Lagi namang ganon diba? Handa tayong MASAKTAN para sa taong mahal natin.
Ako nga pala si Irene 21 years old, lumaki ako sa puder ng lola ko, nanay siya ng aking papa, isang dekada narin kaming nagsasama ng lola ko. Maraming problema, pagsubok, pagtatalo, tampuhan at higit sa lahat ang pagpaparamdam ng pagmamahal. Hindi ako showing na apo, dahil siguro lumaki rin akong independent, pero alam kong mahal ko siya di ko man ipakita at maiparamdam 100% pero sigurado akong sa puso ko MAHAL ko ang lola ko.
Hanggang sa dumating nga ang pandemic doon ko mas na treasure, naparamdam at nasuklian ang pag-aalaga at pag-aaruga niya sakin. Sa buong pandemic na kasama ko siya parang wala nang oras na hindi kami nag-usap at nagkasama.
Pero sa hindi inaasahan dumating yung araw na kinatatakutan ko yon ay ang mawala siya. MASAKIT? oo, sobra pero wala ganon siguro talaga, pero kahit na ganon KASAKIT kailangan pilitin maging OKAY kasi alam kong ayaw niyang NASASAKTAN ako ng dahil sakanya.
Mahirap mag-palaya, lalo na kung yung taong papalayain mo ay sobrang mahal mo at ayaw mong mahiwalay sa kanya. Maaring lilipas ang panahon at mawawala ang sakit pero kailanman ay hinding-hindi kita makakalimutan. For more blogs, mrbolero.com. Enjoy reading!