Para sa mga taong naguguluhan at patuloy pa rin uma-asaang maisasalba pa ba ang relasyon
Mag titiis ka na lang ba?
Hindi ko alam kung paano ba sisimulan, nahihirapan na kasi akong humiwalay sa taong labis ko ng nakasanayan noon pa man, para akong isang goma na kahit anong gawin pagpitik ko papalayo kusang babalik at babalik pa rin sa iyo, parang tanga lang ano? kahit nakakasakal na patuloy ka pa rin lumalaban kahit nakakapagod nang intindihan at unawain ka ng paulit-ulit hindi ko maiwasan at napapatanong na lang bigla sa kawalan, kung bakit ikaw pa kung meron naman hihigit pa? minahal mo ba ako? San ba ako nagkulang? Mga tanong na hindi ko mahanapan ng sagot dahil wala ka naman pakiaalam, konting pagtitiis nalang kusa na akong bibitaw, gigising ng walang na rin pakiaalam.