Alam kahit papano nag papasalamat ako na natapos ang ating malabong ugnayan kasi ako yung taong handang gawin ang lahat pag ibig ko lang ay mapatunayan at sa katunayan sumugal ako kahit sa simula pa lamang alam kung talo na ako sa paligsahan pero aking natutunan na kahit ano palang gawin kong tulong at pag buo mo sa isang tao kung siya mismo ay walang plano na ang sarili niya muling itayo ay walang mangyayari at sa huli ikaw at ikaw lang din ang mauubos at matatalo pasensya na pero pagod na pagod na ako maging taga buo ng mga tao na hindi naman ako ang nag wasak at paano mo nga ba ako sasaluhin sa pag kahulog ko sayo kung ang dalawang kamay mo ay sa iba parin nakahawak.
-August 27, 2024