Moving forward
—- hindi para takasan ang nakaraan kundi para hindi na muling masaktan !
Di ka makakaalis sa isang sitwasyon kung di mo sya iiwan. Di ka makakapunta sa next chapter kung patuloy mong hahawakan ang last chapter. Di ka magiging masaya kung lagi mong binabalikan ang mga bagay na nagpapalungkot sayo. Life is like riding a bicycle. To keep your balance, you must keep moving.
Wag mong hayaan na maiStuck ka sa bagay na makakasira ng araw mo. Life is too short. Marami kang pwedeng gawin para maiwasan yon. Wag mong sayangin ang oras na dapat ay laging masaya ka.
Di mo kailangan palaging nakatutok sa past mo. Isang past kung saan lagi kang nasasaktan , siguro di sya ung para talaga sayo. Huwag kang manghinayang iwanan ang taong iniwan ka na. There’s no reason to look back. Its time to move forward.
“To heal a wound, you need to stop touching it.”
There’s is only one happiness, to love and to be loved. Masaya kung ang minamahal mo ay mahal ka. Wala ng ibang rason para humanap ka pa ng iba kung pareho niyo namang mahal ang isat isa. Mahalin ka kung ano ka talaga, mahalin ang iyong tunay na ugali , mahalin ka ng walang dahilan basta mahal ka lang dhil iyon ang kanyang nararamdaman.
Minsan ang mga nakasanayan na natin ay mahirap ng alisin satin. Minsan nasasanay tayo na may taong nagaalaga at umiintindi sa atin, taong pinagbabawalan ka sa mga bagay na ayaw nilang gawin mo. Nasasanay tayo na andiyan lang lagi sila pero kapag nawala , nahihirapan tayong magadjust. Kaya huwag natin sanayin ang sarili natin na laging may nagaalaga dahil darating ang araw na mawawala din sila.
“In the process of letting go, you will lose many things in the past but you will find yourself”
Di naman maganda lagi ang araw mo pero pwede mong harapin ang araw with good attitude para hindi lalo masira ang araw mo. Be thankful for every DAY na binibigay ni god sa’tin.
Kalimutan mo yung mga bagay na nagdulot ng sakit sayo. Pero yung mga lesson na natutunan mo kailangan mong tandaan para hindi na maulit muli. One day your pain will become the source of your strength.
“There are things taht we don’t want to happen but we have to accept, things we don’t want to know but we have to learn, and people we can’t live without but we have to let go.”
If you want to move forward, you need to let go of the past that drags you down. Kailangan mong iwanan yung mga bagay na iyong nakasanayan kung alam mo na naghihintay sayo na mas worth it o dun ka mas sasaya.
“Staying in an unhealthy relationship can keep a person from finding their own way and moving to the next level of their own path and that person could even be you. Sometimes the best way is to walk away. Real love sometimes means saying goodbye.
Lahat ng bagay may katapusan , di naman sa lahat ng oras nakafocus lang tayo sa iisang bagay. You have to move forward. May mga bagay na di talaga para sa atin. Things and and people change, life goes on.
Minsan may mga relasyon na bigla nalang nawawala, nagbe-break na wala man lang sapat na dahilan. Sapat na ba ang salitang “ayoko na” para matapos ang isang relasyon. Walang sapat na paliwanag , basta basta kana lang iniiwan. Walang maayos na closure but you have to move on.