Naranasan mo na bang mawalan Yung tipong ubos na ubos kana. Yung lahat ng tao sa paligid mo dina-down ka maging yung mga bagay na kailangan mo ay hindi mo mahagilap na alam mong yun nalang ang meron ka pero lahat ng iyon ay nawala sa isang iglap.
Yung Walang-wala kana pero naniniwala ka sa salitang “God will Provide”
Yung tingin muna sa sarili mo Ikaw na yung pinaka-malas na tao. Pero dumadating talaga tayo sa punto na dahil wala na tayong makapitan ay dadating yung oras makikita at masasaksihan mo nalang na umiiyak kana sa Lord yung tipong Ikaw na yung hihingi ng tulong at sa hindi inaasahan may gagamitin siyang isang tao o bagay na alam niyang sagot sa lahat ng “wala sayo” o “nawala sayo”.
Ang Panginoon ay palaging may gagamitin na instrumento upang bumangon ka sa anumang meron kang pinagdadaanan hindi man tao, bagay pero maari mo itong matagpuan sa kanya.
Sakanya mo lang makikita at mararamdaman ang lahat ng “WALA SAYO”