Bakit yung mga taong sinasabihan ng tanga ay yung naloko at hindi yung nagloko?
Bakit kami pang matitino yung sinasabihan niyong tanga kahit wala naman kaming ginagawang mali?
Dahil ba nagmahal kami at hinayaan namin hindi yun suklian? Kaya ba kami naging tanga kasi kami yung nagbigay at kami rin yung pinabayaan?
Kung ganun nga? Oo, ako na si tanga.
Yung apat na taon na puno ng sakripisyo ko na hindi mo sinuklian, pero hindi ako nagreklamo. Yung apat na taon na paulit ulit mo akong niloko pero paulit ulit din kitang pinatawad. Yung apat na taon na ako lang pala nakaramdam ng saya, at ikaw hindi naman pala. Yung apat na taon na ikaw lang para sa akin, pero hindi lang pala ako ang inaasikaso. Yung apat na taon na nagplaplano tayo ng pangarap natin pero ako lang pala mag-isang bubuo.
Ako na tanga dahil nagpaloko ako. Kase diba kung naging maingat ako, mahuhuli sana kita ng mas maaga. Sorry ha. Kasalanan ko pa pala. Pasensya kung nagtiwala ako. Sana maging masaya ka sa mga naging rason mo.