Alam nating lahat na masarap magmahal, kung tunay ang pagmamahal at nararamdaman, ngunit kung gaano ito kasarap ay gayun din ang sakit na mararamdaman kung ang dating mundo mo ay pag aari na ng ibang tao. Mahirap mag move on lalo na ngayong henerasyon natin, makikita mo sa facebook o Instagram ang mga pictures nyo noong masaya pa kayo, mga conversation nyo noong nagmamahalan pa kayo, pero paano nga ba kalimutan ang taong minsan sa buhay mo ay naging mundo mo?
-
“The truth is, unless you let go, unless you forgive yourself, unless you forgive the situation, unless you realize that the situation is over, you cannot move forward.”– Steve Maraboli
Mahirap kung ang isang relasyon ay nagtapos ng walang closure, mahihirapan ka sa pag move on dahil baka umasa kapa na mahal kaparin nya, umasa kapa na babalikan ka nya, mag iisip ka kung ano bang nagawa mo o anong kulang sayo, itanong mo ito sakanya. Mahirap kung naghiwalay kayo ng walang usap usap. Pag may closure sarado na ang kwento nyong dalawa.
-
“Yesterday is not ours to recover, but tomorrow is ours to win or lose.”– Lyndon B. Johnson
Iblock mo sya sa Social Medias. Hindi porket binlock mo sya sa fb ay bitter kana. Gagawin mo un para mapadali ang process mo ng paglimot. Para hindi mo nakikita ang current updates sa buhay nya, ikaw din lang naman ang mahihirapan. Putulin mo na lahat ng connection nyo , dahil kung patuloy parin ang connection nyo sa isa’t isa, sa tingin mo makakamove on ka ? hindi diba.
-
“In the process of letting go you will lose many things from the past, but you will find yourself.” – Victor Kiam
Burahin mo na yung mga old convo (lsm) at pictures nyo, sa twing titingnan mo yan maaalala mo lang kung gano mo sya kamahal, at manghihinayang kalang, lalo ka lang masasaktan. Huwag masyadong martyr, wag kana gumawa ng mga bagay na alam mong masasaktan ka.
-
“Cry me a river, build a bridge, and get over it.”– Justin Timberlake
Ilabas mo yung sama ng loob mo. Iiyak mo ng iiyak. Hindi porket umiiyak ka ay weak kana, ginagawa mo yan para mabilis kang makamove on. Sa tingin mo ba mababawasan ang sakit kung iniipon mo lang jan sa dibdib mo? Ishare mo sa family mo o sa friends mo, matutulungan ka pa nila sa problema mo. Iiyak mo ng tatlong araw, Oo maximum na ang 3 days, hindi porket 2 buwan, o 4 na taon kayo e ganun ka din katagal iiyak, baka magmukang zombie kana nyan.
-
“Some people believe holding on and hanging in there are signs of great strength. However, there are times when it takes much more strength to know when to let go and then do it.”– Ann Lander
Sumama sa mga get together ng iyong friends, kahit iniwan mo yang mga yan noong nagkasyota ka, tatanggapin kaparin ng mga yan. Maglibang ka, make more friends, gawin mo yung mga bagay na hindi mo nagawa nung kayo pa, enjoy your self. Make more time with your family.
-
“Don’t dwell on what went wrong. Instead, focus on what to do next. Spend your energy moving forward together towards an answer.”– Denis Waitley
Mag pafresh, mag ayos, magpapogi, magpaganda. Wag magpabaya sa sarili. Ipakita mo sakanya na mas better ka ngayon kahit iniwan ka nyan, ipakita mong kaya mo kahit wala sya. Be successful, Oo hindi lang ganda o gwapo , dapat may marating ka. Tupadin mo mga pangarap mo. Para mapasabi talaga sya nang “ sayang pinakawalan ko pa sya”.
-
Time heals.
OO, maghintay kang lumilom lahat ng sugat, maghintay kang makalimot sa sakit, time heals, darating din tayo jan. Pero wag na wag mong gagawing paraan para makalimot ang gumamit ng iba, dahil masasaktan mo lang sya, alam kung gano kasakit yun kaya wag mo na naman iparanas pa sa iba.
-
If you can love the wrong person that much, imagine how much you can love the right one.
Hindi porket nasaktan ka noon ay hindi kana magmamahal ng iba. Buksan mo yung puso mo sa posibilidad na magmahal ng iba. Hayaan mong patunayan ng iba sayo na napakasarap ng may nagmamahal at may mahal. Kapag nakahanap kana ng mamahalin ay huwag mo syang icompare sa taong nanakit sayo, hindi sila pareho tandaan mo lagi yun. Huwag mo namang iparusa sa kanya ang naging kasalan ng ex boyfriend o girlfriend mo. Ituring mo syang iba kaysa sa mga nanakit sa iyo “ just love as if you have never been hurt ”. Sa pagkakataong magkakatagpo o magkakasalubong kayo ng ex mong nanakit sayo be confident and smile mapapa sabi ka na lang nang “Hi! Ako nga pala yung sinayang mo”.
Thank you for reading! For more interesting blogs and tips on how to move on, please visit us in http://malungkot.com