Ang pag-ibig, minsan, parang mamahalin mong libro na kailangan mo nang isara. Masakit, oo, pero mas masakit kung mananatili ka sa pahina na walang kahulugan. Mahirap bitawan ang pag-ibig. Parang nagsasara ka ng pinto sa taong inakala mong panghabang-buhay. Pero isipin mo, mas masakit ba na manatili ka sa kwentong walang direksyon? May mga pag-ibig na tila laging nanganganib sa pagiging walang saysay. Masakit ang bawat saglit na puno ng pag-aalinlangan, lalo na kung alam mong walang patutunguhan. Minsan, kailangan natin maging matapang sa sarili natin. Tanggapin na ang pag-ibig ay hindi palaging nagdadala ng saya. May mga pagkakataon na ang pinakamabuting gawin ay lumisan para sa sariling kasiyahan at kapakanan. Hindi madali, oo, pero kahit masakit, may mga bagay na kailangang iwanan para sa sariling pag-unlad. Hindi ito pagiging selfish, kundi pag-aalaga sa sarili para mahanap ang mas makabuluhang pagmamahal. Sa pag-let go, binubuksan natin ang pintuan para sa bagong pag-asa. Kaya kung masakit man ang pag-ibig na bumitaw. Iwan mo na ang chapter na walang kahulugan at simulan ang bagong kabanata ng iyong buhay.
-August 27, 2024