PAGLIPAS
Posted by

PAGLIPAS

Sa paglipas ng bawat panahon tila ba ako nalang ang nagiging kawawa Iniiwan ng lahat babalikan lang kapag ginugusto at may makukuha Kailan ninyo ako matututunang mahalin Kung unat na ang aking mga paa at wala ng magawa para kayo ay pasayahin? O kaya naman kayo na ang nagmamakaawa at ako naman ang hindi naaawa.

NAKAKAPAGOD
Posted by

NAKAKAPAGOD

Nakakapagod, nakakaubos ganito pala ang pakiramdam kapag nagmamahal Ngunit pa’no nga ba sabihin at akin nalang sana itong sasarilihin Hindi nga pala ganito ang tamang gawi kung ika’y nagmamahal Mararapatin mong ipakita ang lahat kahit kalooban mo’y nasasaktan Ang hirap mong mahalin, oo nga pala, pinaghirapan kitang angkininI intindihin, babalikan ang nakaraan kung papaanong tayo […]

HUGOT
Posted by

HUGOT

Saan pa ako huhugot ng lakas kung ang aking kinukunan ay nang iwan ng wala manlang paalam Sawi, wasak na wasak at tila ba nangungulila sa paglinsan mong ‘yan Kailan ko pa kaya makukuha pagmamahal na inyong natatamasa Ni hindi manlang sa’kin ipinaranas kung ano nga ba ang tunay na lasa ng ganyang pakiramdam.