang nakakainis talaga, ginawa mo na lahat para sa kanila yun pala hindi ka talaga mahal. Ang sakit diba, anung gugustuhin mo pa bang manatili kahit ang sakit sakit na o isuko nalang pagmamahal mo sa kanya?
2 Kasi hindi niya madamang mahal mo siya
-May mga panahong isusuko na lang natin ang isang bagay kasi hindi na natin maramdamang mahal nila tayo. Meron din namang sila ang may kasalanan paano ba nila madadamang mahal natin sila kung may iba silang mahal o pinagkakaabalahan, diba? Tapos ang masama pa nito papalabasin nilang tayo yung mali gayong sila yung nakasakit sila ang humanap ng iba, sila yung nagloko, sila pa yung may ganang magalit! Ang sarap ibaon ng patayo sa lupa ei.
3 Kasi hindi siya yung priority mo
-Ok lang naman siguro kung hindi siya yung maging priority mo sa ngayon(bf/gf) kasi may pamilya ka pa na dapat tulungan at trabaho o pagaaral na dapat mong asikasuhin. Kung mahal ka talaga niya magtitiwala siya sayo at siya din ay gagawa mismo ng paraan upang magkaoras kayo sa isa’t isa. Dapat kasi mageffort kayo pareho hindi yung isa lang ang mageeffort.
4 Kasi hindi ka na niya mahal
-Bakit ba may mga taong nagagawa pa tayong iwan kahit na ginagawa natin yung lahat para sa kanila, ang oras, ang pagmamahal, pagpapahalagang hinahanap-hanap ng iba. Bakit ba tumitibok ang puso natin sa maling tao? Bakit kailangan pang masaktan bago makita yung taong para sayo talaga? Ang unfair diba? Nagmahal ka ng sobra tapos sasaktan kalang para saan yung best mo? Para balewalain ng iba? Kung hindi ka niya mahal diba sana di ka niya niligawan o hindi ka niya sinagot.
5 Kasi ayaw ng magulang niya sa iyo
-Kung ayaw naman sa atin ng magulang ng taong mahal natin meron lang tayong dalawang choice ang isuko siya o ang ipaglaban ang pagmamahal mo sa kaniya. Ngunit paano nga ba natin ilalaban ang taong hindi tayo kayang ipaglaban kasi takot sa magulang niya? Diba wala tayong choice kundi iiyak ang sakit ng maiwan, o maghintay tayo ng tamang pagkakataon kung saan maipapakita natin sa magulang niya na may maipagmamalaki tayo hindi lang ang pagmamahal natin sa kanilang anak, kundi ang propesyon na ating nakamit.
6 Kasi hindi niya gusto ugali mo
-May mga taong ayaw ng taong masyadong seloso/ selosa, tampuhin at iba pang negatibong paguugaling meron tayo, hindi nila kayang tangapin kung ano tayo. Paano nila masasabing mahal nila tayo kung hindi nila tayo kayang mahalin kung ano tayo. Diba lahat naman tayo may mga kahinaan karumihan at paguugaling hindi kaaya aya, ngunit kung mahal talaga natin ang isang tao lahat ng ito tatanggapin natin sabi nga ni John Lloyd kay Bea Alonzo sa isa nilang teleserye “Mahal kita maging sino ka man”. Dapat matutununan nating tanggapin ang mga ito dahil mahal natin sila. Pwede rin namang sabihin mo sa kanyang ayaw mo na ganun siya diba? Ng siya ang makapagadjust para sayo hindi yung iiwanan nalang basta, oo masakit sainyo na iwan ang taong mahal niyo ngunit hindi niyo ba alam na mas masakit ito sa kanila dahil hindi niyo sila kayang tanggapin magging sino man sila?
7 Kasi hindi kayo bagay
-Marami ring pagkakataon na ito ang issue sa paghihiwalay ng dalawang taong nagmamahalan, kasi sabi ng iba hindi kayo bagay mataba siya payat ka, pogi siya pangit ka, at higit sa lahat langit siya lupa ka. Ganun ba talaga sa pagmamahal ba kelangan me sukatan, kelangan ba na ang maganda para lang sa gwapo at ang mayaman para sa mayaman lang? Kung yang ang basehan niyo ng pagmamahal kayo man ay hindi marunong magmahal. Paano mo masasabing marunong kang magmahal kung gumagamit ka ng timbangan? Kailangan ba laging magsakripisyo ang dalawang taong nagmamahalan dahil sa pambubully ng iba? Kailangan bang masaktan sila dahil sa paningin ng iba hindi sila bagay magkasama? Kayo na ang humusga at kayo mismo sa sarili niyo ang makakaalam kung anung klase kayong tao.
8 Hindi siya seryoso sayo
-Bakit nga ba nililigawan kapa kung lolokohin kalang naman o bakit kaba sinasagot kung hindi ka naman seseryosohin? Ano- ano ang kanilang kadahilanan, magparami ng nagging bf/gf o naeenjoy lang nilang manloko ng ibang tao? Kung hindi seseryosohin wag na paasahin upang hindi na makasakit ng damdamin ng iba.
9 Hindi ka niya pinapahalagahan
-May mga taong hindi nila pa alam ang kahalagahan ng taong karelasyon nila, kaya’t hindi nila nagagawang ipadama sa mga ito ang pagmamahal na hinahanap-hanap nito. Darating ang araw na susuko ang taong nagmamahal sayo ng sobra, tapos anu? Ngayon ka maghahabol gayong ayaw na niya? Ganun naman kasi talaga kung kelang huli na ang lahat tsaka pa natin marerealize na mahal natin ang isang tao. Hihintayin pa ba nating iwan tayo ng taong mahal natin, bago natin ipadamang mahal natin sila?
10 Sobrang seloso/selosa
-Ang pagiging sobrang seloso o selosa ay isa sa nagiging dahilan ng hiwalayan, sapagkat ito ay nahahantong sa away. SELOS=AWAY at AWAY=HIWALAYAN yan naman kasi lagi kinalalabasan ei. Hindi kasi lahat ng lalaki o babae kinakain pride nila para sa taong mahal nila ung iba madaling sumuko. Kasi nga TRUST=LOVE hindi ba nating kaya pagkatiwalaan ang taong mahal natin? Paano natin masasabing mahal natin kung maya’t maya tayo magselos?
Salamat muli sa pagbisita sa aming blog site, nawa ay nagustuhan niyo ang topic na ating tinalakay. Bisitahin lang lagi ang aming blog site para sa mga updates Salamat 🙂