Ilang beses na nga ba tayong nabigo sa pag – ibig? Tuwing magmamahal tayo, lagi na lang nating napipili yung mga maling tao. Maling tao sa maling oras at maling panahon. Sabi nga sa kanta ng Siakol, “Tao ba ako, Inay?” (may nakakarelate ba d’yan?) Sa mga katulad natin na lagi na lang iniiwan ng mga mahal natin, hindi nawawala sa atin ang itanong sa ating sarili kung ano nga ba ang problema at lagi na lang tayong nasasaktan at iniiwan.
Hindi lahat ng hindi naniniwala, walang tiwala. Minsan ayaw lang nilang umasa.
Sa dinami – dami ba naman ng mga pangakong napako, at mga moments na drawing sa tubig, paano pa ba tayo maniniwala? Hindi naman kasi mahirap magtiwala e, ang mahirap e yung aasa ka sa isang bagay pagkatapos e masisira lang yung tiwala mo dahil hindi nangyari yung inaasahan mo.
Hindi na baleng siya ang bumitaw. Ang importante, alam mong wala kang pagkukulang.
Yung feeling na, ginawa mo na lahat para sa kanya. Binigay mo na lahat ng p’wede mong ibigay, pero sa huli, iniwan ka pa din. At ang masakit pa, hindi man lang s’ya nagbigay ng kahit anong paliwanag kung bakit. Kaya ayan, Aegis ang dramahan at tipong “Basang – basa sa ulan.”
Minsan, mahirap din pala ang magpahalaga sa isang tao. ‘Yung tipong lagi kang nandyan para sa kanya, kasama sa gitna ng gyera, karamay sa problema. Tapos 1 araw, magigising ka na lang… iniwan ka rin pala!!!
Andami naman kasing mga paasa sa mundo e, ‘di ba? Bakit ba kasi andaming ganun ngayon? Kunyari concern na concern sa’yo, lagi ka pang sasamahan pag may problema ka. Tapos kapag nakakita ng mas maganda o mas guwapo kaysa sa’yo, ayun, bigla na lang mawawala. Buti pa nga yung bula ng sabon, nakikita mong mawala, e sila? Nasaan?
Hindi lahat ng minamahal dapat ipaglaban, at hindi lahat ng nagmamahal sa’yo, dapat mong saktan.
Sa dinami – daming beses na nagmahal tayo, siguro naman naranasan na din natin silang ipaglaban di ba? Pero bakit nga kaya, kung sino pa yung pinaglaban natin, sila pa yung nananakit sa atin? At kung sino pa yung hindi natin inaasahan, sila pa pala yung totoong nagmamahal at nasasaktan para sa atin. Hindi nga lang natin nakikita dahil sa ibang tao tayo nakatingin.
Mahal kita pero mahal mo sya! seryoso ako, sabi mo seryoso din sya! Pero bakit nakita ko sya, may kasamang iba?
Hindi naman talaga nawawala sa buhay natin ang karma. Minahal ka na, pinaasa mo pa. kaya sa bandang huli hindi lang ikaw ang nang – iwan. Pati ikaw mismo, iniwanan din. Kaya isipin munang mabuti kung tama ba yung taong pipiliin mo. Huwag mo ng hintaying magsisisi ka sa bandang huli.
Hindi lahat ng sumusuko ay mahina at talunan. May mga bagay at tao lang talaga na dapat ng sukuan para hindi ka na masaktan.
Minsan, dumadating talaga sa buhay natin na kailangan nating pumili kung ano at sino ang makakapagpaligaya sa atin. Sumuko man tayo o bumitiw sa isang tao, hindi naman nangangahulugan yun na natatakot tayong matalo o pinanghihinaan tayo ng loob. Ayaw lang talaga nating matawag na tanga at masaktan ng sobra.
Ang love parang buhol – buhol na sinulid. kapag hindi mo na kayang ayusin.. DAPAT MO NG PUTULIN!
Tama, ‘wag mo ng pag – aksayahan ng panahon ang isang bagay na alam mong makakasakit lang sa’yo. Mas mabuti na yung, hangga’t maaga pa, tapusin mo na agad para di ka na umasa. Parang ibon, ‘ika nga nila, kailangan pakawalan. Kapag bumalik, e’di sa’yo talaga.
maaaring in-love ka ngayon , masaya at laging kinikilig, pero dapat handa ka rin masaktan at tanggapin na may kapalit yun.
“wala na daw libre sa mundong ito, di ba??”
Hindi sa lahat ng pagkakataon, masaya lang tayo. Dumarating talaga yung pagkakataon na sinusubok ang isang relasyon. Nand’yan yung may biglang eekstra at maglalandi sa bf/gf mo, at minsan, mismong yung bf/gf mo ang lumalandi. Kaya dapat, nakahanda ka palagi sa anuman ang p’wedeng mangyari in the future.
Mahal ko sya, di ko lang piniling ipaglaban, dahil alam kong mas masaya sya sa piling ng iba.
Ang sakit sa pakiramdam na kahit gaano mo pa kamahal ang isang tao, di mo sya magawang ipaglaban. Lalong – lalo na kung s’ya mismo ang nang – iwan at naghanap ng iba. Hindi ba napakasakit na makita silang masaya at laging magkasama, samantalang ikaw, nagtitiis na mag – isa?
Naku, talaga nga naman ano? Ang hirap talaga magmahal, ano? Kaya payo lang , wag tayong magmahal ng sobra. Magtira tayo para sa sarili natin, matuto tayong maghintay, matuto tayo sa mga pagkakamali natin. Bata pa tayo para maging seryoso, kaya dahan – dahan lang. Para saan ba’t makakatagpo din tayo ng taong magmamahal sa atin ng totoo.
Thanks for visiting malungkot.com. Hope you enjoyed reading our quotes! Please like and share- Thanks!