Nagkamali sa Pagpili.
Alam mo yung feeling na, minsan ka na nga lang magmahal sa TOXIC na tao pa. Yung feeling na palagi kang nagkakamali sa paningin niya, yung akala niya palagi siyang tama. Mahirap talaga kapag nagkakamali ka ng taong pinipiling mahalin, sa umpisa lang din talaga sila magaling. Oo, andun naman yung pagmamahal nararamdaman parin naman, ipinaparamdam parin naman nila, pero grabe sila kung magbawal saten, bawal ganto, bawal ganyan, yung tipong wala ka nang kalayaang gawin ang mga bagay na gusto mo, sino kaya ang magiging masaya kapag ganyan ang ugali ng partner nila.
Napakabilis pa nilang magselos, may magchat lang sayo sari saring masasakit na salita at pagbabanta na ang kanilang gagawin, minsan ay kanila pang ibablock, kahit kaibigan mo na sobrang tagal mo nang kilala pinagseselosan. Kapag may pupuntahan ka kasama ang iyong mga kaibigan ay madalas nila tayong pinagbabawalan, kaya mas mabuti pang hindi nagpapaalam, kase kapag nagpaalam ka ay malamang hindi ka payagan at malamang mauuwi lang sa away yan.
Minsan kukunin niya pa ang mga facebook account niyo para lang mabantayan ka, meron lang mag “hi” o kumamusta sayo ay automatic na pagaawayan niyo. Nakakasakal yung mga ganyan na partner, kaya sana makakita tayo ng maayos at may mapili sana tayong partner na irerespeto tayo, yung partner na hindi tayo paghihigpitan sa mga gusto niyo, basta alam lang naten ang mga limitasyon naten, dapat palagi rin tayong tapat para makahanap rin tayo ng mga ganyang klase ng karelasyon maging mabuti rin tayong partner sa kanila para maging mabuti rin sila sa atin.