Madaming dahilan para tayo ay masaktan, pero bakit kaya dahil sa pag-ibig ang pinakamalala? Bale wala ang sakit ng sugat sa katawan kapag puso na ang nasugatan. Narito ang ilan sa mga dahilan kung baket tayo nasasaktan ng dahil sap ag-ibig:
Nagmamahal ka ng totoo.
Kapag nagmahal ka mahirap talagang iwasan na masaktan lalo na kung nagmamahal ka lang ng totoo. Ganyan kasi tayong mga totoo kung magmahal handang magpakatanga, handang maghintay at kayang ibigay ang lahat kahit nasasaktan na.
Iniwan ka niya ng hindi mo alam ang dahilan.
Napakasakit talaga ang pakiramdam ng isang iniwan lalo na kung hindi mo naman alam kung ano ang dahilan. Yung tipong para lang silang hangin na dumaan pagkatapos nawala na lang na parang bula.
Sobrang Selos.
Natural lang ang makaramdam ng selos sa isang relasyon pero masakit na sa pakiramdam kapag ito ay nasobrahan. Selos – Ito ba yung pakiramdam na naiinis ka pag may kasama siyang iba at hindi ikaw ang dahilan kung bakit siya masaya o ito yung pakiramdam na natatakot ka na iwanan ka niya?
Umaasa ka pa.
Hindi naman masama ang umasa, “tiwala lang” sabi nga nila. Ang masakit lang eh yung tipong umaasa ka pa pero malalaman mong wala na pala talaga. Pero kapag umasa ka pa kahit alam mong wala na talaga, isa na yang pagpapakatanga.
Pinagpalit ka niya sa iba.
Ang sakit sa pakiramdam kapag nalaman mo na ang dahilan ng inyong hiwalayan ay dahil pinagpalit ka niya sa iba. Dahil alam ko ang inyong pakiramdam,advice ko lang sa mga taong ipinagpalit sa iba “isipin niyo na lang na mas better kayo sa ipinalit niya kaya siguradong magsisisi siya ”.
Nabiktima ka ng mga taong pa fall.
Ang hirap siguro kapag yung nagustuhan mo pa fall. Sila kasi yung tipo ng tao na ipaparamdam sayo na mahalaga ka, akala mo concern sayo yun bang tipong magpapakita ng motibo para mahalin mo tapos malalaman mo sa huli na wala lang pala, ang sakit diba?
Inahas ka ni bes.
Kaway-kaway mga bes hahaha. Ang bait ba sayo ng bes mo? mag ingat ka baka ahas ang nabesprend mo hindi tao hahaha. Anyway, masakit kapag nalaman mo na kay bes ka pala pinagpalit ng jowa mo. Maiisip mo na lang kung bakit ganun ang advice ni bes pag nag aaway kayo, yung tipong sasabihin nya na “ naku bes hiwalayan mona kasi”.
Hanggang magkaibigan lang kayo.
Na friendzone kana ba ? Ang sarap marinig kapag sinabi niyang “mahal din kita” pero pano kapag may kasunod na “bilang isang kaibigan lang”, matutuwa ka parin ba o masasaktan na?
Hindi ka na niya mahal.
May sasakit pa ba kapag nalaman mong hindi ka na pala niya mahal? Hindi mo na nararamdaman yung lambing niya kapag tinatawag ka yun bang tipong nanlalamig na siya na para bang naghihintay na lang ng dahilan para iwan ka.
Nagloloko na siya.
Masakit to, yung malalaman mo na nagloloko na siya . Yun tipong masasabi mo na lang sa sarili mo na “ ibinigay ko naman lahat, may kulang pa ba?”. Masakit isipin ang mga dahilan para magloko siya lalo na kung na kung alam mo sa sarili mo na ibinigay mo naman lahat.