Kamusta ka na nga ba?
Baka ang nais mong itanong ay kung kumusta na ako pagkatapos mong mawala. Sabagay, hindi ba dapat ay sanay na ako sa mga saglit mong pag-aalala, dahil noon pa man ay bibihira mong maitanong sa akin kung kaya ko pa ba?.
O sige, para sa ikapapanatag ng loob mo. susubukan kong alalahanin muli ang pagkasadsad ko sa lungkot at muling pagbangon magmula noong magpaalam ka. Nakatutulog na ako nang payapa mula sa magdamag na ako’y ginigising ng mga alaala noon.
Kung dati ay palaging malamlam ang aking gabi ay ngayo’y paunti-unti ng nakauusad patungo sa kapanatagan ng isip dahil sa wakas, hindi ko na kailangang magbaka sakaling madudugtungan pa ang istoryang matagal na dapat tapos. Huwag kang mag-alala, masasagot ko rin nang deretso ang kumusta mo, na hindi ko na kailangang tumambay sa gunita.
Balang araw. Enjoy Reading! Godbless you:)