Sa di-inaasahang pagkakamali, nagtatanim ng lungkot at pangungulila ang bawat sandali. Parang unos na dumaan sa ating buhay, ito’y nag-iiwan ng mga sugat na paminsan-minsan ay mahirap hilumin. Ang malalim na kalungkutan ay dumaramay sa bawat hakbang, parang matindi at malamig na bagyong sumasalanta sa puso.Sa bawat maling desisyon, tila ba ang langit ay nagdilim at ang araw ay biglang naglaho. Ang mga pangarap na masiglang bumabalot sa ating kaisipan ay unti-unting natutunaw sa ulan ng pagsisisi. Ang saya at ligaya, tila ba naglalaho na parang bula sa kakaunting pagkakamali na hindi inaasahan.Ang pagkakamali ay isang araw-araw na paalala ng kahinaan at kamalian sa ating sarili. Ang tanong ng “bakit” ay nagiging kasabay ng luha at pangungulila. Ang sariling pagpaparusa ay nagdadagdag lamang sa bigat ng damdamin, isang sulyap sa salamin na naglalantad ng mga pagkukulang.Sa mundong tila ba nag-iisa, ang di-inaasahang pagkakamali ay nagdudulot ng kawalan ng pag-asa at paniniwalang hindi na kayang ituwid ang landas. Subalit, kahit malungkot, may mga pagkakataon pa ring bumangon, maghilom at magpatuloy. Ang pagkakamali ay bahagi ng pagiging tao, ngunit hindi ito dapat maging hadlang sa paglalakbay patungo sa liwanag mula sa dilim ng pangungulila.
-August 27, 2024